Our hands are intertwined while walking leisurely in the busy streets of BGC. Napagpasyahan naming maglakad-lakad dito habang pinagmamasdan ang mga tao at sasakyan. May hawak akong paubos na frappe sa aking kabilang kamay habang ang kabila naman ay hawak ni Ron.
Medyo makulimlim ang langit kaya kahit alas dos pa lang ng hapon ay hindi masakit sa balat ang araw. Hindi rin gano'n kainit ang simoy ng hangin kaya masarap maglakad-lakad.
Napatigil kami sa paglalakad nang may makasalubong kaming batang siguro'y nasa dalawa hanggang tatlong taon. Mukha itong naliligaw dahil sumisigaw ito ng mama habang umiiyak.
Lumapit ako sa bata at dumukwang para pantayan ang laki nito. "Are you lost? Where's your mama?"
Hindi niya ako pinansin at patuloy lang sa pag-iyak at pag-sigaw. "Mama!"
Pinahid ko ang luha na tumutulo sa kaniyang pisngi at inayos ang medyo nagulo nitong buhok.
"It's okay, baby. We're going to find your mama, okay?" Dahil sa sinabi kong 'yon ay napatigil siya sa pagsigaw at sa pagpalahaw ng iyak.
Ang kaniyang inosenteng mata na puno pa rin ng luha ay matamang nakatingin sa akin. "M-mama?" Humihikbing saad niya. Tumango naman ako at masuyong ngumiti. "Yes, baby. We're going to find your mama so stop crying na, okay?" Tumango ito at pinunasan ang sipon na tumutulo sa ilong nito gamit ang kaniyang kamay. Mahina akong napatawa doon at tinulungan siya sa pagpunas gamit ang panyo kong nasa aking bulsa.
Nang ilahad ko sa kaniya ang aking kamay ay kumapit ito sa akin. Agad ko naman siyang binuhat at tumayo. Naramdaman kong sinandal nito ang kaniyang ulo sa aking balikat kaya hinaplos ko ang kaniyang likod.
Humarap ako kay Ron na tahimik at mataman kaming pinagmamasdan. Nginitian niya ako nang mapansin na nakatingin ako sa kaniya. "How can we find his mother?"
"I saw a park earlier and maraming bata roon kanina. Baka doon siya galing?"
"Alright. Come on." Hinawakan niya ang baywang ko at iginiya pabalik sa park na nadaanan namin kanina.
Nasa bungad pa lang kami ng park ay rinig na namin ang ilang sigawan ng mga batang naglalaro doon. Mayroon silang mga kasamang bantay na nakatayo sa gilid ng slide habang naguusap-usap.
Nang umabot kami sa entrada ng park ay may sumalubong sa aming aligagang babae. Nakauniform ito katulad ng ibang bantay na nakita ko sa slide kanina.
Tumigil siya sa harapan namin at dumako ang kaniyang paningin sa batang buhat ko. "Ma'am... 'Yong bata po na buhat niyo... Alaga ko po..." Humahangos niyang sabi dahil mukhang kanina pa siya nagaalala at naghahanap.
Nag-angat ng ulo ang batang karga ko at tumingin sa babaeng nasa harapan namin. Nanlaki ang mga mata nito at nagpumiglas sa aking hawak.
"Yaya!" He struggles to my hold, so I put him down. Kaagad itong lumapit sa babae at kumapit sa binti nito.
"Jusko kang bata ka! Kanina pa kami naghahanap sa'yo! Aatakehin ako sa puso! Lagot tayo kay mama mo nito!" Medyong pasigaw ng babae. Nalukot naman ang mukha ng bata at nagsimula na namang umiyak.
"Sowi, yaya. I'm scayed..." Bulol nitong ani.
"Bakit kasi bigla kang nawala? Nag-alala talaga ako sa'yo." Yinakap ito ng kaniyang yaya.
"Uhm, hi po." Her gaze shifted from the little boy to me. Tumayo siya nang maayos at ngumiti sa'kin. Buhat-buhat niya ang bata habang hinahaplos ang likuran nito.
"Ma'am, salamat po at nakita niyo ang alaga ko." Galak na galak nitong sabi.
"Wala 'yon, Ate. Nakita namin siyang umiiyak hindi kalayuan dito. Mabuti't hindi siya dinampot ng ibang tao at itinakas."