Chapter 3

60 10 0
                                    

Napatigil ako sa paglalakad at napaupo sa isang malapit na upuan. Ramdam ko ang pag-ikot ng aking paligid kaya sandali kong ipinikit ang mga mata ko para magpahinga.

"Miss, okay ka lang po ba?" Rinig kong sigaw ni Dhalia mula sa counter. Pinilit kong imulat ang mga mata ko at matipid na ngumiti sa kaniya na bakas ang pag-aalala sa mukha.

Ilang minuto pa akong nagpahinga bago napagdesisyunang tumayong muli para ipagpatuloy ang pagliligpit ng mga naiwang kalat sa tabing lamesa. Napalingon ako sa labas ng café nang maramdaman kong may nakatingin sa akin. Napatalon ako sa gulat nang makita ang mukha ng kaibigan ko na nakadikit sa glass wall na nasa aking gilid. Dumila siya, ngumuso at nguwi kaya hindi ko na napigilang matawa nang dahil sa kaniya.

Inilagay ko ang mga basura sa basurahan bago tinungo ang kaibigang nakapasok na sa loob at nakaupo sa isang malapit na mesa.

"Hi Clemer!" Magiliw niyang bati sa akin. Saglit ko siyang inirapan dahil sa tawag niya sa akin.

"Wow, ang taray naman! Akala mo maganda." Pinisil ko ang ilong niya bago umupo sa upuan na nasa kaniyang harapan.

"Bakit ka nandito?" Bungad ko sa kaniya.

"Grabe, wala man lang 'Hello, Shapi! Napakaganda mo naman ngayon'. Talagang ganiyan ang bungad mo sa akin? Ang sakit naman, Clemer! Hindi mo na ba ako mahal? Maganda pa rin naman ako ha? May bago ka na bang mga kaibigan? Ipinagpalit mo na ba kami ni Mili?" Umakto siyang nagpupunas ng luha bago niya tinampal nang mahina ang aking pisngi.

Saglit akong napatawa sa kaniyang kalokohan bago lumapit at binigyan siya ng halik sa pisngi.

"Ano ho ba ang kailangan mo, binibining Shapi?" Umayos siya ng upo bago matiim na tumitig sa akin.

"Mukha ka ng bangkay, alam mo 'yon? Tinawagan ako kanina ni Mili, ang sabi niya may sakit ka raw at walang mag-aalaga sa'yo dahil may kailangan siyang puntahan. Kaya ako ang ginulo niya at pinapunta rito para tingnan at bantayan ka." Hindi ko napigilang mangiti sa narinig mula sa kaniya. Napakaswerte ko talaga sa kanilang dalawa ni Mili, mabuti na lang at nandiyan sila lagi para sa akin.

"Pero may pasok ka, 'di ba?"

"Ano naman? Uunahin ko ba 'yon bago ikaw? Duh! Clemer naman!" Inirapan niya akong muli at tumayo para sipatin ang aking noo at leeg.

"Ayos ka lang ba? Uminom ka na ba ng gamot? Kumain ka na ba? At natutulog ka pa ba? Napakalaki ng eyebags mo! Hindi puwede 'yan. Wala dapat pangit sa ating magkakaibigan." Tumango lang ako sa kaniya dahil naramdaman ko na naman ang pag-ikot ng paningin ko.

"Ha! 'Yan na nga ba ang sinasabi namin sa'yo, Clementine Meraki! Tumingin ka na ba sa salamin, ha?! Naku, na-i-stress 'yong ganda ko sa 'yong babae ka. Ang tigas ng ulo mo! Ilang beses na naming sinabi sa'yo na uso ang magpahinga, hindi ba? May mga crew naman kayo rito ni Mili pero halos ayaw mong paalisin si Dhalia sa counter. Tapos may pasok ka pa sa Musnetic! Aba, gusto mo ba talagang maospital? Mas mahal ang magagastos mo roon!" Aniya sa napakatinis na boses.

Nanatili akong nakapikit dahil ramdam ko pa rin ang bigat sa ulo ko. Naramdaman kong hinawakan ako sa braso ni Shapi at marahang hinaplos ito.

"Clemer naman, makinig ka naman sa amin. Para sa iyo rin naman 'to. Huwag ka na munang pumasok sa kahit anong trabaho mo ngayon o kahit pati bukas. Ako na ang bahala pumunta sa Musnetic mamaya para ipaalam ka, okay? Gets mo ba ako, Clemer? Gets mo naman diba?"

His RaconteuseWhere stories live. Discover now