CHAPTER 2
"Let's go." My father said as I came back from the dancefloor and dragged me out of the hall.
"Uuwi na ho tayo?"
"Oo," sagot niya.
Hell.
Tahimik lang din si Daddy habang nasa sasakyan kami, sinusulyap sulyapan lang ako sa rearview mirror. Pauwi na kami at nakuha na namin ang gamit sa inakupahang hotel.
Bihis na rin ako ng mas komportableng damit at nakasandal lang sa bintana sa backseat. Nakatanaw sa mga naglalakihang building.
Bumalik sa'kin ang tanong noong lalaki. Gusto ko na nga bang umuwi?
Naglaro rin sa isip ko ang nangyari kanina roon sa party. Nanginig ang kamay ko sa mga alaala.
Pikit ang mata ko pero gising na gising ang diwa ko hanggang sa makarating kami sa bahay. Madaling araw na pero napagbuksan pa rin kami ni Manang Precy ng gate.
"Matulog ka na," my father commanded before he went upstairs.
I gritted my teeth.
"Hija, ako na riyan," ani Manang at nag-amba pang kukuhanin ang back pack na nakasukbit sa balikat ko nang hinarap ko siya.
"Pahiram po ng bible."
Nagulat siya sa sinabi ko.
Yes, I don't believe in God and she knows it too well, but I seriously got curious to what that guy said.
"Bakit? Aanhin mo iyon? Magbabasa ka-" Iginiya niya ako sa maid's quarter.
I quickly shook my head. "May titignan lang ho ako," putol ko. "Bakit ho gising pa kayo? Anong oras na, ah."
She opened the door of her room and gestured me to come in. "Syempre, sino'ng magbubukas ng gate para sa inyo kung hindi ako gigising ng maaga."
Tumango ako kasabay noon ang pag-abot niya sa'kin ng isang makapal na libro. English ang lenggawahe ng bible na 'yon.
"Teka, ipagtitimpla kita ng gatas," aniya.
I shook my head again as I scanned the bible. "Huwag na ho. Matutulog na rin ho ako," pigil ko.
Pinanood niya lang ako habang may hinahanap ako sa libro. Nang mabasa ko ang nakatala sa libro tungkol sa sinabi noong lalaki ay parang nanlamig ang buong katawan ko at tumindig ang balahibo ko.
Ano nga ulit ang itsura noong lalaki?
Hindi ko na agad maalala ang mukha niya. Basta ang alam ko ay ang pangalan niya.
"Emman..." I whispered as I stared at the ceiling of my room.
Kanina pa ako nakahiga rito pero hindi ako makatulog sa mga iniisip. So, I did my usual thing to fall asleep, I cry hard.
My college years in National University Laguna has been rough and tough because of some nosy people making fuss about me. They did not even know me.
Years has passed but the cycle of my life didn't even changed.
"Ayos ka lang ba, hija?" Salubong sa akin ni Manang Precy pagkababa ko galing sa kwarto.
Tumango ako at hindi siya tinignang dumiretso sa labas ng bahay para pumasok. Hinabol ako ni Manang.
"Papasok ka na ba? Kumain ka muna! Aba'y hindi ka pa nanananghalian aalis ka na! Malilipasan ka ng gutom nyan! Naku ka talagang bata ka!" sermon niya. "Teka!" Narinig ko ang yapak niya pabalik sa loob ng bahay.
BINABASA MO ANG
Unchained Melody
General FictionEmman, a legma student, was enchained by the responsibilities and expectations for he is the grandson of their family. He was longing for serenity and a break from chaotic life in Manila until he met this enigmatic girl from NU Laguna.