CHAPTER 12
It's hard for me to cope day-by-day of my life, but I strive. I strive because I'm looking forward to the days where I can see him. What's happening in me?
Lumipas ang linggo at sumama ulit ako kay Manang Precy, magsisimba. Naroon din kasi si Emman, usapan namin. Magkatabi ulit kaming dalawa.
It was hard for me to stop looking at him. I can't help myself but be amazed how passionate he is, siguro ganoon din siya sa pag-aaral.
Ihinatid niya ulit kaming dalawa ni Manang Precy pauwi, wala si Ate Reena.
Monday came and Reign didn't bothered me anymore, I felt guilty. Tuesday passed, hindi ko pa nakakasalubong o nakikita pa ulit si Felix. I felt guilty but I don't know what to do.
Maybe it is better this way. Lumayo na silang tuluyan sa akin, 'yong mawalan sila ng paki.
Wednesday, breaktime, as usual hindi ko na naman kinain ang baon ko, wala akong gana. Didiretso na lang ako sa susunod na subject.
Naghihintay ako sa pagbukas ng elevator nang marinig ko ang tawanan nila Maria, Aaliyah, at Queency. Huminto sila sa tabi ko.
Lumayo ako ng kaunti sa kanila. Ako na naman ang pagtitripan ng mga 'to.
"Look," Maria showed her phone to her friends.
"Masaya maging virgin. Hindi ka makapag react, 'no. Laspag ka na kasi," Aaliyah read what's on the screen. They laughed.
I swallowed and keep my distant.
Minsan, siguro maganda ring hindi ako nabubuhay sa technology at uso, sa social media at iba pa. How can that people just post something like that? Does he know everyone's situation? Kahit hindi iyon para sa akin, nakaka offend.
"Malalaman mo naman na kasing laspag na 'pag iba na lakad," Queency laughed.
How can they judge easily?
"Katulad ng iba riyan," Maria said loudly. "'Yung iba riyan, naglalaslas pa. Big yuck, shame on you, attention seeker," pagpaparinig ni Maria.
They didn't even know me. They don't know what storm I am battling. How can they judge like that?
Bumukas ang elevator kaya mabilis akong pumasok doon. Pumasok na rin ang ibang studyante pati ang grupo nila Maria, sila lang 'ata ang pinaka maingay sa elevator.
Nasa pinaka sulok ako, sila nasa harapan, pero rinig na rinig ko ang usapan nila.
"Ang harot, 'no, dalawa dalawa lalaki!" Aaliyah said.
"Fuck buddy siguro, yuck," Queency laughed.
"Two timer! Ganda ka, girl?" Maria's voice echoed.
Yumuko ako at pinikit ang mata. Pinilit ang sariling hindi magpadala sa sinasabi nila. Ayoko magpakain sa lungkot, ayokong mag-isip ng kung anu-ano. Ang hirap.
Friday came. Ala una ng hapon ang uwi ko, katirikan ng araw.
Nakita ko na rin si Felix kanina pero tanging kaway at tango lang ang ibinigay niya, hindi ko naman siya pinansin.
Mabagal ang oras, kung anu-ano na lang ang naisip ko hanggang sa mag-uwian.
Nasa gitna ako ng arawan, naglalakad at walang paki kung mainitan, maarawan at mangitim sa init. Nakasuot ulit ako ng jacket kaya mas lalo kong naramdaman ang init ng panahon.
Lumabas ako ng school na mabagal ang lakad. Umakyat sa overpass nang walang kabuhay-buhay. Uuwi na naman.
Ayokong umuwi, ayoko rin naman sa labas. Puta.
Pinanood ko ang mga sasakyan sa ibaba habang binabaybay ang overpass. Dahan-dahang bumaba.
Kakaapak pa lang ng paa ko sa lupa pero parang gusto ko nang bumalik sa overpass nang magtama ang paningin namin nang lalaki ayaw ko nang makita o maalala pa.
Lumihis ako ng daan, papunta sa sakayan ng jeep para makauwi na nang sabayan niya ako. Hinihintay niya ba ako?
Nanlamig ang buong katawan ko at nanlambot ang mga tuhod pero nagawa ko pa ring maglakad ng mabilis, pero hindi ko mapapantayan ang bilis ng tibok ng puso ko.
"MJ, mag-usap tayo," Brian said.
Mas binilisan ko pa ang paglalakad at hindi siya nilingon. Nanginig ang mga kamay ko.
"Tutulungan kita! Makinig ka sa'kin!" he said as he tried to walk fast beside me too.
Putangina. Hindi ko kalaingan ng tulong ninyo, lalo na sa'yo.
Sakto't isinisigaw ng pahero ang daan pauwi sa bahay. Mabilis akong pumasok ng jeep, kabado takot. Kinandong ko ang aking bag at itinago ang nanginginig kong kamay, pinigilan ang sariling umiyak.
Naiwan si Brian sa labas at pinanood lang na mawala ang jeep.
Malalalim ang hininga ko hanggang sa makarating sa bahay. Ni hindi ko na nabati pa si Manang Precy at nagtuloy tuloy na lang ako sa pagpasok ng kwarto.
"MJ, may prolema ba?" Sumunod siya sa akin pero pinagsaruduhan ko na siya ng pinto at ini-lock 'yon.
Umupo ako sa kama at inuntog untog ang ulo sa pader. Takot ako, takot na takot.
Bakit ba hindi nila ako hayaan? Ano bang gusto nila sa akin? Hindi ba nila ako titigilan? Putangina, nakakapagod na. Nakakasawa na. Pagod na pagod na ako sa sarili ko.
Matamlay akong pumasok sa bahay, bukas ang gate kaya hindi na kailangan pang kumatok.
Nagpakunot ng noo ko ang isang sasakyan sa labas ng aming bahay, hindi sa amin 'yon. Nagtaka ako nang makarinig ng maingay na tawanan at pag-uusap sa sala.
"O, nariyan na pala ang dalaga ko!" My father said as I stepped in to our house.
Nasa akin na ang atensyon ng mga bisita ni Daddy: Ang tito ko at ang hindi ko pa kilalang lalaki. Nagiinuman sila. Si Manang naman ay wala sa paningin ko, siguro nasa kusina.
Kamamatay lang ng Lola pero heto ang ama ko. Nagpapainom at nagpapakalunod sa alak.
Nanlamig ang katawan ko. Didiretso na sana ako paakyat sa aking kwarto nang tawagin ako ng aking ama na lalong nagpakalabog ng dibdib ko.
"Anak, meet my friend, huwag kang bastos hindi kita pinalaking ganyan," aniya.
Takot at kabado akong humarap ulit sa kanilang tatlong nag-iinuman.
"This is Brian. Brian, anak ko," my father introduced.
Ngumiti sa akin 'yong lalaking mas matanda sa akin pero mas bata kay Daddy at sa Tito ko, pulis din. Tumindig ang balahibo ko.
Mariin pa akong lumunok, kinuyom ang kamao para mapigilan sa panginginig. "Good... Good evening ho, Kuya Brian, Tito..." I forced a smile.
My smile faded as their smile grew wider and wider, nakakapanindig balahibo ang mga ngisi pati ang mapupulang mata.
Umugong sa aking tainga ang mala demonyong tawa nila. Nakakatakot.
"Melody..." tawag sa aking pangalan at humalakhak.
Kasabay ng mga halakhak at saya nila ay ang pagtulo ng luha ko pati na rin ang pagbagsak at pag guho ng aking mundo.
BINABASA MO ANG
Unchained Melody
General FictionEmman, a legma student, was enchained by the responsibilities and expectations for he is the grandson of their family. He was longing for serenity and a break from chaotic life in Manila until he met this enigmatic girl from NU Laguna.