CHAPTER 9
Maingay si Manang Precy sa buong byahe pauwi sa bahay. Panay ang kwentuhan nilang dalawa ni Emman, sila lang ang nag-uusap dahil hindi naman ako interesado sa usapang simbahan.
Kumain na lang ako ng pizza, nalaman kong si Emman ang bumili noon.
Nagkita nga silang dalawa sa simbahan. Naglaro ang isang tanong sa isip ko. Ano kayang sinabi ni Manang kay Emman?
Nagulat ako nang hinayaan ni Manang na pumasok ang sasakyan ni Emman sa subdivision namin at itinuro ang bahay kung saan kami ibababa.
Kumalabog ang dibdib ko sa naisip. Pa'no kapag nakita ni Daddy itong si Emman? Magagalit na naman iyon sa'kin.
"Ayan, diyan sa puting gate, hijo!" Itunuro ni Manang ang gate ng aming bahay.
Agad 'yong huminto roon. Lumabas si Emman para pagbuksan si Manang Precy imbis na ako ang pagbuksan!
Lumabas na rin ako, kabado.
Katabi ko na si Manang Precy pero hindi pa rin namin kinakatok ang gate. Nasa harap namin si Emman na nasa bahay ang tingin.
"Salamat, hijo! Pagpalain ka ng Diyos!" Manang Precy joyfully said.
Bumababa ang tingin sa amin ni Emman. Ako naman ay nanatili lang ang titig sa kanya habang kinakabahan. He smiled at Manang before he smiled at me.
"Always. Alis na po ako," he nodded at me.
I nod back, didn't gave back the smile.
Pinanood pa namin ni Manang ang pag-andar paalis ng kotse hanggang sa tuluyan na iyong nawala sa paningin namin. Mabuti na lang at wala 'yong nga tsismosang kapit-bahay, tanghali na kasi.
Agad kong hinarap si Manang kaya bumaling din siya sa akin at ngumiti.
"Manang, ano hong sinabi ninyo kay Emman?" I voiced out my query.
"Wala naman! Nakita ko lang siya roon sa simbahan, naalala kong siya iyong kasama mo noong nakaraan. Ayun at nagpakilala, ang bait bait at nagkusa pa talagang ihatid ako!" she giggled.
I sighed out of relief. Doon ko lang din naisip. Bakit nandito ulit si Calamba si Emman? Dito ba siya nakatira?
Kinatok na ni Manang ang gate, roon naman ako kinabahan.
Tahimik kaming pinagbuksan ni Daddy.
"Nagcommute kayo?" my father asked.
Naglalakad na kami papasok sa bahay, tahimik lang ako. Mas lalong kumalabog ang puso ko nang marinig ang tanong ng ama ko at naghintay sa isasagot ni Manang.
"Oo, Arnold! Tricycle at jeep!" she said like it was all true.
Hindi ko alam kung matutuwa ba akong hindi sinabi ni Manang ang totoo o hindi.
Kinagabihan ay nasa kwarto ako ni Manang at nakikilaro sa maliit niyang cellphone. Mabuti pa nga si Manang, kahit papaano ay may cellphone kahit keypad lang, ako ni isa, wala.
Naglalaro ako ng ahas nang magtanong si Manang na nagsosolitaryo.
"MJ, anong nangyari sa'yo noong biyernes? Bakit ka umiyak? Sinabi sa akin ni Reena," she said, concerned and worried.
I shooked my head. "Wala ho iyon Manang. Mayroon kasi akong dalaw noon kaya iba ang bugso ng damdamin." I lied so she wouldn't worry.
She sighed, still not convinced. "Melody, anak, nandito lang kami lagi. Kasama mo kami. Sabihin mo sa akin ang mga problema mo, tutulungan kita. Magdasal ka, anak, tutulungan ka ng Diyos. Huwag mo ring pababayaan ang sarili mo. Palagi ka na lang puyat at hindi kumakain, nangangayayat ka na... Alagaan mo ang sarili mo. Tapangan mo ang sarili, kasi walang ibang gagawa noon kun'di ikaw."
BINABASA MO ANG
Unchained Melody
General FictionEmman, a legma student, was enchained by the responsibilities and expectations for he is the grandson of their family. He was longing for serenity and a break from chaotic life in Manila until he met this enigmatic girl from NU Laguna.