CHAPTER 17
Buong byahe ay tahimik lang ako sa kotse habang iniisip ang mga salitang nagpakalma sa akin. Hindi ko alam kung ang salita ba ni Emman ang nagpakalma sa nagwawala kong puso o siya mismo.
"Sa Linggo ng gabi ang alis ko papuntang Iloilo. Para hindi sasabay sa traffic ng mga uuwi ng probinsya dahil mag-u-undas," sabi ni Daddy at tinapunan pa ako ng tingin gamit ang rear view mirror.
I nodded. "Ah..." Wala akong paki.
Nangumusta pa siya tungkol sa school at tanging maiiksing sagot lang ang ibinibigay ko. Sa huli ay nanahimik na rin siya hanggang sa makarating kami sa bahay.
Isang busina lang ni Daddy ay agad na bumukas ng malawak ang gate para maipasok ang sasakyan. Nang ma-i-park ay agad akong sinalubong ni Manang Precy pagkalabas ko ng sasakyan, nag-aalala.
"Matulog ka na, may pasok ka pa bukas," habilin sa akin ng aking ama bago naunang pumasok at pumunta sa kanyang kwarto.
Nang mawala siya ng tuluyan sa paningin namin ni Manang ay agad niya akong hinarap at hinila papasok sa kanyang kwarto. Ni-lock pa niya iyon kaya umupo ako sa kama niya.
"Anong nangyari? Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong niya.
Nakatayo si Manang sa harapan ko kaya kailangan ko pang tumingala para magtama ang aming paningin.
I smiled at her. "Wala naman, Manang. Ayos lang ho.''
Hindi ko na ikukwento sa kanya ang nangyaring paghaplos sa akin dahil mag-aalala lang siya lalo. Ayoko no'n.
She eyed me from head to toe before she sat beside me. "Sigurado ka, hija?"
"Opo, Manang," I smiled to assure her. "Manang, alam mo ba nakita ko roon si Emman kaya roon ako nag stay sa Villa nila!" masayang kwento ko.
She didn't even flinch at what I've said, she just sighed and smiled. "Ganoon ba? Mabuti at pinayagan ka ng Daddy mo at hindi ka pinagalitan?"
I shooked my head. "Hindi naman ho..."
"Mabuti kung ganoon," she smiled wearily.
Pumunta na rin ako sa aking kwarto pagkatapos noon, nag-alok pa si Manang na kumain daw ako pero tumanggi ako dahil totoong busog na ako. Uminom pa muna ako ng gamot bago nahiga sa aking kama at nagpahila sa antok.
Mapayapa ang naging tulog ko buong gabi. That was unusual.
Like usual, hindi ako lumabas nang Sabado ng umaga. Saka lang lumabas noong papasok na at kumain pa muna bago tuluyang umalis papuntang school.
Usual, mga boses na naman ng mahaderang si Maria at mga kaibigan niya ang pumuno sa aking tainga hanggang sa matapos ang klase.
Excited akong lumabas ng school at umakyat sa overpass pero agad ding nangunot ang noo nang makita si Maria, Aaliyah at Queency na kausap si Emman!
Kumurap kurap pa ako, hindi alam kung lalapit ba ako o magtutuloy tuloy na lang pauwi at hindi sila papansinin.
Nakatalikod sa akin si Emman habang kita ko naman ang mga mukha ng tatlong babae. I sighed and continued to walk as I fixed my mind.
Lalagpasan ko na sana sila nang marinig ko ang sinabi ni Maria.
"Oh... Here she is na pala. Sige bye bye na, nice to meet you," ani Maria at bumeso!
Sumunod ang dalawang mahadera bago ako tinarayan at naunang umalis!
Parang nag-init at kumulo ang dugo ko. Parang ang sarap nilang sampalin isa isa.
BINABASA MO ANG
Unchained Melody
General FictionEmman, a legma student, was enchained by the responsibilities and expectations for he is the grandson of their family. He was longing for serenity and a break from chaotic life in Manila until he met this enigmatic girl from NU Laguna.