CHAPTER 22The man I like is the man who's standing in front of me right now.
"How's your week?" Emman asked.
I smiled because I'm proud of myself, I did good this week. I made everything fine between our friendship, Reign, Felix and I.
"It was fine. Nakipag-ayos na ako sa mga kaibigan ko," proud kong sabi.
He smiled and nodded. "Good job!" He showed a thumbs up.
"Ikaw? Kumusta?" tanong ko at nagsimula na kaming maglakad pababa ng overpass.
"It was good, too," he nodded. "What do you want to eat?"
I wish everything will stay like this forever. No problems, no worries, no fears, just happy and fine.
Another week came again. It was Monday morning when Daddy called to Manang to check me out.
"Ayos naman si MJ dito..." rinig ko habang naglalakad pababa upang makapasok na sa school.
Iignorahin ko na sana si Manang Precy at didiretso na lang palabas ng bahay nang tawagin niya ako.
"Hija, gusto kang makausap ng Daddy mo," she called.
Bumuntong hininga ako bago lumapit kay Manang sa sala at kinuha ang maliit niyang cellphone.
Hindi ako nagsalita at inantay lang magsalita ang ama ko.
Since he was away, I never talked to him again. Kahit pa tumatawag siya kay Manang Precy at gusto akong makausap ay gumagawa ako ng dahilan para lang hindi marinig ang boses niya. Ngayon na lang ulit kami mag-uusap matapos ang isang buwan.
"Melody?" my father said.
Tumindig ang balahibo ko. Tumikhim pa ako bago sumagot. "Ho?"
"Kumusta? Kumusta ang school?"
I clenched my jaw as I heard his voice again.
"Ayos lang ho. Papasok na ho ako ngayon," sabi ko, nagbabaka sakaling ibaba na niya ang tawag dahil nakakaabala siya.
"Nagpapakabait ka ba riyan?"
"Oho." Sana ikaw rin.
"Malapit lapit na rin akong umuwi."
Kahit huwag na.
"Ah," walang ganang sagot ko.
"Sige na pumasok ka na. Mag-iingat ka."
Hindi ako sumagot. Mabilis ko 'yong inabot pabalik kay Manang at nagpaalam nang aalis.
I shrugged off the negative vibes my father has given me. Kapag sinimula ang isang linggo na bad mood, ganoon din daw sa mga susunod pang araw. Ayon iyon sa pangaral sa akin ni Manang Precy noon.
Simula noong magkaayos kaming tatlo nina Reign At Felix ay lagi na kaming sabay mag lunch at sabay na tatambay kapag vacant time.
Si Felix naman ay parang wala lang. Matapos ko siyang i-reject kaagad noong nakaraang Sabado ay parang wala lang iyon sa kanya. Nakikipagtawanan siya at kwentuhan.
It was Thursday. Papunta na ako sa susunod na subject at hindi ko kasa kasama si Reign dahil kasabay niya ang iba pa niyang kaibigan na nakita kanina, maaga pa naman at sadyang maaga lang ako pumunta roon dahil wala naman akong ibang matatambayan. I'm okay with it. I understand that hindi naman palaging ako lang ang kaibigan niya, she'll meet new people and it's okay to have friends with others.
Tahimik ako naglalakad nang marinig ko ang maiingay na boses ni Maria, Aaliyah at Queency sa likod ko.
"Ang landi!" Queency's voice echoed to the hallway.
BINABASA MO ANG
Unchained Melody
General FictionEmman, a legma student, was enchained by the responsibilities and expectations for he is the grandson of their family. He was longing for serenity and a break from chaotic life in Manila until he met this enigmatic girl from NU Laguna.