CHAPTER 3
"Why are you here?"
Agad niya namang inilagay ang isang kamay sa dibdib at umaktong nasaktan sa sinabi ko. Patuloy pa rin ako sa paglalakad papunta sa sakayan ng jeep at sumasabay siya sa'kin.
"Wala bang 'I miss you too'?" he asked like he's hurt.
Ngumiwi ako at umismid. Nakita ko pa ang mga tingin sa amin - sa kanya ng mga tao. Mukhang hindi siya bagay dito sa lansangan at sa publiko dahil halatang halata at kitang kita sa itsura niya ang estado sa buhay. Lalo pa siyang nag-aagaw pansin sa tangkad niya.
Bakit ba siya nandito? Hindi naman sa ayaw ko, gusto ko lang malaman.
"Kidding," he chuckled. "I visited something here."
I nodded. Hindi na nang-usisa pa dahil baka masabihan naman akong 'feeling close'.
"Let's go, I'll drop you home. I have my car with me," aniya habang sinabayan pa rin ako sa paglalakad. "Don't worry, I won't kidnap you," he added.
I looked at him and our eyes immediately met. I stopped walking, he did too. I can't stop wondering that he's now in front of me after 2 or 3 years. How did our paths met, I wonder.
I looked away. "Wala ng bayad?" I asked shamelessly.
Wala na rin kasi akong pera, naubos na ang weekly allowance ko. 'Yung iba kasi ay nasa ipon na at ang iba ay nagastos ko na.
His eyes is plastered with amusement while looking at me, his lips twitched as he nodded. "Sige. Kiss na lang," he said playfully, mocking.
I gave him a scowl. "Ang landi mo," angil ko.
"Joke lang. Tara." Lumapit pa siya sa likod ko para kuhanin sa akin ang bag pack na nakasukbit sa likod ko pero hindi ko ibinigay.
"Ako na," I frowned.
Hindi na niya kailangang buhatin para sa akin, kaya ko naman.
"Sure ka riyan?" he arched his brow.
"Oo nga!"
He scratched his forehead before he lead the way to where he parked his car. Nakasunod lang ako sa kanya at tahimik lang, ganoon din naman siya.
I stared at him, still can't believe he's here with me.
Natigilan ako sa sarili ko pero nagpatuloy lang sa pagsunod sa kanya.
It's unusual. Kung ibang tao 'to, siguradong takot at kaba ang mararamdaman ko. At bakit naman ako pumayag na magpahatid sa kanya? Ang kapal din ng mukha ko, ni hindi ko nga siya kilala kahit full name niya nga hindi ko alam. Nababaliw na talaga yata ako.
Pinakiramdaman ko ang sarili habang naglalakad.
My thinking ended when we stopped in front of a black luxurious car. Mas maganda pa nga 'yon sa kotse ng Papa ko. Pinatunog niya ang sasakyan gamit ang carkey para mag-unlock 'yon.
Hindi ko alam kung ano ang sasakyan niya. Wala naman kasi akong alam sa mga brand ng sasakyan, ni hindi nga ako marunong magdrive. Tss.
I eyed his car with amusement. "Sa'yo 'to?"
Benta 'tong sasakyan niya sa mga car napper. Tss.
He shooked his head. "Nah," he lazily answered as he opened the backseat's door. He gestured me to hop in.
"E, kanino 'to?" tanong ko. Naglakad ako palapit at pumasok na, kinandong ko pa ang bag pack ko sa hita habang dinudungaw siya sa labas.
He crouched to see me inside. The side of his lips rose to form an amused smile. I looked away.
BINABASA MO ANG
Unchained Melody
General FictionEmman, a legma student, was enchained by the responsibilities and expectations for he is the grandson of their family. He was longing for serenity and a break from chaotic life in Manila until he met this enigmatic girl from NU Laguna.