IV

471 47 3
                                    

CHAPTER 4

"Pataasan ng score sa math! Kung sinong pinakamababa, manlilibre ng ice cream! Game?" hamon ni Reign sa'ming dalawa ni Felix.

Sumimangot ako.

Hindi ako magaling sa math! Hindi ako katulad nitong dalawa ito na nakaka-solve kaagad ng isang equation. Hindi ako magaling pero kaya ko naman.

Ngumisi sa'kin si Felix at tinaas baba pa ang kilay, nang-aasar. Nagmamakaawang tingin ang binigay ko sa kanya, indikasyon na sana'y humindi siya dahil wala na 'kong matitirang pera para ilagay sa ipon ko!

Well, I know this deal isn't that serious. They're just challenging me and pushing me to do better because they know that I'm not that good at math. Kilalang kilala ko na silang dalawa, pero hindi nila ako kilala.

"Game!" tuwan tuwang sang-ayon ni Felix kay Reign.

Umiling ako. "Kayo na lang-"

"Heh! Majority wins!" putol sa akin ni Reign.

I sighed. Hay, ano pa nga ba?

It was our fourth periodical exam in fourth year highschool, it means senior high na kami next school year! Magkakaklase kami ni Reign at Felix simula noong grade 8, si Reign lang kasi ang kaklase ko noong freshman sa highschool.

We built a good friendship so far. No bad influence. Ako lang 'ata.

Nag-ring ang school bell, indikasyon na magsisimula na ulit ang exams. Huminto kasi kami dahil sa 30 minutes break time. Kaya heto at balik na naman.

Bumalik na sa kanya kanyang upuan ang mga kaklase ko, ganoon din si Reign at Felix na inusod ang upuan sa dating pwesto dahil nilipat nila 'yon kanina para magkalapit lapit kaming tatlo.

Pumasok ang adviser namin at ipinamigay na ang test paper. Nang tinignan ko 'yon ay math subject nga. Diyos ko.

Kumuha ako ng scratch sa bag at sinimulang magsagot. Kaya naman medyo natatagalan nga lang dahil natutulala ako minsan at nagguguhit lang ng kung anu-ano sa scratch paper ko.

Tinitigan ko si Felix para tumingin siya pabalik. "Anong sagot sa 21?" I mouthed and gestured using my hand the number 21.

Tinignan ko pa ang matandang adviser namin na busy rin sa kung ano sa lamesa niya sa harap.

"A," he mouthed back. Tatango na sana ako nang dinigtungan niya. "-yoko," dumila pa siya bago hinarap ang test paper niya.

I rolled my eyes and sighed as I lose hope. Matatalo na nga 'ata ako sa deal.

Kukutusan ko rin ang isang 'to, e! Sa kanya nga ako nagtanong at hindi kay Reign kasi alam kong hindi sasagot ang isang 'yon pero hindi rin siya nagpakopya! Ang duga!


Itinuon ko na lang sarili sa pagsasagot. Naramdaman ko ang pagtulo ng pawis sa likod ko dahil sa init na nararamdaman. Air conditioned naman ang buong room pero dahil nakalugay ang buhok ko at nakasuot pa 'ko ng makapal na jacket para takpan ang dapat takpan ay nakaramdam ako ng init.

Nang matapos ang oras sa pagsasagot ng subject na 'yon ay ipinasa na namin. Sumunod ang iba pang subject at naging madali na lang para sa akin. Weakness ko talaga ang math, e!

Unchained MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon