CHAPTER 15
Days passed. Mabagal ang oras pero kapag kasama ko si Emman parang ang bilis bilis.
Mabagal ang bawat segundo, minuto at oras pero namalayan ko na lang na malapit nang mag November.
Naging busy nga ang aking ama gaya ng sinabi niya. Kami naman ni Emman ay ganoon pa rin, nagkikita tuwing Sabado at Linggo. Hihintayin niya ako sa overpass para ihatid pauwi, pakakainin habang nasa byahe. Kapag Linggo naman ay sasama ako kay Manang Precy para makita siya pero lagi niya akong pinagagalitan dahil hindi raw ako nakikinig at hindi inuunawa ang sinasabi ng pari. Paulit ulit na lang ang ginagawa namin pero hindi ako nananawa. I could ask for more.
Sina Reign at Felix, ganoon pa rin. They would smile at me whenever they see me but they never tried to talk to me again. I don't know why but I felt guilty and alone when I'm at school. Well, ano bang bago. For damn 5 years, I've been alone. Since my eighth years of existence, I've been alone.
Si Brian? Some other day, he tried to talk to me about something but I did not let him. Wala siyang karapatang kausapin ako, ang kapal kapal ng mukha niyang magpakita pa sa akin.
Yes, he tried to talk but I didn't shiver at all again. Before, whenever I see him I got afraid and frightened but now I am raging and I feel so strong. It was like I can fight for myself because Emman's words always haunting my mind. Be strong. Be strong, so am I.
Maria, Aaliyah and Queency? Hindi sila nagbago, ganoon pa rin. Tsismosa at war freak. Kung papansinin mo lang at papatulan talagang mapapaaway ka lang. Wala silang ibang ginagawa kada araw kun'di ang tumalak at pag-usapan ang buhay ng ibang tao. Minsan napapaisip ako kung bakit hindi sila magtayo ng talk show total mayaman naman sila at doon sila magaling.
"Nananaba ka na, a!" masayang sabi sa akin ni Ate Reena noong may isang araw na pumunta siya sa bahay.
Humalakhak pa si Manang Precy sa kusina at sumang-ayon sa sinabi ng anak.
Tinignan ko pa ang sarili ko. Nananaba ba ako? Hindi ko alam.
"Talaga, Ate?" kabadong tanong ko. Ayaw kong tumaba!
"Oo!" she smiled at me. She caressed my hair while staring at me. "You're improving. You're in progress of healing. I'm happy for you," she smiled sincerely with sadness in her eyes.
Ate Reena and Manang Precy are like my second mother, for real.
"Naku! Magaling palang mag-alaga 'yang si Emmanuel! Pwedeng pwedeng mag doctor!" biro ni Manang na dumungaw pala sa amin dito sa sala, nagluluto ng merienda.
I frowned and flushed red. "Manang!"
Manang Precy and Ate Reena laughed at my reaction.
Mabuti't wala ang ama ko kaya malaya kaming nakakapag-usap.
"Magbihis ka may pupuntahan tayo mamaya," my father commanded as I stepped inside our house. Nagulat pa nga akong maaga siya, himala.
Kauuwi uwi ko lang at iyon agad ang ibinungad niya sa'kin. Galing akong school at Friday na. Sa wakas ay natapos ko naman ng matiwasay ang finals ko, tapos na ang isang sem at tuloy tuloy na sa semestral break.
Si Daddy naman ay hindi pa nakakaalis, hindi ko alam. Hindi naman ako nagtatanong o nang-uusisa tungkol sa mga ginagawa niya, hindi ako interesado. Bahala siya sa buhay niya huwag niya lang ako idamay.
"Ho? Saan ho tayo pupunta?" kunot noong tanong ko at humawak sa strap ng aking bag.
"Birthday ng Tito mo, pupunta tayo," sagot niya habang nakatutok ang mata sa laptop.
BINABASA MO ANG
Unchained Melody
General FictionEmman, a legma student, was enchained by the responsibilities and expectations for he is the grandson of their family. He was longing for serenity and a break from chaotic life in Manila until he met this enigmatic girl from NU Laguna.