CHAPTER 13
Days goes on. Sila Felix at Reign naman ay hindi na ako gaanong ginugulo kagaya noong nakaraan. I don't know if I'll like this or not, but I should.
Ngayon ay nasa room na ako kung saan ang subject namin sa oras na 'to. Rinig ko naman ang maingay na kwentuhan at pagtsitsismisan nila Maria, wala pa kasi ang prof kaya pwede pang mag-ingay. Maiingay ang mga kaklase ko samantalang ako ay tahimik lang sa isang gilid at pinilit ang sariling mag focus sa pagbabasa kahit rinig na rinig ko ang mga patama nila sa akin.
"Pokpok, mana sa nanay!" Nilakasan pa ni Maria ang pagkakasabi noon at itinapat sa akin ang mukha. Hindi naman ako manhid para hindi malamang para sa akin 'yon.
I gritted my teeth. Bakit napasama rito ang Nanay ko?
"Oo nga naman. Kung anong puno, siya ring bunga!" Humalakhak sila sa sinabi Ni Queency.
I sighed and tried so hard to don't let their words crept in to my mind.
Dinaig pa nila ang mga tsismosa roon sa amin, napaka bulgar. Bakit ba galit na galit sila sa akin at ako lagi ang pinag-iinitan? Hindi na kami bata para sa mga away na katulad nito. Are they nuts?
Friday passed and Saturday came and for the very first time, I felt excitement. Why am I excited? Did I lost my mind?
Nang matapos ang huling subject sa araw na iyon ay mabilis akong naglakad palabas ng school. Ngayon na lang 'ata ulit ako nakaramdam ng ganito kapag oras na ng uwi. I feel light.
Last weekend, I isolated myself for damn two days because of that guy, Brian. I feel so dirty whenever I see him, whenever he come close. Hindi ko nakita noong nakaraang linggo si Emman. Kahit noong niyaya ako ni Manang Precy na magsimba ay hindi ako sumama.
Nagpakawala pa ako ng isang malalim na buntong hininga bago ko inakyat ang overpass. Bigla akong nakaramdam ng kung ano nang maisip na baka wala siya rito.
My mood risen up when I saw him, leaning manly to the cement barriers of the overpass, gazing from the lights below. Bumagal ang aking lakad at pinasadahan ko siya ng tingin ang side profile niya, pinagtitinginan din siya ng ibang studyante. 'Yon din ang napansin ko, lagi siyang kaagaw agaw pansin. Well, sino ba namang hindi titingin...
He's wearing yellow hoodie jacket and white shorts, naka tsinelas lang! His hair got disheveled. I suddenly wonder. May kapatid kaya siya? Buo kaya ang pamilya niya? Siguro maganda at gwapo ang magulang niya.
Doon ko rin naisip na hindi nga talaga kami magkakilala. Totally, strangers. We just know each other's name. Hindi niya ako kilala, ganoon din ako sa kanya.
I shrugged my thoughts off. Kung patuloy kong iisipin ang mga bagay, kakainin lang ako ng lungkot.
I stiffened when he suddenly tilt his head side ways and our eyes immediately met. His naturally pitch black piercing eyes met mine and it was filled with full of wonder and amazement.
Hindi siya gumalaw, nanatili lang na nakatuko roon habang nakatanaw sa akin. Lumapit na ako.
"Hey, good evening." He chuckled when I avoided to look back at him.
Umayos siya ng tayo. Isang metro ang layo namin sa isa't isa, lumapit siya lalo. Nakatanaw ako sa mga sasakyan sa ibaba habang sa akin naman ang mga mata niya.
I was about to greet back when he speak again.
"You're smiling. You should wear that smile everytime," he said gently.
Agad kong kinagat ang itaas na labi at sinamaan siya ng tingin. Agad namang tumaas ang mga kilay niya at humalakhak.
Puta. Totoo? Nakangiti ako?
BINABASA MO ANG
Unchained Melody
General FictionEmman, a legma student, was enchained by the responsibilities and expectations for he is the grandson of their family. He was longing for serenity and a break from chaotic life in Manila until he met this enigmatic girl from NU Laguna.