CHAPTER 8
"Tuturuan kitang tumugtog." My beautiful Mommy smiled tenderly at me.
"Talaga po?" tuwan tuwang sabi ko. Nagningning ang mga mata ko nang makita ang isang piano sa aking kwarto.
"Happy birthday, anak. Regalo namin sa'yo ito ng Daddy mo," she said.
Mabilis ko iyong nilapitan, naupo ako sa harap noon na puno ng mangha at saya.
Si Daddy naman ay nanonood lang sa amin ni Mommy habang nakaupo sa kama ko.
Tomorrow will be my 7th birthday. Hindi pa sumasapit ang kaarawan ko meron na kaagad akong natanggap na regalo. Ang swerte ko naman.
Tumabi sa akin si Mommy. Siya ang nagbukas ng takip doon, agad ko namang pinadausdos ang daliri sa makikintab at puting puti na mga pyesa.
Pinanood ko si Mommy na tumugtog. Ang galing niya.
Itinuro lahat sa akin ni Mommy, simula sa basic. Day by day she trained me how to play. Iyon ang naging bonding namin nila Daddy at Mommy.
It took me month to learn. Ngayon ay marunong na ako.
Nasa kwarto silang lahat habang pinanonood ako sa pagtugtog ng piano. Si Mommy, Daddy, Lola Ethel at Manang Precy.
Ang sarag maging nag-iisang anak, walang kahati sa atensyon at sa lahat.
They clapped at my performance. "Ang galing galing talaga ng apo ko!" Lola Ethel giggled and pinched my cheeks.
Para akong nahulog sa kinauupuan at nawala sila sa paningin ko. 'Yung puso ko ay parang nahuhulog sa kung saan, ang sakit.
Then I saw seven years old self standing outside my parents' room, nanonood sa away nila.
Lumuluha ako habang pinanonood kung paano lumuha si Mommy habang si Daddy ay mukhang galit, madidilim at pula ang mata. Napatili ako nang biglang bumulagta sa sahig ang Mommy ko dahil nag-amba siyang susuntukin si Daddy. Naramdaman ko ang paglapit sa akin ni Manang Precy at Lola Ethel.
Dahil sa tili ay naagaw ko ang atensyon ng galit kong Tatay, matatalim ang tingin at madilim ang mata, diretso sa akin ang tingin.
Dumilim ang paligid. May tumawag sa pangalan ko.
Nakita ko ulit ang pulang mata ng Tatay ko, madilim ang mga mata at matatalim ang mga tingin.
"Melody..." Umalingawngaw ang boses sa aking tainga, umugong.
May humila sa braso ko. Masakit.
"Huwag po!" Nagising ako at mabilis na bumangon, binangungot na naman.
Para akong hindi huminga habang natutulog kaya halos lunod na lunod ako at uhaw na uhaw sa hangin. Basa ako sa pawis at luha. Lalo akong humagulhol nang maalala ang lahat.
Madilim ang kwarto ko, ang lamp shade ang nagsisilbing ilaw sa dilim. Malalim na ang gabi, wala na akong naririnig na kahit anong ingay sa loob ng bahay maliban sa hagulhol ko.
Sinabunutan ko ang sarili at sinuntok suntok ng malakas ang ulo, nagbabaka sakaling sa ganoong paraan ay mawala ang mga alaala.
Hindi ako tumigil sa pag-iyak hanggang sa tumilaok na lang ang manok ng kapit-bahay at nagpakita si haring araw indikasyon na may isang bagong araw na naman.
Hindi na ako nakatulog simula nang magising sa bangungot na iyon kagabi. Paga ang mga mata ko habang nakatitig sa kurtinang nagtatakip sa bintana habang nanatiling nakahiga sa kama, hindi dinadalaw ng antok.
Pakiramdam ko ay pagod na pagod ang katawan ko pero ayaw magpahinga ng utak ko. Putanginang buhay 'to.
Nakatulala pa rin ako sa bintana hanggang sa tumirik na ang araw sa labas. Narinig ko na rin ang pagkatok sa aking pinto kaya tumalikod ako at nagkunwaring tulog.
BINABASA MO ANG
Unchained Melody
General FictionEmman, a legma student, was enchained by the responsibilities and expectations for he is the grandson of their family. He was longing for serenity and a break from chaotic life in Manila until he met this enigmatic girl from NU Laguna.