XXVI

315 16 8
                                    

CHAPTER 26

Nagising ako mula sa ingay ng pagsarado ng gate. Nanatili akong nakapikit habang pinakikiramdaman ang paligid at ang sarili.

Hindi ko alam kung ilang minuto o oras akong nakapikit hanggang sa pumasok sa aking utak ang nangyari kahapon.

We had sex... and I initiated it!

Mabilis na kumalabog ang aking puso sa mga naisip.

Agad akong bumangon at iminulat ang mata saka tumingin sa aking tabi at agad na bumagsak ang balikat nang makitang wala roon si Emman.

Nasaan siya?

Kasabay ng pagkalabog ng aking dibdib ang pagkalabog ng pinto dahil sa katok bago iyon bumukas at nakitang iyong babaeng caretaker iyon.

"Magandang umaga, Ma'am. Gigisingin pa lang po sana kita dahil may pasok pa raw po kayo sabi ni Sir," magalang na sabi niya at nanatiling nakatayo sa pinto nang makitang gising na ako.

Doon ko lang naramdaman ang hiya nang hagudin niya ako ng tingin. Mabilis kong tinakpan ang aking sarili gamit ang puting comforter at nakitang nakasuot na ako ng brassiere at underwear.

"S-Si Emman ho?"

"Umalis na po kani-kanina lang..."

"Saan nagpunta?"

"May urgent daw po, Ma'am."

Urgent? Bakit hindi niya ako ginising?

Umalis na rin 'yong caretaker nang sinabing ihahatid niya raw ako pauwi sa bahay, kaya naiwan ako rito sa loob ng kwarto, tulala at malalim ang iniisip.

I shivered when self-destructive thoughts clouded up in my mind.

I just told him that I didn't have boyfriend before but I know he knew I'm not virgin anymore before we did it. Ano kayang iniisip niya sa akin?

Dinumihan ko siya... Tangina.

Nandiri ba siya sa akin dahil hindi siya ang una ko?

Ang dumi ko para sa kanya. Bakit ko ba ginawa iyon?

Masyado akong nadala sa bugso ng damdamin, hindi ko naisip pa ang mga ganitong bagay. I admit that it was wonderful but... Why did he leave after?

Napuno ako ng hiya nang maalala ang mga ginawa ko. Hindi ko alam kung paano pa siya haharapin pag nagkita ulit kami. Magkikita pa ba kami?

Bumangon ako at tumayo pero agad ding naramdaman ang pananakit at hapdi sa gitna ng aking hita.

Nagbihis ako ng damit at inayos pa ang higaan bago bumaba ng first floor at nakita roon ang caretaker na inihahanda ang almusal ko sa center table.

"Alis na ho ako," paalam ko, nagmamadali.

Doon lang din pumasok sa akin na hindi ako umuwi kahapon. Baka nag-aalala na sa akin si Manang Precy! Kailan ko nang umuwi tsaka may pasok pa ako!

Hinabol ako noong caretaker at hinawakan ang aking braso para pigilan akong lumabas ng gate.

"Ma'am, mag-almusal daw po muna kayo sabi ni Sir, ihahatid ko pa po kayo-"

"Huwag n'yo po akong hawakan." Pakiramdam ko ay ang dumi dumi ko at dinumihan ko siya. "Kaya ko hong umuwi, hindi niyo na po kailangang ihatid ako."

Mabilis niyang tinanggal ang pagkakahawak sa akin kaya mabilis kong binuksan ang gate at lumbas.

"Ma'am, may pinasasabi nga pala si Sir!" Humabol ulit siya at hinawakan ang palapulsuhan ko.

Parang ako nawala sa sarili.

Unchained MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon