CHAPTER 23
Mabilis na lumipas ang mga araw.
Gaya ng sinabi sa akin ni Emman. Ignorahin na lang.
Maayos ang naging pakikitungo sa akin nila Felix at Reign. Ito namang sina Maria, Queency at Aaliyah ay hindi ko alam kung anong problema sa akin dahil panay ang pagpaparinig, hindi ko na lang iniintindi. Dahil kung iintindihin mo ang sinasabi ng ibang tao sa'yo, malulugmok ka. Tama ang mga sinabi ni Emman.
Everything went good so far. Okay na kami nina Reign at Felix. Hindi ko na rin nakita pa si Brian. Sana palagi na lang ganito. Maayos at masaya.
Dumating ang holiday break at pasko. Wala si Emman, syempre kailangan doon siya sa pamilya niya.
Ipinagdiwang ko ang pasko kasama ang pamilya ni Manang Precy. Maraming handa at maingay ang bahay dahil lahat ng anak ni Manang ay nasa bahay, inimbita ko, pumayag naman si Daddy. Anim ang anak ni Manang Precy, kasama na roon si Ate Reena. Ang anim na iyon ay tinutustusan ni Daddy at tinutulungan sa pag-aaral.
Hindi ko alam kung ang tulong na iyon ba ay ginawa ng ama ko mula sa puso o dahil sa takot.
"Merry Christmas!" masiyang bati ng bawat isa sa bahay nang pumatak ang alas dose sa orasan.
Bumati na rin ang Daddy ko kanina mula sa telepono. Si Emman naman ay nabati na ako bago pa siya umuwi ng Manila.
I just smiled.
Paano kaya ipinagdiriwang ng pamilya ni Emman ang pasko? Siguro masaya at engrande.
Nang matapos ang kainan at pagbibigay nila sa akin ng regalo ay umakyat na ako sa aking kwarto. Nakakahiya nga dahil sila ay may regalo para sa akin pagkatapos ako ay wala. Saan naman ako kukuha ng pera pang regalo? Tamang pera lang ang ibinibigay sa akin ng ama ko at magkakapera lang kapag may pasok.
I slept that night with a light heart.
I woke up in the morning with a hopeful heart. Thinking I could see Emman today, expecting. Heto na naman ako sa pag-e-expect.
Isinantabi ko iyon sa aking isipan at hindi na umasa pang makikita ko siya ngayon. Naghilamos ako sa aking banyo bago lumabas at bumaba.
Parang gusto ko na ring tumakbo pabalik nang makita si Emman sa aming living room, kausap si Manang! Wala na rin ang bisita kagabi, nagsiuwian na.
Nilingon ako ni Emman at agad na tumayo nang may ngiti sa labi nang makita ako. Tumingin din si Manang sa akin.
Hindi ako makangiti dahil ni wala pa akong suklay! Hindi ko alam kung anong itsura ko dahil hindi ako tumingin sa salamin kanina.
"Good morning! Merry Christmas!" he said and walked towards me.
My heartbeat quickened as I eyed him from head to toe. He's wearing white sweatshirt and black slacks paired with adidas white shoes. Is this real? Ang ganda namang regalo para sa pasko.
Umatras ako ng isang hakbang kaya nang makarating siya sa harapan ko ay magkasing tangkad na kami. He smiled and poked the tip of my nose.
"M-Merry Christmas..." nahihiyang bati ko.
He arched a brow.
Oh. The irony. Hindi ako naniniwala sa Diyos pero heto ako at bumabati, nagdiwang pa ng pasko!
"Simba tayo. I'll wait here."
I quickly nodded.
He nod back before he turned to Manang Precy who's just smiling while watching us. "Tita, sama ka? Pupunta po kaming Caliraya pagkatapos ng misa."
BINABASA MO ANG
Unchained Melody
General FictionEmman, a legma student, was enchained by the responsibilities and expectations for he is the grandson of their family. He was longing for serenity and a break from chaotic life in Manila until he met this enigmatic girl from NU Laguna.