CHAPTER 5
I did not sleep, I can't sleep. Nagpakita na si haring araw pero heto ako at nakatulala habang nakatingin sa kisame ng kwarto ko. Ganoon lang ang ginawa ko buong magdamag, nakatulala at nag-iisip.
Wala rin akong cellphone o kahit anong gadgets, kaya iyon lang ang ipinag-aabalahan ko kapag hindi ako makatulog.
Sumikat ang liwanag ay saka lang ako nakaramdam ng pagbigat ng talukap ng mata sa antok. Ilang araw na rin akong wala maayos na tulog. Ayos lang na matulog buong araw dahil linggo naman at wala naman akong pag-aabalahan.
Papikit na ang mata ko nang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Mahina lang iyon at dalawang beses lang kaya alam kong si Manang Precy iyon.
Mariin akong pumikit at bumuntong hininga bago tumayo para pagbuksan si Manang.
"Magandang umaga, hija!" She smiled at me.
Hindi ako makangiti kaya tanging tango lang ang isinagot ko.
Agad nangunot ang noo niya nang makita ang itsura ko. Agad siyang pumasok kaya tumabi ako. Siya na ang nagsara ng pinto kaya bumalik ako sa kama at naupo.
Lumapit si Manang sa akin at nanatiling nakatayo sa harapan ko, handa na akong sermonan. "Melody Joy, natulog ka ba!?" Itinuro niya ang dalawang mata ko.
Manang Precy has been a loyal maid since then. She served us since I was a baby, siya rin ang tumulong na mag-alaga sa akin, hanggang ngayon. She's like a second mother to me when my Lola died when I was 16.
I love her because she's there when I really feel of giving up. I owe her a lot. Wala siyang kasalanan, hindi niya kasalanang...
"Diyos ko! Ikaw talagang bata ka! Alagaan mo naman ang sarili mo!" sermon niya.
I nodded and sighed. Napansin ko ang dala niyang bayong at naka-pang alis ang suot, mamimili.
"Naku! Sayang at balak pa naman sana kitang isama sa pamimili para naman makalabas ka kahit papa'no pero huwag na lang!" she sounds disappointed. "Siya, siya, matulog ka na at marami pa akong bibilihin!"
Parang nagising ang inaantok kong diwa sa sinabi ni Manang. Minsan lang sa minsan ako makalabas kapag weekend. Kapag weekdays naman ay diretso lang sa school, diretso uwi rin. Lumaki at tumanda na lang akong lahat ay ni hindi ko pa kabisado ang lugar dito sa amin. Lagi kasing bawal. Lahat bawal.
"Si Dad ho nasaan?" tanong ko nang mag-amba siyang talikuran ako para umalis.
She sighed. "Tulog pa yata. Matulog ka na, MJ. O, kumain ka muna roon sa ibaba at naghanda ako ng almusal bago ka matulog," nag-aalalang aniya.
I shooked my head and stood up. "Sama ho ako, Manang."
I fixed my mind, sasama ako. Kahit nakakatakot sa labas, mas nakakatakot dito sa bahay.
"Sigurado ka? Huwag na! Matulog ka na lang at lagi ka na lang mukhang puyat!"
Lumapit ako sa cabinet at naghanap ng masusuot. "Please, Manang. Isama n'yo na ho ako," sabi ko nang hindi siya tinitignan at busy sa paghahanap ng damit.
Matagal siyang natahimik, nag-iisip. She sighed after a minutes of silence.
"Maliligo lang ho ako." Naglakad ako papunta sa C.R nang makahanap na ng isusuot.
"Sige sige. Kumain ka muna bago tumayo umalis, aantayin kita sa baba," narinig kong aniya bago ko isinarado ang pinto ng C.R at ni-lock 'yon.
I sighed as I stared at my own reflection in the mirror. Kamukha ko nga ang Mama ko. I slapped my own face when the unwanted memories flashed in my mind.
BINABASA MO ANG
Unchained Melody
General FictionEmman, a legma student, was enchained by the responsibilities and expectations for he is the grandson of their family. He was longing for serenity and a break from chaotic life in Manila until he met this enigmatic girl from NU Laguna.