Chapter 1

55 4 0
                                    

"Sobrang dami namang gagawin!"Pagrereklamo ng kaibigan kong si Pau habang inaayos ang mga papel sa harapan niya na kailangan ng ipasa next week.


"Relax..ano pa at naging si Christina Pauline Sanchez ka?" Umupo ako sa kaniyang tabi at tinapik ang kanyang balikat.


Malungkot siyang napatingin sakin "I don't think I can do this" bumuntong hininga siya at tsaka inihiga ang ulo sa mga papel na nakakalat sa desk niya.


"Kung kailan 4th year na tayo saka ka susuko. Ewan ko ba sayo" napailing nalang ako at pinagpatuloy ang aking ginagawa.


Sa kalagitnaan ng aking pagsusulat,biglang tumunog ang aking cellphone, marahan ko itong kinuha sa aking bulsa at binuksan,nakita kong may nagsend ng friend request.


Kit Ferma?


Dahil sa kuryusidad ay pinindot ko ang kaniyang profile, napakunot ang aking noo ng makita ang mga pictures niya. Lahat yun ay puro cartoon character.


"Weird" bulong ko at tsaka pinagpatuloy ang aking ginagawa. Hinayaan ko nalang ang friend request niya dun. Wala atang masasayang nagaganap sa buhay niya kaya puro ganon ang mga larawang makikita sa account niya.


Abala kami sa pagtapos ng aming requirements ng parehong tumunog ang cellphone namin ni Pau. Nauna niyang buksan ang kaniyang cellphone. Kita ko ang pagkunot ng noo niya at pagbuntong hininga.


"Ano nanamang pagaaksaya ng oras to?" Inis na tanong ni Pau habang binabasa ang message.


"Pupunta ka?" Tanong ko pagkababa ng phone. Madami kaming requirements na kailangan ng tapusin pero nakadepende padin ako kay Paui.


"Ako pa ba?" Tinaasan niya lang ako ng kilay at tsaka tumawa. Kailan ba to humindi sa lahat? Hayss.


"Wow! Pagaaksaya ng oras pala huh?" May halong sarkastiko sa aking tono.


"Sometimes we need to enjoy and relax, lalo na ngayon sobrang daming requirements" she rolled her eyes at tsaka nagreply sa text ni Cho.


Nag-aya nanamang magbar si Cho, palibhasa kasi hindi busy. Pero go lang din kami ni Pau haha bonding time kasi naming magkakaibigan ang pagbabar kaya bawal ang humindi.


"Mauna nako, kita nalang tayo dun"paalam ko kay Pau habang nagliligpit ng gamit. It's already 5pm at tapos na ang klase namin.


"Okay, take care bitch" napailing nalang ako sa mga salitang lumalabas sa bibig ng babaeng to. Gaya ko, nagsimula nadin siyang magligpit ng kaniyang gamit.


Bumeso ako sa kanya at tsaka nagmadaling tumakbo papuntang parking lot. Pinatunog ko muna ang aking Black&White Honda Civic bago pumasok. Regalo to ni Daddy sakin nung nag18 ako.


Inilapag ko ang aking bag sa passenger seat at ikinabit ang seatbelt. Inistart ko na ang engine at handa ng umalis ng biglang tumunog ang cellphone ko. Binuksan ko yun at nagulat sa lumabas na mensahe sa screen nito.



Kit Ferma: Hi


Inignore ko lang yun at tuluyan ng nagdrive pauwi ng bahay. Pagkauwi ay agad akong umakyat ng kwarto at naligo. Nang matapos ay nagbihis nako at nagsimulang magayos.


"May lakad ka?"Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Dale sa aking kwarto. Inirapan ko lang siya at pinagpatuloy ang pagaayos.


"Don't you know how to knock?" Inis kong tanong.


Nagsuot ako ng simpleng black shorts, white halter top at pinatungan ng denim jacket. Tinernohan ko yun ng white addidas shoes at isang black na sling bag. Hindi ako hilig sa make up kaya liptint at powder lang ang nilagay ko sa mukha ko.


No Tears left to cry Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon