"Thank you Miss Fidel" sabay naming sambit kay Ma'am habang nakangiting inilapag ang mga paperworks namin sa table niya. Nauna kaming magpasa ni Paui ng requirements sa kanya.Graduating na kami ni Pau sa kursong Business Administration. Yung lima naman naming kaibigan ay iba't ibang kurso din ang kinuha. Si kim at dindi ay kumuha ng kursong Tourism samantalang si Cho,Cath at Anne naman ay Civil Engineering at sa ibang school silang lima. Kami lang ni Paui ang napahiwalay.
Paglabas namin ng office ni Miss Fidel ay agad kinuha ni Paui ang phone niya para magtake ng selfie.
"Sumama ka naman dito gaga" umirap siya sakin at ngumiti sa camera.
Kahit kailan talaga ang bibig ng babaitang to! Lumapit nalang ako sa kanya at umakbay. Parehas kaming ngumiti sa camera.
"I'll post it on my Ig story later. Tara na sa café" ibinulsa niya ang kanyang cellphone at naglakad na palapit sa kanyang sasakyan.
Naiwan ako sa harap ng office ni Miss Fidel dahil sa pamilyar na mukhang nakikita ko ngayon malapit sa c.r ng boys. Tinitigan ko siyang maigi at sinusuri kung sya ba talaga yun.
"Aira! Let's go!" Sigaw ni Pau bago pumasok ng sasakyan.
Tumingin ulit ako dun sa c.r pero nawala na yung lalaki. Namamalikmata lang siguro ako. I shook my head at naglakad na papunta sa sasakyan ni Pau. Hindi ko dala ang sasakyan ko dahil sinundo niya ako kanina.
"Andun kaya si Maricho?" Tanong niya bago i-start ang sasakyan.
I shrugged my shoulder "Maybe" sagot ko hanggang sa natulala nalang ako at inisip yung nakita ko kanina. Siya ba talaga yun? Bakit siya nandito? Dito ba siya nagaaral?
Mula nung gabing yun hindi ko na makalimutan ang mukha niya. Para bang tumatak na siya sa aking isipan. Hindi ko alam kung si Hoodie Boy at Kit Ferma ay iisa pero nakakasiguro akong meron silang koneksyon sa isa't isa.
"What do you think Ac?" Bumalik lang ako sa katinuan ng marinig ang tanong ni Pau.
"Huh?" Wala sa wisyo kong tanong. Tumingin ako sa kanya at napaayos ng upo.
"My God Quinn Aira Crisostomo! Are you still with me? Lutang ka ba gorl?" Umirap siya at napailing nalang habang nagdadrive.
Masyado ko atang iniisip yung lalaking yun kaya di nako nakakafocus sa ibang bagay.
Tahimik lang kaming dalawa ni Pau habang nasa byahe, mukhang irita na din siya. After 30 minutes nakarating na kami sa Café Shop nila Cho.
Pagkapasok ay agad akong umorder ng espresso at ang paborito kong blue berry cheesecake. Umaliwalas nadin ang mukha ni Pau at tulad ko umorder na din siya ng Macchiato at blue berry cheesecake. Grr Copycat! Ako naman ngayon ang wala sa mood.
"What's with that face?" Painosente niyang tanong pagkalapag ng pagkain niya sa mesa. Inis akong tumitig dun. Sa tagal naming tumatambay dito sa Café di padin niya makabisado na paborito ko tong blue berry cheesecake at chocolate cake naman ang kanya.
"Wala ka na bang ibang maorder kundi blue berry cheesecake lang? Favorite ko kaya to!" Kinuha ko ang tinidor at binawasan ang cake ko. Ang sarap sarap talaga!
"Well, I also love chocolate cake pero baka tumaba ako" maarteng sabi niya habang umiinom ng kape.
Ilang taon na siyang kumakain ng chocolate cake dito tapos ngayon niya lang naisip na magreklamo. I just rolled my eyes at pinagpatuloy nalang ang pagkain. Akala mo naman talaga hindi nakakataba ang blue berry cheesecake!
"What brings you two here? Tapos na ba kayo sa mga requirements niyo?" Sambit ni Cho habang nakataas ang kilay na umupo sa tabi namin dala dala ang bag. Mukhang nauna siyang umuwi galing sa school.
BINABASA MO ANG
No Tears left to cry
FanfictionQuinn Aira is a Business Administration student in Amfire Academy and a simple girl with a big dream. She only wants a better life for her family, hanggang sa dumating ang isang lalaking makakapagpabago ng desisyon niya sa buhay. Pipiliin niya kaya...