Chapter 14

2 0 0
                                    

Para akong nabingi sa narinig ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. F-fiancé? Totoo ba 'to? Hindi na dapat ako magulat kasi nakikita ko sila, pero bakit ang sakit sakit.



Nakatulala lang ako habang nakatingin sa kanya. Hindi pa rin maalis sa mukha niya ang matamis na ngiti. Naninikip ang dibdib ko. Hindi ako makahinga.



"Quinn Aira right?....It's nice----"



"What do you want from me?" Malamog kong tanong habang nakaiwas ang tingin. Gusto ko nang umuwi, ayoko na dito, para akong sinasakal. Ano bang meron sa ngiti niya?



Bumuntong hininga siya bago ilapat ang kanang kamay sa mesa, napatingin ako sa kumikinang na diamond ring sa daliri niya. Napaiwas ko ng tingin, gusto ko ng lamunin ng lupa. Feeling ko anytime babagsak na ang luha ko.



"Maganda ba?" Itinapat niya sa gilid ng mukha niya ang kamay na may singsing habang nakangisi.



"Aalis nako." Hindi ko na kaya 'to. Ayoko ng pahabain pa ang pag-uusap namin.



"Wait. Hindi ko pa nasasabi sayo ang dapat mong malaman." Humalukipkip siya at sumandal sa upuan.



"Sit."



Hindi ko alam pero bigla ko nalang sinunod ang utos niya. Dahan dahan akong umupo at wala pa din emosyong nakatingin sa kanya. Gusto ko nang umalis pero pinipigilan ako ng puso ko, gusto kong malaman ang lahat, kahit na masaktan ako.



"Hindi na ako mapapaligoy-ligoy pa....I want you to stay away from my Fiancé."



Ano bang sinasabi niya? Hindi naman na kami nagkikita ng lalaking yun. Gusto niya isaksak pa niya sa baga niya e!



"Napaniwala ka din ba niyang mahal ka niya? HAHA, pathetic!" She  laughed hysterically.



Kumuyom ang kamao ko sa pagtawa niya. Gusto ko ng umalis pero bakit hindi ko magawa?! ayoko nang marinig ang iba pa niyang sasabihin.



"He just used you to forget me. May mga pagkakataon kasing nag-aaway kami kaya naghahanap siya ng mapaglilibangan. So sad, naging isa ka dun." Kunwari pang lumungkot ang mukha niya pero ang totoo parang tuwang tuwa pa siyang nasasaktan ako.



Naramdaman ko ang pagpatak ng luha ko. Agad ko naman tong pinahid at tumingin nalang sa mga kamay kong nasa ibabaw ng mesa. Wala na pala ang promise ring na bigay niya.



"Nung nalaman kong naging kayo, nagalit ako. Galit na galit ako, pero naging okay naman kami at hindi na nga kami naghiwalay......Hindi ko makalimutan ang mukha niya habang kinukwento niya sakin na hinalikan ka niya.........nandidiri siya. Oh! Sorry for that." Nagkunwari pa siyang naaawa pero kitang kita sa mukha niya ang tuwa, tuwa na makita akong nasasaktan sa mga sinasabi niya.



Hindi ko na nga napigilan ang pag-iyak ko. Nandidiri? Huh! Tangina!



"Ngayon na ikakasal na kami, gusto kong malaman mo na wala ka nang hihintayin pang Kit na babalik. Wag ka nang umasa, masasaktan ka lang." Tumaas ang kilay niya at ang gilid ng labi niya.



Tumingin ako sa kanya, nanlalabo ang paningin ko dahil sa mga luha kong naguunahan sa pagpatak. Ang sakit, sobrang sakit! Ito ba ang dahilan ng lahat ng palabas niya?



Muli kong pinahid ang luha ko at nagmadaling umalis dun. Sobra na ang sakit na nararamdaman ko ngayong gabi. Tama ako, tama ang mga hinala ko. Sana noon ko pa pinakinggan ang isip ko nung nakita ko siya sa hospital, edi sana hindi na lumalim pa ang nararamdaman ko para sa kanya. Pero inuna ko ang walanghiya kong puso!



No Tears left to cry Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon