Chapter 10

6 0 0
                                    

Hindi ko na namamalayan ang bawat lakad ng mga tao dito sa hospital. Tanging ang mga hagulgol ni Mommy lang ang naririnig ko. Hindi ko alam kung bakit walang luhang pumapatak sa mga mata ko.  Gusto kong umiyak at sumigaw.





Natatakot ako sa katahimikan ko ngayon.





Hindi pumapasok sa isip ko ang nangyari kay Dale. Hindi pa nga ako tuluyang naghihilom sa sakit na dulot ni Kit pero ito nanaman, panibagong sakit at problema nanaman. Lagi nalang ba akong iiyak dahil sa problema? Wala na bang katapusan tong pag-iyak ko.





Nabalik lang ako sa katinuan ng marinig ang pagbukas at pagsara ng pinto. Pumasok si Mommy sa loob ng ICU, habang ako ay nakaupo habang nakatingin sa salamin na humaharang sa pagitan naming dalawa ni Dale.





Maraming nakakabit na kung ano-ano sa buong katawan niya. May benda ang ulo niya at meron din nakakabit na tubo sa kanyang bibig.





Napapikit ako ng mariin ng makita ang kalagayan ng kapatid ko. Bakit ba 'to nangyare sa kapatid ko? Bakit siya pa? Napakabait na bata ni Dale. Awang awa ako ng makita siya.





Hindi ko maintindihan ang sinasabi ng Doctor kanina habang kausap kami pero narinig kong comatose si Dale. Hindi ko matagalan ang titig sa kapatid ko. Nanghihina ako, he's only 15, hindi dapat siya nagkaganyan. Sana ako nalang!





"Ac" napatingin ako sa anim na babaeng tumatakbo papalapit sa akin.





"How are you?" Nag-aalalang tanong ni Kim pagkalapit, pero imbes na sagutin siya ay mapait lamang akong napangiti. Hindi ako okay, siguro hindi na ako magiging okay.





"Andito lang kami." Naramdaman ko ang mahigpit na yakap ni Anne habang masuyong hinahagod ang likod ko.





"Hayss. Kawawa naman si Dale" malungkot na sambit ni Cho.





"Kumain ka na ba? Where's Tita Elisse?" Umupo si Pau sa tabi ko at tumingin sa loob ng ICU.





"Here, uminom ka muna ng tubig" nakatingin lang ako sa bottled water na hawak ni Cath. Hindi ko yon kinuha.





"Magiging okay din ang lahat. Nandito lang kami." Nakangiting sambit ni Dindi at agad na tumango naman ang iba para pagaanin ang loob ko.





Naramdaman ko na ang panggigilid ng mga luha ko. Kagat kagat ko ang aking pang-ibabang labi para pigilan ang maiyak habang tinititigan sila. Hindi ko alam kung paano nila nalaman ang nangyari kay Dale, pero sobra sobra ang pasasalamat ko dahil nandito sila ngayon sa tabi ko. Napakaswerte ko talaga sa mga totoo at mabubuting kaibigan na meron ako.






Tatlong araw na simula ng maaksidente si Dale, laking pasasalamat ko ng malaman na nakulong na ang taong sumagasa sa kapatid ko. Alam naming sinadya niyang gawin sa kapatid ko yun kaya ginawa namin ang lahat para mabulok sa kulungan yung demonyong yun!





Naikwento din samin ng mga kaibigan ni Dale na kakompetensya pala niya sa panliligaw ng isang babae yung sumagasa sa kanya. Walang hiya talaga!





"Tatlong araw ka nang walang maayos na pahinga, take some rest naman Ac." Nag-aalalang sambit ni Anne habang nakaupo sa tabi ko. Nandito silang tatlo ni Cath at Cho para samahan akong bantayan si Mommy at Dale.





Tatlong araw na pero hindi ko pa din magawang pumasok para tignan si Dale sa loob ng ICU. Lalo lang akong nanghihina.





"Hindi ka daw kumain kahapon, tapos ngayon hindi ka pa kumakain ng breakfast, oh baka mamaya di ka din kakain ng lunch at dinner. Ano ba Ac, papatayin mo ba ang sarili mo?" Inis na pumameywang si Cho sa harap ko.





No Tears left to cry Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon