Chapter 17

2 0 0
                                    

"Anong nangyare sa kanya?" Nakatingin lang ako sa iba't ibang matataas na gusali habang hinahampas ng malakas na hangin ang aking buhok.


Hindi siya umimik. Nandito kami ngayon sa rooftop ng hospital dahil hindi ko kinayang tignan si Kit ngayon. Alam kong nasaktan niya ako pero sobra akong naawa ng makita ang kalagayan niya.



"Bakit niya 'to ginawa?" Tumingin ako sa kanya, tumingin din siya sa akin at yumuko. Wala man akong alam kung nangyare kay Kit, pero karapatan ko namang magalit dahil tinago nila sakin ang lahat.



He sighed heavily. "Alam kong hindi valid ang reason niya para gawin yun, pero naiintindihan ko siya."



Natawa ako sa sinabi niya. Naiintindihan? Bakit? Naranasan ba niya ang naranasan kong sakit? Hindi na lang ako nagsalita, tumingin nalang ako sa mga kamay kong may hawak na phone.



"Ang dami kong hindi alam." Napailing nalang ako.



Kenneth sighed heavily again. "Hindi dapat ako ang magsabi sayo nito pero kailangan mo ng malaman."



Napatingin ako sa kanya. Diretso lang ang tingin niya habang nasa bulsa ang dalawang kamay.



"Bago ka niya makilala......nagkaroon siya ng sakit."



Kumunot ang noo ko. Para bang gusto ko ng malaman kung ano ba talaga yun. Humigpit ang pagkakahawak ko sa cellphone ko habang hinihintay siyang magsalita.



"Leukemia." Malungkot siyang tumingin sa akin.



Napatakip ako ng bibig sa gulat. Hindi ako makapaniwala sa nalaman ko. Naramdaman ko ang pag-init ng aking mata.



"He never had a girlfriend, kasi baka masaktan lang niya yung babaeng mamahalin niya......but he met you."



"Nung una natakot siya, pero nung naging kayo, nawala ang takot niya. Hinarap niya lahat.....para sayo."



"B-bakit hindi niya sinabi sa akin 'to?" Tuluyan na ngang pumatak ang mga luha ko, mas lalo lang bumibigat ang nararamdaman ko dahil sa lamig ng hangin na humahampas sa balat ko.



"Kasi ayaw ka niyang masaktan.....tinago niya 'to para hindi ka mag-isip at mag-alala."



Ilang segundo kaming hindi nagsalita. Hindi ako makapagsalita dahil naunahan ako ng pag-iyak ko. Iyak lang ako ng iyak na para bang kasalanan ko lahat dahil wala akong nagawa. Hindi ko manlang inalam na ganon na pala ang kalagayan niya. Mas hinusgahan ko pa siya na kagaya siya ng tatay ko pero ang totoo, hindi pala. Ang sama sama kong tao!



Bakit mo 'to ginawa? Bakit kailangan mong itago sakin 'to? Bakit kailangan mo 'tong gawin?



"He begged me to take care of you....kasi hindi na niya kaya. Yung mga panahong nag-iisip ka ng kung-ano ano tungkol sa kanya, dun siya unti unting nanghina."



Napatakip ako ng aking mukha. Sobra akong nasasaktan dahil sa mga nalaman ko. How cruel I am?!



"Gusto ka niyang puntahan, yakapin, makita....pero hindi niya magawa."



Nasasaktan ako.....sobra. Ramdam ko sa tono ng boses ni Kenneth kung gaano kahirap ang dinanas ni Kit sa sakit niya.



"And I'm sorry about Margaux.....hindi ginusto ni Kit na alagaan siya ni Margaux, she insisted. Ginawa niya yun para tulungan si Kit na makalimutan ka, at makalimutan mo siya."



Bigla akong nakaramdam ng galit sa puso ko. Margaux. Kung hindi dahil sayo, edi sana hindi ako nag-isip ng kung ano-ano kay Kit.



"Ang palabasin na hindi ako totoong minahal ni Kit. Ang pagmukhain akong tanga sa harap niya. Yun ba ang tulong Kenneth?" Mahina ngunit may hinanakit na sambit ko habang tumutulo ang luha sa aking mata.



No Tears left to cry Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon