Tatlong oras na akong nakakulong dito sa kwarto, mag-isa. Si mommy muna ang nagbabantay kay Dale ngayon dahil umuwi ako kagabi sa di malamang dahilan.
Nakaupo ako ngayon sa kama ko habang nakatingin sa kisame. Nakailang buntong hininga na siguro ako dito mula kanina.
Hindi ako mapakali, hanggang ngayon hindi ko pa din nagagawang replyan ang message ni Kit. Napatingin ako sa cellphone ko na nasa gilid ko. Dapat masaya ako ngayon diba? Kasi nagparamdam na siya. Pero bakit ganon, bakit hindi ko manlang maramdaman sa katawan ko ang saya.
Kinuha ko yun at binuksang muli ang message niya. Hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwalang nagtext siya. Tsaka bakit? Bakit ngayon pa? Punong puno nanaman ang isip ko sa mga bagay na pwedeng mangyare. Anong gusto niya? Dapat masanay nako na ganto siya diba? Kasi lulubog lilitaw lang naman siya sa relasyon namin noon e.
"Bakit mo ako inilagay sa ganitong sitwasyon Kit?" Napahilamos na lamang ako sa aking mukha at napahiga ng kama.
Tinext ko si Mommy na bukas nalang ako pupunta dun para pumalit sa kanya para magbantay kay Dale. Wala kasi ako sa tamang pag-iisip ngayon dahil sa message ni Kit. Gusto ko muna din magpahinga ng onti.
Nagising ako ng tumunog ang cellphone ko dahil sa alarm. 9:30am na. Umunat muna ako bago patayin yun. Kahit papano ay nakatulog ako. Muli akong napabuntong hininga ng maalalang muli ang message ni Kit. Hayss anong gagawin ko? Ayoko pang harapin ang problemang 'to ngayon.
Kahit tinatamad ay pinilit ko pa din bumangon. Kailangan kong magluto para makakain. Hindi pa din pala ako naliligo at nakapajama at sando pa din ako hanggang ngayon.
Pagkababa ay kumuha lang ako ng spicy noodles at itlog. Inilaga ko muna ang itlog at niluto na ang noodles. Inaamin kong hindi ako marunong magluto, pero marunong naman akong kumain hehe.
Pinalamig ko muna ang noodles at binalatan ang itlog bago kumain, ayoko kasing kumakain ng mainit e, lalo na kapag maanghang. Tinititigan ko ang noodles habang nausok ng biglang tumunog ang phone ko. Napakunot ang noo ko ng makitang tumatawag si Cath, minsan lang naman to natawag kapag sobrang importante e.
"Hey Cath!"
[Ac, busy ka ba?]
"Hmm hindi naman masyado, why?" Kinuha ko ang tinidor para haluin ang noodles.
[Are you in the hospital?]
"Wala....bakit ba? Magkikita kita ba tayo ngayon?" Kinuha ko ang kutsara at humigop ng sabaw, ang sarap!
[Yes, sa bahay nila Cho mamayang 6pm. Importante daw e. Text me later, bye!]
"Teka----" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng patayan niya ako ng tawag. Pambihira ka Cath.
Inilapag ko na lang ang phone sa mesa at kumain na. Ano nanamang importante yun Cho? May problema ba siya? Magyayaya lang siya mag-inom? Hay nako! Mag-iinom lang siguro kami hayss. Inom nanaman.
Pagkatapos kong kumain ay napagpasiyahan kong maglinis muna ng bahay bago umalis mamaya. Napatingin ako sa wall clock namin, it's already 10am. Kaya pa naman.
Kumuha ako ng basahan na gagamitin ko sa pagpunas ng mga frame at iba naming gamit dito sa bahay. Habang nagpupunas ako ay binuksan ko na din ang speaker para sa music. Hindi kasi ako sanay maglinis kapag walang kanta. Ewan ko ba.

BINABASA MO ANG
No Tears left to cry
FanfictionQuinn Aira is a Business Administration student in Amfire Academy and a simple girl with a big dream. She only wants a better life for her family, hanggang sa dumating ang isang lalaking makakapagpabago ng desisyon niya sa buhay. Pipiliin niya kaya...