"Cheers!"
Sabay sabay naming ininom ang hawak naming baso ng alak at sabay sabay ding nagtawanan.
"Ang sarap!" Sambit ni Cho pagkalapag ng baso sa mesa.
"Walwalan nanaman! Yes!" Sambit ni Dindi habang nilalagyan ng alak ang baso nitong wala nang laman.
"O lagyan mo din akin!" Inabot ni Kim ang baso niya kay Dindi para lagyan.
"Sige maglasing ka nanaman." Inirapan ni Pau si Kim at naiiling na tumingin sa dance floor.
"Ay want ko yan sis!" Pagbibiro niya kay Pau.
"Tss. Stupid." Humalukipkip siya at muling inirapan si Kim.
"Ano ba yan Pau! Mag-eenjoy tayo dito hindi manenermon! Oh!" Inabot ni Cath sakanya ang tequila. Nakasimangot niya itong kinuha.
"Gusto niyo talagang maglasing ako ha?"
Gulat kaming napatingin sa kanya. Ininom ko muna ang hawak kong vodka bago magsalita.
"Pau pwede ka namang umupo lang at mag-enjoy hehe. Wag ka lang magpakalasing diba?" Tumingin ako sa kanila.
"Y-yeah! Mag cellphone ka nalang diyan magdamag." Sambit ni Dindi.
"Wag kana uminom, panoorin mo nalang akong malasing" ininom ni Kim ang hawak niyang baso ng alak.
"Akin na nga ulit yan." Sinubukang kunin ni Cath ang tequila ngunit mabilis itong nailayo ni Pau at ininom.
"Shit. Wala na." Bumagsak ang balikat ni Anne habang nakatingin kay Pau na nagpapakalasing na ngayon.
"Ihanda niyo na yung panyo." Bulong ni Cho pero narinig ni Pau kaya sinamaan niya to ng tingin.
"Ano ba kayo, hindi ako magpapakalasing ngayon." Ngumiti siya pero alam namin kung anong ibig sabihin ng ngiting yun. May mabigat siguro siyang problema ngayon.
Nagsimula nang magsi alisan ang girls para sumayaw sa dance floor. Nagpaiwan kami ni Anne para samahan si Pau dahil kanina pa siya umiinom. Alam na namin kung ano mangyayari kapag nalasing siya.
"Hey! Can you please stop staring at me? I'm not goin' to get drunk." Sambit niya pero pumupungay na ang kanyang mga mata. Namumula na din ang mukha niya at medyo magulo na ang buhok niya.
"Tama na yan ha." Sabi ni Anne habang sumisimsim sa hawak niyang vodka.
"Ang Kj mo Anne haha. Gusto ko lang naman makalimot." Bigla siyang natahimik at napayuko.
Nagkatinginan kami ni Anne at napailing. Kinuha ko ang panyong nasa bag at tumabi kay Pau. She wiped her tears and faked a laugh.
"Kamusta kayo ni Ian?" I asked while caressing her back. Ian was her childhood sweetheart. Hindi sila pero their status? It's complicated.
"H-hey stop that Ac!" Tinapik niya ang kamay ko.
"Stop crying. Magkwento ka samin, ano bang nangyayari sa inyo ni Ian?" Pinunasan ni Anne ang luha niya.
"I'm okay, we're okay. Wag nga kayong ganyan, let's enjoy nalang, kasi ayoko ng drama." Inabot niya sakin ang vodka. Kinuha ko yun pero hindi ko muna ininom.
BINABASA MO ANG
No Tears left to cry
FanfictionQuinn Aira is a Business Administration student in Amfire Academy and a simple girl with a big dream. She only wants a better life for her family, hanggang sa dumating ang isang lalaking makakapagpabago ng desisyon niya sa buhay. Pipiliin niya kaya...