Kit Alden Ferma's POV
"Don't forget to always wear a mask when you go out. "
"I know Ma. Kaya ko naman po ang sarili ko." Kinuha ko ang favorite kong mustard yellow hoodie at isinuot 'to.
"Wag ka nalang kayang pumunta dun anak, alam mo naman yang kalagayan mo diba. Ngayon pa lang nag-aalala na ako." Umupo siya sa sofa habang nag-aalalang tumingin sa akin.
"Ma naman, naka-oo na ako kay Jordan e, magtatampo yun tsaka mag-iingat naman po ako at uuwi ako kaagad pagtapos.....sige Ma! Aalis na ako bye." Humalik ako sa pisnge niya bago tumakbo palabas.
"Anak! Careful! You don't have to run!"
Hindi ko na pinansin pa si Mommy at pinaharurot ko na ang sasakyan ko papunta sa bar kung saan kami magkikita ng mga kaibigan ko.
Yes. I lied to my Mom. Sabi ko kasi sa bahay nila Jord ang party, pero ang totoo, sa bar. I had to do that kasi paniguradong hindi ako papayagan nun sa maraming tao.
Pagdating ko dun ay sinuot ko muna ang hood ko bago pumasok. I looked weird pero wala akong magagawa.
Napakadaming tao kaya kailangan kong makipagsigsikan para makapasok sa loob.
"Aray!" Napahawak ako sa braso ko ng mabunggo ako sa isang lasing na lalaki. Hindi ko nalang siya pinasin, umakyat nalang ako sa taas para puntahan sila Jord.
"Yow! Kit! Musta?" Tumayo si Ryan at inapiran ako. Tatlo palang silang nandito.
"Bakit wala kang mask pare? Buti pinayagan ka ng mama mo." Umapir din sa akin si Cody at ganon din si Pear.
"Yow Brothers!" Isa-isa kaming inapiran ni Jordan pagkapasok ng VIP room.
"Bro! Happy Birthday!" Tumayo si Cody para kamayan si Jordan at yakapin, ganon din ang ginawa namin.
"Oy pare! Buti nalang at nakapunta ka." Nakangiti niya akong inakbayan.
"Ano ka ba pare, ako pa ba?" Nginisian ko siya bago uminom ng tubig.
Nagsimula na silang mag-inuman, puro lang kami tawanan dahil sa mga jokes ni Cody na bentang benta sa amin.
"Oy pre, sila nanaman." Tumango si Pear kay Cody habang nakatingin sa kabilang table.
Napatingin naman ako sa pitong babaeng nagtatawanan habang umiinom. Hindi ko sila kilala pero bigla nalang napako ang tingin ko sa babaeng nakadenim jacket.
Tumatawa siya habang umiinom ng tequila, napangiti na lamang ako sa hindi malamang dahilan.
"Beautiful." I whispered.
"Ano yun Kit?" Biglang tanong ni Cody.
"Ah...nothing" Umayos ako ng upo at hindi na tumingin sa kanila. "Do you know them?" I asked.
"Yep, lagi dito yang mga yan. Mayayaman siguro dahil laging nakaVIP room. Ang se-sexy no?" Taas baba ang kilay ni Ryan habang nakatingin sa kanila. Tss! Playboy.
Muli akong tumingin sa kanila at nakangiti siyang pinapanood habang tumatawa.
I'm interested with her.
[Wazzup bro!] Jordan shouted at the phone.
"What is it?" I asked while reading a book. Alam kong may kagaguhan nanaman tong gagawin kapag tumatawag.

BINABASA MO ANG
No Tears left to cry
FanfictionQuinn Aira is a Business Administration student in Amfire Academy and a simple girl with a big dream. She only wants a better life for her family, hanggang sa dumating ang isang lalaking makakapagpabago ng desisyon niya sa buhay. Pipiliin niya kaya...