Dalawang linggo nang ganon si Kit. Minsan pumupunta siya sa school para ihatid at sunduin ako but most of the time ay nasa bahay namin siya.
We're just friends. FRIENDS. Yun ang lagi kong sagot sa tanong kung anong meron kami ni Kit. Oo, umamin siyang gusto niya ako pero di pa ganon kalalim ang feelings ko para gustuhin din siya. Masyado naman siguro kaming mabilis. Kahit ganon si kit ayoko namang mag assume na nililigawan niya ako kasi wala naman siyang sinasabi na liligawan niya ako.
"Kuya Kit, paturo naman" Umupo si Dale sa tabi ni Kit dala-dala ang kaniyang gitara.
"Magmeryenda muna kayo." Inilapag ni mommy ang tatlong platitong may lamang tig iisang slice ng blue berry cheesecake.
"Thank you Mommy!" Malapad ang ngiti kong kinuha ang isang cheesecake at tinidor saka ito tinikman.
"Hmmm. Super sarap!" Banggit ko habang ninanamnam ang cake.
"Favorite yan ni ate Ac" sambit ni Dale kay Kit. Napatingin ako sa kanilang dalawa.
Kinuha ni Kit ang isang cake at tinikman ito. Tumingin pa siya sa taas habang ngumunguya, para bang sinusuri kung anong lasa ng cake. Hoy masarap yan!
"I think I already know what's my favorite cake now" sabi niya kay Dale bago kumain ulit. Hoy teka! Gaya gaya ka din parang si Pau!
Habang nagpapaturo si Dale kay Kit biglang tumunog ang cellphone ko. Tita Elizabeth's calling. Kaagad ko yun sinagot at naglakad papuntang kusina.
"Hello tita?"
[Aira hija *sob* can you please help me? Hindi pa kasi kumakain si Anne mula kagabi tapos ngayon hindi pa siya lumalabas sa kwarto niya. I don't know what to do anymore that's why I called.]
"Ganon po ba, sige po papunta na po ako diyan"
Agad kong kinuha ang jacket at susi ng kotse ko. Napatingin sakin si Kit at Dale. Nagmadali akong lumabas ng bahay at binuksan ang sasakyan.
"Where are you going?" Hindi ko namalayan na sinundan na pala ako ni Kit palabas.
"Kit... I'm sorry ahm aalis lang ako. Something bad happen to Anne"
"Sasamahan kita"
Gusto kong pigilan si Kit pero hindi nako umangal dahil iniisip ko si Anne, baka mapano siya dun kapag natagalan ako. At tsaka kailangan ko din ng kasama dahil gabi na.
"Tita" niyakap ako ng nag aalalang si Tita Elizabeth.
"Hija. Thank you for coming. Let's go upstairs"
Bago sumunod kay tita napatingin muna ako kay kit na nasa tapat ng pinto. Tumango siya sakin at umupo sa may sofa.
"Gusto ko mang buksan dahil may duplicate itong susi ng kwarto pero kapag binubuksan ko lagi siyang sumisigaw at sinasabing pabayaan nalang daw siya. I'm so worried about her." nagaalalang sambit ni Tita.
"Anne?" Kumatok ako at inilapit ang tenga sa may pinto upang marinig ang ano mang isasagot niya. Nanahimik kami ng ilang segundo.
"Hey, it's Aira. Can you please open the door for me?" Napatingin ako kay tita na ngayon ay umiiyak na.
"No! I just wanted to be alone, so please leave me alone!" Rinig kong sigaw niya habang umiiyak. I'm getting worried about her now.
"Hindi pwede. Malungkot kapag mag-isa. Ayaw mo ba ng masarap at mahigpit na yakap?" Sana gumana, sana makinig siya sakin.
BINABASA MO ANG
No Tears left to cry
Fiksi PenggemarQuinn Aira is a Business Administration student in Amfire Academy and a simple girl with a big dream. She only wants a better life for her family, hanggang sa dumating ang isang lalaking makakapagpabago ng desisyon niya sa buhay. Pipiliin niya kaya...