Naulit ng naulit ang pagba bar namin ng mga kaibigan ko. Sobrang saya dahil sulit na sulit namin yung oras namin habang wala pa kaming mga trabaho.
I tried to talk to my Tita Jenice kung pwede niya akong tulungang makapasok sa LEC and she said 'Yes'. Kaya susulitin ko lang yung mga araw ko dito tapos aayusin ko na ang mga kailangang requirements para sa pagaapply ko sa LEC.
Gusto ko na din talagang magtrabaho dun. All I have to do now is how to tell my mom. Ayaw niya kasi talagang magtrabaho ako abroad. Pero gusto ko kaya kukumbinsihin ko siya. Sana nga lang pumayag, alam naman niyang pangarap kong makapasok dun e.
"Let's party!"
Tumayo kaming lahat at isa isang itinaas ang mga baso ng alak na hawak namin habang masayang pinaiikutan ang table na puno ng iba't ibang alak.
Doble ang saya dahil nandito sila James, Miggy, Peter and Ian. And I'm so happy na okay na silang lahat at wala ni isang umiyak dahil lang sa nasaktan, nag-away o niloko. Kaya ang mga ngiti ng mgababaitang to? Abot hanggang langit.
"1,2,3 GO!" Bilang ko at nagsimula na kaming magpaligsahan sa pag ubos ng alak. Kung sino man ang mahuhuling uminom ng alak ay may parusa. Sasayaw kalang naman sa dance floor....... ng MAG-ISA!
Kahit nasusuka na ay pinilit ko pa rin ubusin ang laman ng baso ko. Ayokong sumayaw sa dance floor ng mag-isa no. Hindi naman ako marunong sumayaw!
"Done!" Ako ang nauna! Pinunasan ko ang pisnge ko na nabasa dahil sa pagtapon ng alak.
"Basic." Sambit ni Pau ng mailapag sa mesa ang walang lamang baso.
Si Cho ang natalo sa game kaya naiiling siyang bumaba ngayon sa dance floor. Sinundan siya ni Peter para alalayang makababa. Tumayo siya sa gitna habang nasa may mga upuan si Peter para kuhanan siya ng video.
Nagsimulang tumugtog ang music. Nagtawanan ang mga tao sa bar at kami na rin dahil sa tugtog. Budots ang pinatugtog ng dj at nagsimula na ngang gumiling si Cho pababa. Magaling siyang sumayaw dahil lasing na, kahit anong steps ay kaya niyang gawin. Kitang kita ang hubog ng kanyang katawan dahil sa suot nitong high waste pants at yellow tube. Lalo pa siyang sumexy sa buhok niyang nabasa na ng pawis. Siguro kung lalaki lang ako, liligawan ko siya. Naiiling na tumatawa si Peter sa ginagawa ng kaniyang girlfriend hanggang sa siya na ang umawat dito dahil napapasarap na ito sa paggiling at pinagpipyestahan na ng mga kalalakihan dahil sa kasexyhan nito.
Pagkaakyat nila ay agad namin siyang pinalakpakan dahil sa lakas ng loob niyang sumayaw ng mag-isa dun. Noon palang ay malakas na talagaang loob ni Cho.
"Ang galing naman palang gumiling!" Pagpupuri ni Dindi sa kanya pagkaupo.
"Well, inspired." Tumingin siya kay Peter at hinalikan sa pisnge.
"Oh, Next game naman, spin the bottle!" Kim shouted while holding an empty bottle.
"Anong dare?" Tanong ko.
"Makikishot sa hindi mo kilala." Nakangising tugon niya. Naghiyawan ang lahat at talagang nasisiyahan sa laro.
"GAME!"
Tinanggal muna namin ang mga inumin sa mesa at nilagay sa gilid. Si Kim ang nag-ikot ng bote. Kinakabahan ako, sana hindi sakin tumigil dahil ayoko talagang nakikiinom sa inumin ng iba. Pano kung may sakit siya diba.
"What the heck?!" Nanlaki ang mata ko ng makitang nakaturo sakin ang nguso ng bote. Shit. Ang malas ko naman yata ngayon.
"Go Ac!" Sigaw nila.
BINABASA MO ANG
No Tears left to cry
FanfictionQuinn Aira is a Business Administration student in Amfire Academy and a simple girl with a big dream. She only wants a better life for her family, hanggang sa dumating ang isang lalaking makakapagpabago ng desisyon niya sa buhay. Pipiliin niya kaya...