Chapter 15

0 0 0
                                    

"Oh heto pa, kasya pa yan sa bag mo."


Isinuksok ni Mommy sa back pack ko ang itim na scarf.


"Mabuti nang handa, baka lamigin ka dun." Sambit niya habang isinasara ang zipper nito.



"Maligo ka na baka malate----"


Hindi ko na siya pinatapos pa, bigla ko nalang siyang niyakap ng mahigpit. Huling yakap ko na 'to kay Mommy at sobrang mamimiss ko 'to pati ang mga payo niya.



"Saka na tayo mag iyakan kapag nasa airport kana. Come on, maligo ka na." Kumawala siya sa yakap namin at umiwas ng tingin habang nagmamadaling punasan ang mga luha niya.


"Ikaw kaya ang naiyak dyan." Pagbibiro ko, pero sa loob loob ko, gustong gusto kong umiyak dahil ayoko talagang umalis, pero kailangan e.


"Napuwing lang ako, sige na maligo kana." Sambit niya at tsaka pinagpatuloy na ang pagliligpit ng gamit ko.


Pumasok na ako sa banyo para maligo, mamayang 1pm pa ang flight ko papuntang U.S.A pero maaga akong aalis sa bahay ngayon dahil marami pa akong pupuntahan para magpaalam.


May hangover pa ako dahil sa walwalan kagabi kasama ang mga kaibigan ko, buti na lang at pinilit ako ni Mommy na bumangon.


Pagkalabas ng banyo ay wala na si Mommy, okay na din ang mga gamit ko, malinis na din ang kwarto. Napangiti ako ng makita ang kabuuan ng kwarto ko. Saksi ito sa lahat ng sakit na dinanas ko noon mula kay Dad, sa mga maliliit na bagay, at kay Kit.


Grabe! Sobrang mamimiss ko 'tong kwartong 'to.


Pagkatapos magbihis ay pumasok ulit si Mommy para tanungin kong tapos na ako.


"Yes Mom, bababa na po." Sagot ko at nagmadali ng sinuot ang boots na bigay ni Cho.


Dala ko ang makapal kong jacket at bag habang pababa ng hagdan.


"Mom tara---"


Napatigil ako sa paglalakad ng makita ang anim na babaeng nakatayo sa harapan ko habang may malulungkot na expression sa kanilang mga mukha.


"Grabe, wala ka pa sa States pero namimiss na kita." Pinahid ni Cho ang luha niya.


"Hoy Ac, pagbalik mo gusto ko may kasama ka nang Amerikano dun ha!" Sambit ni Dindi.


"Chocolates ko ha." Nakasimangot na sambit ni Kim. Pambihira! Yun talaga ang hinanap hindi ako.


"Wala na akong ibang sasabihin kundi ingat ka dun." Nakangiting sambit ni Anne.


"Basta Ac, kapag nahohomesick ka na, balik kana okay?" Si Cath na medyo paluha na din.


Napatingin ako kay Pau na seryosong nakatingin sa akin, alam ko namang pinipigilan lang niya ang sarili niyang umiyak. Hinihintay ko ang sasabihin niya pero wala ata siyang sasabihin e.


"Be happy, yun lang." Sambit niya na seryoso pa din nakatingin sa akin.


Napangiti ako habang tinitignan sila isa-isa. Kung sakaling magtagal ako sa America, makakahalubilo ko din kaya ang mga babaeng may ganitong pag-uugali? Sana.


"Kami na ang maghahatid sayo sa airport." Sambit ni Kim.


I nodded, smiling. "Thank you Girls. Mamimiss ko kayo ng sobra sobra. Payakap nga." Nanggilid na din ang luha ko habang nakatingin sa kanila.


No Tears left to cry Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon