Hindi ko maintindihan kung anong nangyayari. Kung bakit nagkaganon si Kit. Awang awa ako sa kanya kanina habang iniinda ang pananakit ng ulo niya hanggang sa mawalan siya ng malay.Agad namin siyang dinala ni Mommy dito sa hospital kung san ko siya nakita kasama ng ibang babae. Pilit kong tinatanong ang mga nurse na siyang nag assist kay Kit papasok sa ER pero lahat sila sinasabing kumalma ako.
Shit! Paano ako kakalma sa kalagayan ng boyfriend ko?! Paano ako kakalma kung hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya?! Paano ako kakalma kung walang nagsasabi ng tamang sagot sa mga tanong ko?!
"Anak umuwi muna tayo para makapagpahinga ka." Sambit ni mommy ng sa wakas ay kumalma ako.
Hindi ko na nagawang pansinin si Mommy dahil sa sobrang pag-aalala kay Kit. Kung alam ko lang na ganto ang mangyayari, sana pala niyakap ko nalang siya kanina, sana hindi nako nagmatigas, sana hindi ko nalang inuna ang galit ko. Kasalanan ko to e, kung di lang ako nag matigas, kung pinakinggan ko lang sana siya kanina, edi sana hindi na humantong sa ganito.
"Anak, baka masyado lang siyang napagod kaya nawalan ng malay." Sambit ni mommy. Hindi naman agad yun mawawalan ng malay e, baka may ibang reason.
"Where's my son?!"
Napatingin kaming dalawa ni Mommy sa dalawang babaeng dumating. Nag-aalala silang lumapit sa nurse habang nagtatanong. Siguro mommy ni Kit yung isang babaeng may edad na, at yung kasama niya......napayuko nalang ako ng makita ang kasamang babae ng mommy ni Kit. Ito yung babaeng kasama ni Kit kanina. Napatingin ulit ako sa kanila at pinipigilan kong muling umiyak.
Tumango tango ang mommy ni Kit habang hinihimas nung babae ang likuran nito. Nalungkot ako bigla, ako dapat ang nandyan e, hindi ikaw.
Napatingin silang pareho sakin. Umiwas ng tingin ang mommy ni Kit at mabilis na naglakad papasok sa kwarto niya. Napatingin ako dun sa babae, masama ang titig niya sakin. Bumuntong hininga siya bago sumunod sa loob.
Naguguluhan ako kung bakit siya ganon makatingin. Kumukulo ang dugo ko, pero hindi ko dapat to unahin ang galit ko sa babaeng yun dahil sa kalagayan ni Kit. Ayoko nang dagdagan pa ang problemang nangyayari.
Nanghihina ako. Gusto kong magalit sa sarili ko. Mas lalong sumakit ang puso ko sa mga nangyayari. Muling pumatak ang luha saking mga mata dahil sa nangyari kay Kit. Sana maging okay na siya. Sana magising na siya.
Naramdaman ko ang mga kamay na humagod sa likod ko. Tumingin ako sa nag aalalang mukha ni Mommy. Masuyo niya akong niyakap at dahil dun hindi ko na napigilang humagulgol.
Hindi ko na nagawang tignan si Kit sa loob. Natatakot ako na baka anong mangyari, lalo na't nandun ang Mommy niya at yung babaeng kasama niya kanina. Hindi naman ako kilala ng mommy niya.
"Bukas mo nalang dalawin si Kit kapag okay kana. Sigurado akong magiging okay na din si Kit bukas, sabi naman ng Doctor napagod lang siya, hayaan mo muna siyang magpahinga at ikaw din anak, kailangan mo din ng pahinga kaya halika na uuwi na tayo."
Hindi nako nagpumilit pang magpaiwan tutal nandito naman yung mommy niya at yung babaeng hindi ko alam kung kaano ano niya.
Hindi ko maiwasang mainggit nung nakita ko siyang kasama ang mommy ni Kit. Ako yung girlfriend pero bakit parang wala kong karapatang makita yung boyfriend ko? Bakit ako itong umuuwi imbes na bantayan siya dun. Napakawalang kwenta kong tao!
"Everything's going to be okay anak." Napatingin ako kay Mommy at sa kamay niyang humaplos sa balikat ko. Kanina pa niya ako pinapakalma. Sana namana ko sa kanya ang pagiging malakas sa lahat. Kasi pagod nako.

BINABASA MO ANG
No Tears left to cry
FanfictionQuinn Aira is a Business Administration student in Amfire Academy and a simple girl with a big dream. She only wants a better life for her family, hanggang sa dumating ang isang lalaking makakapagpabago ng desisyon niya sa buhay. Pipiliin niya kaya...