Chapter 12

8 0 0
                                    

*Peeeeeeeep!*





Inis akong bumusina sa sasakyang nasa harapan ko, idadamay pa ako sa katangahan niya. Bigla bigla nalang nagbibreak.





Muli kong pinaandar ang kotse ko ng makitang umandar nang muli ang sasakyang nasa harapan ko.





Pagdating ng hospital ay agad akong nagtungo ng garden. Lagi akong napunta dito para abangan si Lola. Ilang araw na din kasi kaming hindi nagkikita. Kamusta na kaya siya? Gusto ko din kasing malaman ang buong kwento ng lalaking nagtanim ng sunflower.





Napaawang ang bibig ko ng makitang nalalanta na ang sunflower. Naglagas na din ang iba nitong petals at pumapangit na ang kulay.





"Anong nangyare sayo?" Bulong ko sa bulaklak. Hinawakan ko to at nalungkot ng biglang pumasok sa isip ko na baka may nangyaring masama sa magkasintahan.





"Ang lungkot na niyang tignan no?"





Napatingin ako sa babaeng nurse na nakatayo sa likuran ko. Malungkot siyang nakatingin sa bulaklak.





"Hindi ko maintindihan kung bakit nalanta nalang siya bigla." Sambit ko.





"Ganon talaga kapag hindi na naaalagaan."




Naglakad ako palapit sakanya at malungkot na napabuntong hininga habang nakatingin sa bulaklak.




"Malulungkot din siguro si Lola sakaling makita niyang ganyan na ang itsura niyan." Sambit ko.





"H-hindi mo pa ba alam?" Napatingin ako sakanya. Ang lungkot lungkot ng mga mata niya.






"Ang alin? Teka, nasan na pala si lola, bakit hindi mo siya kasama?" Tanong ko.





"Wala na si Lola..........patay na siya."





Nanlamig ako sa kinatatayuan ko at napatakip ng bibig. Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko. Kinilabutan ako bigla. B-bakit?





"K-kailan pa?" Halos hindi ako makapagsalita. Sumisikip ang dibdib ko. Hindi ko matanggap na wala na si Lola. Malakas pa siya nung huli naming kita. Nakangiti at tumatawa pa siya kaya paano nangyare yun?





"Nung nakaraan lang. Kidney at Heart failure ang ikinamatay niya." Napayuko siya at mabilis na pinunasan ang mga luhang pumatak sa kayang mata.





"Oh my God" yun na lamang ang tangi kong nasabi habang unti-unting napaupo sa upuan kung saan ko siya unang nakilala.





Naramdaman ko ang pagbasa ng pantalon ko, tumulo dun ang mga luha ko. Umiiyak na pala ako. Bakit hindi ko alam na wala na siya? Bakit napakabilis?





"Halos isang taon ko din inalagaan si Lola kaya sobrang hirap para sakin tanggapin na wala na siya" sambit nung nurse.





"Simula nung nawala siya, unti-unti na din nawawalan ng buhay at kagandahan ang bulaklak na yan."





Hindi nako nakapagsalita pa. Napatingin ako sa asul na langit. Tipid akong napangiti. Lola. Sandaling panahon lang tayo nagkakilala pero sobra mo kong napasaya. Salamat sa lahat.





"Hindi ko manlang magawang sumaya ng matagal.........lahat ng saya na nararamdaman ko ay pansamantala lang pala." Mariin akong napapikit kasabay nun ang pagpatak ng aking mga luha.





No Tears left to cry Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon