Akala ko dati sapat na yung kasiyahang nararamdaman ko sa pagkakaroon ng mapagmahal na pamilya at mga abnormal na mga kaibigan, pero nung dumating si Kit, nagbago lahat. Lalong nadagdagan ang kasiyahan sa buhay ko, nararanasan ko na din yung ibang kasiyahan kapag kasama mo yung taong mahal mo.
Ganto pala ang feeling ng inlove, para kang nasa ulap lagi, bigla bigla ka nalang makakaramdam ng mga paru paru sa loob ng tiyan mo, umiinit ang pisnge mo kapag nagbablush ka dahil sa kilig, ganito pala ang feeling kapag nasa mundo ka ng pag-ibig.
"Look at here baby" tawag ni Kit habang nakatutok sakin ang camera.
Napapadalas na ang paglabas namin ni Kit, kapag pagod naman ako galing school pumupunta siya sa bahay para pagaanin loob ko. Ang swerte ko talaga sa lalaking to. Bukod sa gentleman na, sobrang sweet pa.
"I love you!"
Ayan nanaman siya sa magic words niya. Sa tatlong salita na yun, kusa nang gumagalaw ang bibig ko para ngumiti. Napakabilis ng tibok ng puso ko sa tuwing nakikita ko siya. Ang palangiti at gwapong mukha ni Kit, hinding hindi ko siguro kakayanin kapag nawala siya.
"Ang ganda mo." Sambit niya kahit nasa medyo malayo. Napakasweet talaga. Tumingin siya sa paligid at lumapit sa babaeng naglalakad.
"Miss? Pwede mo ba kaming picturan?" Pakikiusap niya dun sa babae. Ngumiti ito at tumango. Lumapit si Kit at umakbay sakin. Hinalikan niya muna ako sa noo bago humarap sa camera.
"1,2,3! Smile lovebirds!" Pareho kaming ngumiti ni Kit sa camerang nakatutok samin. Meron pa kaming stolen pictures at ang pinaka favorite ko sa lahat ay ang panghuling litrato kung saan nakahangiti ako habang nakahalik si Kit sa pisnge ko. Ang cute lang namin tignan.
Pagkatapos naming magpicture at mamasyal napagpasyahan naming kumain sa isang malapit na seafoods restaurant. Siya na ang umorder ng pagkain at inumin namin.
"Malapit na ang graduation namin, sana makapunta ka" nakangiti kong sambit habang binabalatan ang hawak kong hipon.
"Of course, graduation yun ng pinakamamahal kong babae e"
Inilagay ko sa plato niya ang nabalatang hipon at kumuha pako ng isa. Paborito niya daw to pero hindi siya marunong magbalat kapag kamay ang gamit hay nako. Ngiting ngiti siya habang kinakain to. Parang bata!
"Ano bang gusto mong graduation gift?"
Kumunot ang noo ko sa tanong niya. Inilagay ko ulit sa plato niya ang nabalatang hipon at ipinatong ang dalawang siko sa mesa.
"Ano kaba, hindi ko na kailangan ng regalo. Kasi nasa harapan ko na ang napakagandang regalong natanggap ko, sapat kana sakin, napaaga nga lang haha" kinindatan ko siya at nginitian.
"Napakasweet naman ng girlfriend ko, parang hindi ko kakayaning iwan to ah" ipinatong niya ang isang siko sa mesa at hinawakan ang baba habang naniningkit ang mga matang nakatingin sakin. Sumama ang tingin ko sakanya.
"So iiwan mo pala ako ha?" Humalukipkip ako at tinaasan siya ng kilay.
Tumawa siya at kinurot ang pisnge ko. Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan.
"Gagawin ko ang lahat para hindi ko masira ang mga pangako ko sayo... I love you so much my Quinn Aira." Ngumiti siya at muling hinalikan ang kamay ko.

BINABASA MO ANG
No Tears left to cry
FanfictionQuinn Aira is a Business Administration student in Amfire Academy and a simple girl with a big dream. She only wants a better life for her family, hanggang sa dumating ang isang lalaking makakapagpabago ng desisyon niya sa buhay. Pipiliin niya kaya...