Chapter 4

29 0 0
                                    

2 months nalang masusuot ko na din ang itim na toga na magpapatunay na tapos ko na ang tungkulin ko bilang studyante. Sobrang nakakaexcite ang papalapit na graduation. Abala na din ang lahat sa pagtapos ng requirements na ipapasa before graduation.



"Ipapasa ko lang to kay Sir Marco." Tumayo ako at kinuha at inayos ang mga papel na ipapasa ko kay Sir. Hindi pa tapos si Paui at sinabi niyang mauna na daw ako magpasa.



"Nandyan po ba si Sir Marco?" Tanong ko sa isang staff sa faculty ng mga prof. Tumango lang siya kaya pumasok nako.



Nang maipasa sa kanya ang paperworks ko agad akong lumabas dahil ayoko sa amoy ng faculty nila, amoy gamot.



Naglakad nako pabalik ng bigla akong mabunggo sa isang babaeng nagmamadali habang may kausap sa phone. Napatingin ako sa kanya. Mas matangkad siya sakin, hanggang balikat lang ang itim niyang buhok, Maputi, sexy at sobrang ganda. Para siyang isang modelo.



"I'm sorry Miss." Nagmadali siyang maglakad paalis pero rinig ko pa din ang  boses niya habang may kausap sa phone.



"Yes tita, I'm on my way. Don't worry, Kit will going to be----"



Hindi ko na narinig ang huli niyang sinabi pero hindi ako pwedeng magkamali. Alam kong tama yung narinig ko at hindi ako bingi. Binanggit niya si Kit. Anong koneksyon niya kay Kit? Tsaka bakit siya nagmamadali?



"Baka naman kasi ibang Kit yun. Maraming Kit sa mundo gorl. Malay mo First Aid Kit talaga yun pero nabingi kalang sa First Aid at dahil baliw kana kay Kit yun nalang narinig mo." Sambit ni Pau habang tinatapos ang mga paperworks niya. Naikwento ko kasi ang nangyari kanina.



"Gaga! Alam ko kung ano narinig ko. Kit talaga yun." Naka upo ako ngayon sa harap niya habang nakahalumbaba at nakakunot ang noo.



"Malay mo hindi talaga siya yun. Try mo kayang tawagan no."



Sana nga hindi. Ayoko nalang isipin, baka ibang Kit talaga yun. Tsaka nagtext siya sakin kanina na may out of town daw sila nang family niya.



Ano ba Quinn Aira! Masyado mong inaalala si Kit. Napapraning kana!



Mabilis ang oras at panahon. Sabado na ulit ngayon. Hindi nako nagtatanong kung bakit ganon nangyayari samin ni Kit. Matapos siyang umamin sakin na mahal na daw niya ako saka naman naulit ulit yung hindi niya pagpaparamdam.



Hindi ako okay dun lalo na't wala akong kaalam alam sa nangyayari sa kanya. Magpanggap man akong okay sa harap ng iba, alam kong hindi magtatagal mapapansin din nila na hindi talaga ako okay.



"Ate"



Napatingin ako sa kapatid kong nasa tapat ng pinto ng kwarto ko habang umiiyak. Tumayo ako at lumapit sa kanya.



"Dale? Why? W-what happened?"  Hinawakan ko ang magkabila niyang balikat.



"Si D-daddy." Hindi na niya nasabi ang gusto niyang sabihin dahil humagulgol na siya sa pag-iyak. Niyakap ko nalang siya at hinayaang makatulog sa kwarto ko.



Broken Family kami at sobrang hirap nun. Si daddy? Siya ang may kasalanan kung bakit nagkaganito ang pamilya namin. Pinagpalit niya kami sa isang babaeng nakilala lang niya sa trabaho.

I was only 10 years old and Dale was 5 that time, at kitang kita ko kung pano niya iwan ang pamilyang binuo niya para lang sa isang babaeng panandalian lang niyang nakilala.


Sobrang hirap para saking tanggapin yun, halos ilang araw akong nagkulong sa kwarto ko. Napabayaan ko na din ang pag-aaral ko, puro ako iyak hanggang sa naipon lahat ng galit ko sa kanya. Galit na galit ako sa kanya.


No Tears left to cry Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon