"Mommy, ako na po dyan."
Kinuha ko sa kanya ang kutsilyo at ako na ang naghiwa ng hinihiwa niyang karne ng baboy.
"Aba, you're learning huh." She chuckled while watching me chopping the meat. Medyo natututo na ako, kaya ako na ang gagawa nito.
"Thanks to my beautiful chef!" I playfully winked at her that's why she laugh.
"Osya! Maliligo na ako, alam mo na kung pano lutuin yan ha." Naghugas muna siya ng kamay.
"Opo Mommy!" Nakangiti kong sagot sakanya.
Grabe ang tiwala niya sakin sa pagluluto ng nilaga. Sabi niya kayang kaya ko daw! Well, madali lang naman siyang lutuin kaya ito ang una kong natutunan. Nanood lang ako sa pagluluto ni Mommy tapos tadaaa! Alam ko na.
"Sasarapan ko pa 'to lalo!" Sambit ko habang hinihiwa ang sibuyas.
Inilaga ko muna ang karne ng baboy kasabay ng sibuyas. Habang hinihintay na lumambot ang karne ay nanood muna ako ng iba pang lutong bahay sa youtube.
Nandito kaming dalawa sa bahay ngayon dahil naisipan ni Mommy na magluto, pero dahil bida bida ako ay ako na ang nagluto. Gusto ko din naman ipakita sa kanya kung ano yung natutunan ko sa mga tinuro niya sakin.
Buti nalang dumalaw yung dalawa na si Pau at Kim kaya sila na muna pinagbantay namin kay Dale.
"Ac, aalis na ako. Sure kang di ka na sasabay papuntang hospital?"
"Mamaya na po ako Mommy, tatapusin ko lang 'tong niluluto ko." Sambit ko habang nakatitig sa mga videos na puro pagkain. Ang daming masasarap na pagkain, pero parang ang hirap naman nilang lutuin.
"Osya, mauuna na muna ako sa kapatid mo. Call ka ha." Lumapit siya sakin at bumeso.
Tinignan ko lang siya habang naglalakad palabas ng bahay. Tinapos ko na din ang pagluluto ko. Tinikman ko 'to at ng masatisfy sa lasa ay pinatay ko na ang kalan.
"It's time to take a bath!" Dali dali kong tinanggal ang apron ko at umakyat na nang kwarto.
Pagkatapos ko maligo ay lumabas na ako para magbihis ng bigla kong makita ang passport ko sa ibabaw ng bed side table.
"Hindi ko pa pala nasasabi kay Mommy" I sat on the edge of my bed while staring at the passport.
"How am I going to tell Mom?" Napabuga ako ng malalim na hininga.
"Bahala na" iniligpit ko na lang ang passport ko kasama ng ibang requirements ko sa drawer at nagbihis na.
Habang nagsusuklay ay napatingin ako sa sarili ko sa salamin. Medyo malalim na ang eye bags ko. Pumapayat na din pala ako. Masyado ko na bang napapabayaan ang sarili ko? Haysss, ganto pala ang epekto ng lahat ng nangyari sakin. What should I do?
I sighed heavily. "Maybe it's time to take care of myself first."I smiled to myself in the mirror before walking out of the room.
Paalis na sana ako ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. Wow! Napakagaling naman! Naglakad ako papuntang kusina para maghanap ng payong pero wala akong mahanap ni isa. Oh Great! Nakakabili ako ng magagandang damit pero ni isang payong lang, wala? Pambihira ka talaga Quinn Aira!
BINABASA MO ANG
No Tears left to cry
ФанфикQuinn Aira is a Business Administration student in Amfire Academy and a simple girl with a big dream. She only wants a better life for her family, hanggang sa dumating ang isang lalaking makakapagpabago ng desisyon niya sa buhay. Pipiliin niya kaya...