Chapter 9

7 0 0
                                    

"Please Ac, pleaaaaase!"




Inis akong tumingin kay Pau habang nakaupo siya sa pang-isahang sofa sa kwarto ko, magkadikit ang palad na parang nagdadasal at nagpapacute. Inirapan ko lang siya at napabuga ng malalim na hininga.




"Ayoko!" Tumayo ako at inayos ang mga gamit sa harap ng salamin.




"Ehh! Parang gaga naman to, ngayon lang ako humingi ng favor e." Ngumuso siya at inis na tumingin sa may bintana.




Haysss. Hindi ako makakatakas sa babaeng to, hindi 'to uuwi hangga't hindi nakukuha ang gusto niya.




"Pwede namang si Kim, si Cho, si Anne, si Dindi o si Cath. Why me? I'm busy!" Muli akong umupo sa gilid ng kama ko at kinuha ang phone. Binaliwala ang pag-iinarte niya.





"Kasi naman e!" Napatingin ako sa kanya. Nakasimangot siya habang nakahalukipkip.




"Anong gagawin ko dun? Taga make-up mo?" Pagsusungit ko.




"Great Idea!" Nabuhayan ang tono ng boses niya. Jusko naman nakahanap pa ng dahilan.




"Ayoko talaga Pau, hindi mo ko mapipilit." Umiling ako.




"I can't do this alone Ac, malayo ang Laguna. Ian is busy, wala akong kasama. H-hindi ka ba naaawa sakin?"




Nakakunot noo akong tumingin sa kanya ng marinig ang peke niyang pag-iyak. Hay nako! Sinasabi ko na nga ba e. Kukunin ako nito sa paiyak iyak niya. Pambihira!




"Please Ac?" Pagmamakaawa niya. I roll my eyes and sighed heavily.




"K fine!"




Mabilis siyang tumakbo palapit sakin at pinupog ako ng halik habang nakayakap sa leeg ko.



"Thank You Ac! Thank you! Thank you!!!"




"Yuck Paui! Laway mo kadiri!" Inalis ko ang pagkakayakap niya at inis na pinunasan ang magkabilang pisnge ko.




"Susunduin kita later, 7pm! Pack your things, I have to go." Tumayo na siya pero agad ko siyang pinigilan.




"What?" Painosente niyang tanong.




"Pack my things?" Nakakunot kong tanong.




"Duh? In case na magstay tayo dun to make gala" she rolled her eyes. "You know naman me, gusto ko ready lahat ng gagamitin hihi. Go na, be ready! See you later mwuaa!" Bumeso siya sakin at naglakad palabas ng kwarto ko.




Napailing nalang ako. NapakaOA masyado ng babaitang yun. Kahit isa o dalawang araw lang magi-stay sa pupuntahan, grabe kung magdala ng gamit akala mo titira na dun e.




Sinunod ko ang sinabi niya, kumuha lang ako ng damit pamalit at isang shorts. Naligo na din ako at nagbihis. Nagsuot lang ako ng high waste black pants at white halter top, nagdala din ko ng jacket baka lamigin ako mamaya.




Nagpaalam nako kay Mommy at agad namang pumayag. Umupo lang ako sa sofa habang nagbobrowse sa phone. Ang tagal naman ni Pau, sabagay wala pa namang 7.




Ilang sandali lang ay nakarinig nako ng busina sa labas. Kinuha ko na ang bag ko at bumeso nako kay Mommy.




"Bakit yan lang ang dala mo?" Gulat niyang tanong na.




No Tears left to cry Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon