Rhemuel's Point of view
📍Hangzhou, China
Im a CEO here in China. Nung una mahirap kasi malayo ako sa family ko pero nung nagtagal na naging maayos na lahat, para din naman sa kanila 'tong ginagawa ko. Saka napagisip isip ko bakit ko kailangan malungkot, kasama ko naman mga brothers ko na sina Richard, Doojie, Jhuvain, Rjhay, Nikko, Chriz, Darwin, Vince, Joebel, Winston and especially ang boss namin na kahit di kami magkadugo, big sister ang turing ko si Boss Xiao. Lahat kami dito magkakapatid kung aangat yung isa, dapat lahat kasama ganyan kami dito nagtutulungan. Bakit? Sino pa nga bang magdadamayam at magtutulungan kundi kami kami lang din. Thankful ako dahil sila ang kasama ko dito sa China.
Alam nila lahat ng tungkol sakin, kilala nila yung babaeng matagal ko ng pinapangarap, alam nila kung gaano ko katagal naghihintay para magkausap ulit kami ng girl na yun.
"Kuya Rhemz" tawag ni Chard sakin habang naglalakad papalapit sa pwesto ko. Nandito kami ngayon sa studio may klase mga boys at ako, hmm. Wala naman akong gagawin sa condo kaya nandito pa ko hinihintay ko lang matapos class nila.
"Bakit Chard" sagot habang nakatingin kay Chard.
"Kuya nagpost ulit siya sa ig niya check mo, napaka simple lang talaga niya natural yung ganda" habang pinapakita sakin ni Rhemz yung post sa ig.
"Maganda naman talaga siya at simple lang, sa tingin mo Chard may pagasa pa ba kaming pagtagpuin ng tadhana?" Tanung ko kay Chard.
"Tiwala lang kuya Rhemz, naniniwala at nararamdaman kong kayo sa huli" 😊 sabay ngiti ni Chard habang sinasabi niya sakin yun,
Paano kami pagtatagpuin ng tadhana, panigurado nakalimutan na niya ko, at hindi niya siguro ko kilala.
"Kuya ano iniisip mo?" Tanung ni Chard
"Paano kami pagtatagpuin ng tadhana Chard kung nakalimutan na niya ko? Hindi niya na siguro ko kilala." Sabi ko kay Chard habang magkatabi kaming nakaupo.
"Kuya, tadhana na bahala dun kung paanong paraan niya gustong pagtagpuin ulit kayo"
"Sa tingin mo malapit na kaya yun?Sana no bago magtapos 'tong taon na 'to mangyari na yung gusto ko, yan wish ko sa christmas, para pag nagpalit ng taon magkausap na ulit kami" sabi ko habang nakangiti.
"Tiwala lang kuya mangyayari din yan malapit na" sabay ngiti ni Richard sakin na para bang ramdam niya na malapit na nga yun mangyari.
"Wait lang kuya tignan ko lang kung tapos na class ni Bes Dooj, ay nga pala uuwi na ba tayo after ng class? Hinihintay mo lang kami? Or may meeting tayo kuya?" Sunod sunod na tanung ni Chard. :)
"Isa isa lang tanong Chard, gusto niyo kain muna tayo sa labas bago umuwi, after ng class ng boys. Wait ko kayo dito" sabay tingin sa laptop ko.
"Yesssseeeer!" Sagot ni Chard
Umalis na si Chard para sabihan ang boys na after ng class kakain muna kami sa labas bago umuwi. :)
Kung tatanungin niyo kung anong ginagawa ko, hmm eto nakaupo nakatingin sa laptop ko, alam ko na susunod niyo tatanungin mga readers,kung ano bang meron sa laptop ko bakit tinitignan ko. Gusto ko lang, bakit? 🤣 dejoke lang. Syempre tinitignan ko recent ig post ng babaeng hinihiling kong mapasakin. 🤭
Balang araw magkakakilala din tayo, Balang araw makikilala mo ko at makikilala kita ng lubusan, at pag nangyari na yun hinding hindi na kita papakawalan pa. Mariam! ♡
--
After ng class ng boys, kumain na kami sa labas. Nagkwentuhan tawanan, after ng nakakapagod na araw para samin lahat eto kami ngayon nagrerelax. Masaya ko kapag kasama ko sila.
"Ano ng balita Rhemz?" Tanung ni Jun sakin.
"Ha? Balita saan?" Nagtataka kong tanung.
"Balita dun sa girl na gusto mo, dapat kasi chat mo na." Sabi ni Jun.
"Nahihiya ako saka baka hindi ako reply-an" Sabi ko naman habang nakatingin ako sa cellphone ko at nagdadalawang isip kung gagawin ko ba yung sinabi ni Jun.
"Oo nga naman kuya, baka eto yung gusto ng tadhana, yung ikaw yung unang kikilos para magkausap ulit kayo" Sabi ni Doojie habang nakain.
"Eto na pagkakataon kuya Rhemz para makausap mo siya, nandito lang kami para sa'yo kuya. Support ka namin." Sabi ni Richard na halatang pinapalakas pa lalo ang loob kong gawin yun.
"Sigurado kayo?" Sabi ko sa kanila.
Halata sa boses ko na kabado ko sa mga oras na yun, napaisip ako oo nga tama sila paano ko makakausap si Mariam kung hindi ako gagawa ng paraan para mangyari yun. Kaya kahit na kabado ko, pinili kong gawin yung sinabi nila sakin.
To: Mariam
Hello. Goodevening Mariam! It's me Rhemz. 🙂Message sent.
"Natext ko na siya hintayin na lang natin kung magrereply siya" Sabi ko sa kanila habang nakatingin pa din sa phone ko.
"Relax ka lang kuya, magrereply yun panigurado yan" Sabi ni RJhay na halatang pinapalakas loob ko.
Bilang tumunog ang phone ko, ayokong tignan kung sinong nagmessage baka mamaya umasa lang ako na siya na yun. Kaya lang biglang sumigaw si Richard.
"Ku-kuya Rhemz nagreply na siyaaaa!" Pasigaw niyang sabi.
Dali dali kong tinignan kung totoo ang sinasabi ni Richard. Pagkatingin ko hindi agad ako nakapagreact sa nakita ko. Siya nga si Mariam nagreply sa message ko. 😀
From: Mariam
Goodevening. Ikaw pala Rhemz! 🙂Pagkabasa ko pa lang napangiti na agad ako. Hindi ko inaasahan na magrereply siya ng ganun kabilis.
"Sabi ko na sayo kuya tiwala lang" sabi ni Richard habang nakangiti.
"Ang saya ko grabe di ko to inaasahan guys." Masaya kong sabi sa boys.
"Reply-an mo na bilis." Sabi ni Jun.
"Ano naman irereply ko?" Napaisip tuloy ako.
"Kamustahin mo kuya" Suggestion ni Doojie.
To: Mariam
Natatandaan mo pa pala ako. Akala ko hindi na. By the way kamusta ka na Mariam? 🙂Message sent.
Habang tinatype ko yung message ko sa kanya nakangiti lang ako.
Eto na ba yung simula ng journey namin dalawa?

YOU ARE READING
Beyond The Distance
Fiksi PenggemarDistance is not for the fearful, it is for the bold. It's for those who are willing to spend a lot of time alone in exchange for a little time with the one they love. It's for those knowing a good thing when they see it, even if they don't see it ne...