Chapter 15

542 22 11
                                        

Mariam's Point of view

Ang aga ko na naman nagising 05:00am pa lang. Gusto ko ulit mapanood yung sunrise, okay lang kahit ako lang magisa alam ko na naman kung paano pumunta at malapit lang naman. Gusto ko sana na isama si Mona kaya lang ang himbing ng tulog. Nagbilis na ko eto suot ko guys. ⬇️

Lumabas na ako at laking gulat ko nandun si Rhemz, parang may hinihintay

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Lumabas na ako at laking gulat ko nandun si Rhemz, parang may hinihintay. Ay oo nga pala ngayon niya ipapakilala yung girl na sinasabi niya. (Teka parang medyo sumakit na naman dibdib ko) siguro kakatakbo. Hehe. Deny pa more. Agad niya kong nakita kinawayan niya ko habang papalapit siya sa kinatatayuan ko.

"Hello Mariam! Goodmorning" Nakangiti niyang bati sakin.

"Hi Rhemz. Goodmorning din, ang aga mo magising." Sabi ko sa kanya.

"Oo diba ngayon ko ipapakilala yung sinasabi ko sayo." Nakangiti pa din siya habang sinasabi sakin yun.

"Oo nga pala, pero bakit hindi ka nagtext? Kanina ka pa dito?" Tanung ko sa kanya.

"Hindi kakababa ko lang din, alam ko naman maaga ka din magigising." Nakangiti pa din siya.

"Ganun ba." Sabi ko naman.

"Si Mona at Richard nga pala?" Tanung niya.

"Tulog pa sila." Sabi ko naman.

"Ganun ba. Tara na?" Tanung niya.

"Sige tara." Sabi ko naman.

Naglalakad na kami papunta ng dagat. Excited na ko ulit sa sunrise. Pero bakit ganitong oras niya sakin ipapakilala yung babae na sinasabi niya, ang aga agad. Hmm Mariam bakit ka ba nangingialam. 🤣

Sa pagiisip ko hindi ko namalayan nakarating na kami.

"Mariam? Mariam okay ka lang?" Tanung niya.

"Ah-eh oo naman hehe." Sabi ko na lang. Halata yatang malalim iniisip ko.

"Nandito na tayo." Sabi niya.

"Hehe oo nga e hindi ko namalayan." Pilit na ngiti kong sabi. Kinakabahan kasi ako na naeexcite.

Dun ulit kami umupo sa pwesto namin kahapon. Nakakarelax talaga yung tunog ng alon. Tapos maya maya makikita ko na naman si haring araw.

"Nga pala Rhemz, nasaan na yung ipapakilala mo sakin?" Tanung ko, kami lang dalawa dun wala kong nakikitang ibang tao.

"Hmm, maya maya pakilala ko siya sayo." Nakangiti niyang sabi.

Wala kong kaalam alam na hindi lang kami yung nandun ni Rhemz, pati pala si Mona at Richard nandun din nagtatago nga lang at pinapanood kami.

Lumiliwanag na at pasikat na din si haring araw, ng biglang magsalita si Rhemz habang nakatingin sa dagat.

"Ipapakilala ko na siya sayo Mariam, yung sinasabi ko sayong babaeng mahal ko at ang babaeng hinintay ko ng matagal." Seryoso niyang sabi habang nakatingin sa dagat. At nagulat ako kasi bigla siyang tumingin sakin habang nakatingin at nakikinig ako sa sinasabi niya.

"Nasaan na siya Rhemz? Parang wala namang tao dito tayo lang." Palingon lingon kong sabi kay Rhemz.

"Hindi mo na siya kailangang hanapin Mariam." Nakatitig niyang sabi sakin. Hmm. Hindi ko gets. Paano niya ipapakilala sakin kung wala dun. Ang gulo ni Rhemz.

"Ha? Hmm. Hindi mo siya sakin ipapakilala ng personal? Alam ko na thru call no?" Naguguluhan kong sabi.

"Oo wait tawagan ko." Sabi niya sakin.

--

Rhemuel's Point of view

Eto na yung oras para sabihin lahat kay Mariam.

"Hindi mo na siya kailangang hanapin Mariam." Sabi ko sa kanya, halata mo sa mukha niya na naguguluhan siya sa sinabi ko.

"Ha? Hmm. Hindi mo siya sakin ipapakilala ng personal? Alam ko na thru call no?" Sunod sunod niyang tanung. Hmm nakaisip ako ng idea thanks Mariam.

Tama ganun gagawin ko tatawagan ko siya para malaman niyang siya yung tinutukoy ko.

"Oo wait tawagan ko." Sabi ko sa kanya.

Calling..
Mariam

Nagulat siya ng biglang tumunog ang phone niya.

"Rhemz? Wrong dial ka ako yung natawagan mo." Sabi niya habang pinapakita niya sakin phone niya.

"Hindi ako wrong dial." Sabi ko sa kanya na mas ikinagulo ng isip niya.

"Ha? Diba sabi mo tatawagan mo yung girl na ipapakilala mo sakin." Sabi niya na halatang naguguluhan na.

"Oo nga." Maikli kong sabi.

"Bakit ako yung tinawagan mo?" Naguguluhan na niyang sagot.

"Kasi gusto kong makilala mo yung babaeng hinintay at hinihintay ko." Sabi ko sa kanya.

"Hindi ko magets Rhemz." Sabi niya.

Huminga muna ko ng malalim bago ko magumpisa magsalita.

"Hmm. Ikaw yung tinutukoy ko." Nakatingin kong sabi sa naguguluhang si Mariam.

"Ako?" Tanung niya.

"Oo ikaw, ikaw yung tinutukoy kong babaeng mahal ko at hinintay ko ng matagal." Sabi ko sa kanya.

"Paanong ako Rhemz? Hindi ko magets sinasabi mo?" Sabi niya.

"Ganito kasi yan, 5years ago diba nagkausap na tayo?" Sabi ko sa kanya.

"Oo" Sagot niya.

"Dun pa lang alam ko na, na may gusto na ko sayo. At alam mo ba hindi nawala yun, hindi nabago yun hanggang ngayon, mas lumalim pa nga nararamdaman ko para sayo. Kaya nga nung tinext kita at nagreply ka, tuwang tuwa talaga ko at nung nalaman ko na pinayagan ka ngang pumunta dito? Sobrang saya ko as in. Eto pa alam ni Mona, ng boys at ni Boss Xiao na gusto kita." Sabi ko sa kanya.

"Si-si Mona alam niya?" Nagtataka niyang tanung.

"Oo kahapon niya lang nalaman nung dumating kayo sinabi na pala sa kanya yun ni Richard, tapos kinausap niya ko kahapon para iconfirm kung totoo. Kaya sinabi ko sa kanya lahat kahapon." Sabi ko.

"Ah-eh ahm. Hindi ko alam sasabihin ko." Nauutal niyang sabi.

"Okay lang Mariam basta nasabi ko sayo yung nararamdaman ko." Sabi ko naman.

Si Mona at Richard nakatago pinapanood kami ni Mariam. Ang galing ng dalawang yun.

"Sa dami ng babaeng nakilala mo, bakit ako?" Tanung niya.

"Hmm bakit? Kailangan ba bawat babaeng makilala ko ay mahalin ko? Sa loob ng 5years hanggang ngayon ikaw lang ang gusto ne'to" Sabi ko, tinuro ko yung kung nasaan yung puso ko.

"Hindi naman, pero ba-bakit ako?" Tanung niya.

"Walang kailangan maging dahilan kung bakit kita gusto, simple lang yan, MAHAL KITA KASI MAHAL KITA! Ganung lang kasimple" Sabi ko sa kanya.

"Nakakagulat yung sinasabi mo Rhemz." Sabi niya.

"May isa lang akong gustong ipaalam sayo, hmm hindi ako magtatanung okay? IPAPAALAM KO LANG SAYO!" Sabi ko.

"Na ano?" Tanung niya.

"Hmm, simula ngayon liligawan na kita. Oops! Hindi tanung yun. Kaya hindi mo kailangan sagutin." Sabi ko sa kanya sabay kindat.

Sa wakas nasabi ko na din yung nararamdaman ko, eto na yung simula, gagawin ko lahat, makamit ko lang ang matamis niyang OO.

Ano kinilig ba kayo? Ako din kinilig guys, sa wakas alam na niya na siya yung tinutukoy kong matagal ko ng mahal. 😊💙

--
🤭🤭💙💙

Beyond The Distance Where stories live. Discover now