Mariam's Point of view
📍 Taguig City
Hello readers. Gusto niyo malaman ginagawa ko? Hmm. Eto nakadapa sa kama at nabukas ang latop dahil nanonood ako ng youtube, syempre gabi na tapos na kaming magdinner. Basta tamad na tamad talaga ko ngayong araw wala ko sa mood maggagalaw ngayon :).
Habang nakadapa ako, biglang tumunog phone ko may nagmessage, sino kaya yun nagmessage sakin ng ganitong oras. Tignignan ko phone ko para makita kung sino yun, medyo nabigla ko pagkakita ko kung sino nagmessage. Si Rhemuel pala, pero bakit? Huli naming usap 5years ago pa. 🤔
From: Rhemuel
Hello. Goodevening Mariam! It's me Rhemz. 🙂Pagkabasa ko ng message niya medyo nangiti ako, hmm reply-an ko nga. :)
To: Rhemuel
Goodevening. Ikaw pala Rhemz! 🙂Message sent.
Habang hindi pa siya nagrereply bumamaba muna ko para manguha ng tubig, bigla kong nauhaw.🤣 Pag akyat ko hindi ako nagkamali, nagreply agad siya.
From : Rhemuel
Natatandaan mo pa pala ako. Akala ko hindi na. By the way kamusta ka na Mariam? 🙂Oo naman natatandaan kita Rhemuel, ganito din dati 5years ago ikaw unang nagmessage sakin kaibahan lang kuya natawag ko sayo.
To: Rhemuel
Oo naman. 🙂
Eto okay naman ako. Ikaw kamusta?Message sent.
Iinum pa lang sana ko ng biglang tumunog ang phone ko, syempre nagreply na siya. Ang bilis magreply di pa ko nakakainum 😂
From: Rhemuel
Okay lang din, nandito na ko ngayon sa China. 🙂China? Ano ginagawa niya sa China? Hmm. Isa lang paraan para malaman. Syempre itatanung ko sa kanya. 😅
Magrereply pa lang sana ko sa message niya pero biglang nagring phone ko, tumatawag siya.
Incoming call..
RhemuelInayos ko muna sarili ko umupo ako sa kama bago sinagot tawag niya.
"He-hello Mariam. Goodevening, pasensiya na kung napatawag ako. Nakakaistorbo na ko baka may ginagawa ka." Sabi ni Rhemz sa kabilang linya. Halata sa boses niyang kinakabahan. :)
"Hello Rhemz! Okay lang wala kong ginagawa, napatawag ka?" Tanung ko sa kanya.
"Wala naman, gusto lang kita kamustahin thru call" Sagot niya.
"Nga pala sabi mo nasa China ka? Dyan ka na nakatira?" Tanung ko sa kanya. Curious ako bakit ba. 🤣
"Oo dito na ko, may business kasi ako dito. May dance studio ko dito. Fashion Style Dance (FSD)" Sagot niya.
Kaya pala nasa China siya. Pero bakit sa China.
--
Rhemuel's Point of view
"Nga pala sabi mo nasa China ka? Dyan ka na nakatira?" Tanung niya sakin.
Kahit simpleng tanung lang yun, malaking bagay na sakin. Alam ko habang kausap ko siya nakangiti ako.
"Oo dito na ko, may business kasi ako dito. May dance studio ko dito. Fashion Style Dance (FSD)" Sagot ko sa tanung niya.
Habang kausap ko si Mariam sa kabilang linya yung boys sa tabi ko daig pa babae kung kiligin lalo na si Richard.
Pero grabe ang sarap sa feeling narinig ko ulit boses niya. Nagusap lang kami, hindi na namin namalayan na 1am na pala.
"1am na pala hindi ka pa inaantok?" Tanung niya sakin.
"Oo nga nalibang tayo sa paguusap. Medyo inaantok na. Ikaw ba inaantok kana? Tanung ko sa kanya.
"Inaantok na, tulog na ko Rhemz. Matulog ka na din. Goodnight!" Sabi niya sakin.
"Goodnight din Mariam, next time ulit!" Sabi ko sa kanya habang nakangiti ako.
End call..
Hindi pa din ako makapaniwala na nakausap ko siya ngayong gabi. Sarap sa feeling sarap sa tenga ng boses niya. Napaka saya ko, eto na siguro talaga yung simula ng story naming dalawa ni Mariam.
Lumabas ako ng kwarto at nagulat ako nandun ang FSD Boys nakatingin sila sakin na para bang gusto nilang kwentuhan ko sila ng pinagusapan namin ni Mariam.
"Nandito pa pala kayo, anong tingin yan boys?" Sabi ko habang nakuha ng inumin sa ref.
"Balita kuya?" Sabi ni Dooj
"Mukhang masaya ka ngayon Rhemz." Nakangising sabi ni Jun.
"Anong meron ganito naman talaga ko." Sabi ko sa kanila.
"Iba kasi aura mo ngayon kuya, happy na happy ka." Sabi ni Richard.
"Malamang, alam niyo na yun. Matagal ko ng gustong mangyari yun ang makausap si Mariam, sayang lang hindi personal paguusap namin pero sobrang saya ko pa din kasi nagkaroon ako ng pagkakataon makausap siya." Sabi ko sa boys habang nakangiti pa din.
"Alam naman namin yun kuya na matagal mo ng hinintay 'tong araw na 'to. Masaya kami para sayo kuya." Sabi ni Chard.
"Naman. Thank you boys. Magsipunta na kayo sa condo niyo at matulog na, matutulog na din ako, oy Chard matulog ka na din." Sabi ko sabay pasok sa kwarto.
"Goodnight!" Sigaw ng boys bago lumabas.
Natouch ako sa sinabi ng boys, simula nung una kasi alam na nilang gusto ko si Mariam. Hindi nawala yun. Kaya ganun na lang yung suporta nila para sakin. :)
Dali dali kong binuksan laptop ko at tinignan yung isang folder na nakasave dun, gusto niyo malaman kung anong laman? Hmm. Syempre puro picture ni Mariam. :)
Sasabihin ko kung bakit nagustuhan ko si Mariam. Nagustuhan ko siya hindi dahil maganda siya, given na yun. Nagustuhan ko siya dahil mabait siya, matulungan,nakikita ko sa kanya napaka buti niyang kaibigan, anak at ate. May takot kay God. Family oriented siya.
Aaminin ko marami ng dumaan na babae sa buhay ko pero iba kasi si Mariam, sa dami ng babae dyan, hindi siya nawala sa puso ko kahit minsan. Alam ng boys yan palagi ko sa kanilang sinasabi yan especially to Richard and Boss Xiao.
--
Magkikita din tayo sa tamang panahon Mariam. 🥰

YOU ARE READING
Beyond The Distance
FanfictionDistance is not for the fearful, it is for the bold. It's for those who are willing to spend a lot of time alone in exchange for a little time with the one they love. It's for those knowing a good thing when they see it, even if they don't see it ne...