Rhemuel's Point of view
Kinabukasan nagising ako bigla, parang totoo yun napanaginipan ko.
"Sana totoo na lang yung panaginip ko" sigaw ko.
Biglang pumasok si Richard sa kwarto ko at nagkataka kung bakit ako sumigaw.
"Koys? Ano nangyari sayo bakit bigla bigla ka na lang nasigaw." Pagaalalang tanung ni Richard.
"Kasi may napanaginipan ako kagabi"
"Ano naman napanaginipan mo kuya?" Tanung ni Richard.
"Na nagkausap daw kami ni Mariam." Sabay yumuko ako na para bang nalukungkot.
"Koys baka ngayon ka nananaginip ang kaibahan lang gising ka pero nananaginip ka pa din" Sabi ni Richard sakin habang natawa.
"Ano ba pinagsasasabi mo jan Chard" Sabi ko sabay sinimangutan ko si Richard.
"Koys, totoo yun kausap mo nga kagabi si Ivana okay, ano ba nangyayari sayo nawala ka na yata sa sarili mo." Sabi niya sabay tinaasan niya ko ng kilay.
"I-ibig sabihin totoo pala yun? Nakausap ko si Mariam kagabi? Hindi pala panaginip yun?" Nangingiti kong sabi kay Richard.
"Oo nga kuya paulit ulit ka. Ingay mo inaantok pa yung tao, akala ko kung ano ng nangyari sayo." Sabay kamot ni Richard sa ulo.
"Sorry na, akala ko kasi panaginip lang, totoo pala nakausap ko nga pala talaga si Mariam kagabi. :)" Nakangiti kong sabi kay Richard.
"Balik na nga ko sa pagtulog, wag ka na maingay kuya." Sabay labas ng kwarto ko si Richard.
"Eto naman masaya lang ako, sige na matulog ka na ulit mamaya na lang." Pasigaw kong sabi kay Richard.
Sorry guys! Kasalanan ko naman kasi lakas ng sigaw ko yan tuloy nagising si Richard, pero okay lang din naman kasi nalaman ko na hindi panaginip yun. 😊
Anong oras na ba?⏰ 10:00am
Gising na kaya si Mariam ng ganitong oras? Hindi ko kaya siya maiistorbo kapag nagmessage ako sa kanya? 🤔
Sige na nga great ko lang naman ng Goodmorning. 😊To: Mariam
Goodmorning Mariam! Have a great and wonderful day. 🙂
Message sent
"Okay lang kahit hindi magreply, atleast nagreat ko siya. :)" Sabi ko syempre sa sarili ko wala naman akong kausap kung hindi sarili ko lang 🤣
Tatayo na sana ko para lumabas at tignan si Tala pero biglang tumunog phone ko. Hindi ako excited kasi alam ko hindi yun si Mariam.
Pero pag tingin ko sa phone ko nanlaki bigla mata ko 😲 Muntik ko ng mabitawan phone ko nung nakita ko kung sino nagmessage. Kinilig ako bigla. 😊
Alam niyo na kung sino yun syempre kinilig ako. 😅From: Mariam
Goodmorning din Rhemz! Kagigising mo lang? 🙂
Hala, ano ba 'tong pakiramdam ko feeling ko namumula na mukha ko sa sobrang kilig, kahit ganito lang message niya.
To: Mariam
Oo kakagising ko lang. Ikaw, kakagising mo lang din? 🙂
Message sent.
Hinintay ko lang reply niya sa message ko. Di nagtagal tumunog na naman phone ko. Syempre alam ko na siya na yung nagmessage. Pag tingin ko hindi ako nagkamali, siya nga.
From: Rhemuel
Kanina pa mga 8am Rhemz, nakapag breakfast na nga din ako 🙂
Kompleto na araw ko.. hmm tawag ko nga siya. Gusto ko lang marinig boses niya.
--
Mariam's Point of view
Gusto ko sana lumabas ng bahay pero tinatamad ako. 🤣 hmm. Wag na nga lang dito na lang ako sa bahay mag mo-movie marathon na lang ako sa kwarto ko.
Nagulat ako biglang nagring phone ko. Hindi naman na ko magulat kung sino yung natawag. 🙂
Incoming call..
RhemuelSyempre sasagutin ko na... yung tawag niya. 😅
"Hello" Bungad ko.
"H-hello Mariam, may ginagawa ka? Nakaistorbo ba yung call ko?" Sabi niya.
"Hindi naman, wala nga akong magawa nakakatamad naman lumabas." Sagot ko.
"Ganun ba, sayang. Kung malapit ka lang sana dito, isasama kita sa studio"
"Hmm.. oo nga no kaso nasa Philippines ako nasa China ka at yung studio mo 😅."
"Oo nga.. sayang. Hayaan mo kapag naligaw ka dito sa China sama kita sa studio namin 🙂."
"Sige ba. Gusto ko yan." Sagot ko kay Rhemz.
"P-pwede magtanung Mariam?" Nauutal niyang tanung.
"Sige. Ano ba yun?" Sabi ko naman.
"Bakit nireply-an mo message ko kagabi?" Tanung niya.
"Hmm. Bakit ayaw mo?. Joke lng, syempre no. Nagmessage ka na din sakin dati diba 5years ago. Remember?" Sagot ko sa tanung niya. 🙂
"Natatandaan mo pa pala yun? Tagal na nun 5years ago na" Sabi niya.
"Oo naman nandito pa nga sakin yung convo natin. 🙂" Sabi ko.
"Talaga? Nakakahiya tuloy. Kagabi kasi tinry ko lang kung magrereply ka sa message ko, hindi ko akalain na sasagutuin mo measage ko kagabi 🙂." Sabi niya sakin mukhang masaya tono ng boses niya.
"Syempre naman. Friends tayo diba. 🙂" Sabi ko sa kanya.
"Ouch! Hmm. Pero kung sa bagay jan naman talaga nagsisimula lahat 🙂"
"Hahaha. Anong ouch ka jan 🙂" Natatawa kong sabi sa kanya.
"Wala yun, by the way pag may pagkakataon ipapakilala kita sa mga FSD Boys" Sabi ni Rhemuel.
"FSD Boys?" Pagtataka kong tanung.
"Mga friends ko dito. Mababait yun. 🙂" Sagot niya.
"Akala ko kung sino, hmm sige sige 🙂" Sabi ko.
"Mariam? Ayoko pa sana ibaba kaya lang may gagawin lang ako tawag na lang ulit ako mamaya. 🙂"
"Okay sige sige Rhemz." Sabi ko.
End call..
Hindi ko alam dahilan kung bakit nakita ko na lang sarili ko sa salamin na nakangiti. Hmm. Parang may iba. Hindi naman ako ganito, hmm hindi Mariam wag mo sabihin? Ay hindi. Oo kilala ko na siya 5years ago pero ngayon na lang ulit kami nagusap. Baka masaya lang talaga siya kausap. Oo ganun yun. Saka mabait siya. Guys wag niyong bigyan ng ibang meaning yung pagngiti ko. Natuwa lang talaga ko dun sa tao ang bait niya saka sarap niya kausap. 😊
--
'Love will always find a way' ❤

YOU ARE READING
Beyond The Distance
FanfictionDistance is not for the fearful, it is for the bold. It's for those who are willing to spend a lot of time alone in exchange for a little time with the one they love. It's for those knowing a good thing when they see it, even if they don't see it ne...