Chapter 10

446 25 2
                                    

Rhemuel's Point of view

Hindi ako makapaniwala na nakita ko na siya at kasama ngayon, tapos katabi ko pa siya sa harap. Galing talaga ni Richard. Hindi ko siya matitigan ng matagal dahil nagddrive ako. 😊

"Nandito na tayo." Pagbabasag ko ng katahimikan.

"Eto na yun? Ang ganda dito." Manghang sabi ni Mariam.

"Baba na tayo, para maipasok na mga gamit niyo sa loob." Sabi ko habang nababa.

Kinuha na namin ni Richard mga gamit nila sa sasakyan para dalhin sa apartment.

"Tara na." Sabi ko.

Habang naglalakad kami yung dalawa si Richard at Mona magkasundong magkasundo na, nakakatuwa silang pagmasdan.

"Oo nga pala tatawagan ko nga pala si mom. Nakalimutan ko. 🤦‍♀️" Sabi ni Mariam.

"Nandito na tayo, pasok kayo. Hmm, Tawagan niyo muna mom niya baka nagaalala na yun." Sabi ko kay Mariam.

"Sige wait lang huh, tawagan ko muna bago tayo pumunta sa studio niyo, saglit lang to." Sabi ni Mariam.

Umupo muna kami habang hinihintay si Mariam at Mona. Hindi ko maitago yung saya na nararamdaman ko kaya panay tingin sakin ni Richard. 

--

Mariam's Point of view

Nakalimutan kong tawagan si mama kanina. Tawagan ko na.

Calling..
Mom

"Hello." Sabi ni mom sa kabilang linya.

"Hello mom. nandito na po kami sa China." Sabi ko.

"Mabuti naman kung ganun, makakatulog na kami ni Hash, tumawag na kayo. Si Mona?"

"Nandito mom." Sabi ko.

"Hello mom. Loveyou and Goodnight." Sabi ni Mona kay mom.

"Sige na matutulog na kami ng kuya niyo. Goodnight mga anak. Magenjoy kayo jan." Sabi ni mom sabay baba na ng phone.

Pumunta na kami sa sala kung nasaan sila Rhemz.

"Done na. Saan tayo pupunta?" Nakangiti kong sabi.

"Hindi ba kayo napapagod. Baka gusto niyo na muna magpahinga." Sabi ni Rhemz.

"Hindi pa naman, nakapagpahinga naman kami kanina sa biyahe." Nakangiti kong sabi.

"Okay tara na." Excited na sabi ni Richard.

"Okay sige tara na. Pumunta na tayong studio." Sabi ni Rhemz.

Bakit ganun, kapag si Rhemz na kausap ko yung puso ko timitibok ng mabilis. Hala? Hmm, ano ba Mariam kung ano anong pinagiiisip mo.

--

Rhemuel's Point of view

📍FSD Studio

Nandito na kami sa studio, tamang tama kompleto ang boys, ipapakilala ko sila Mariam.

"Pasok na tayo." Sabi ko. Habang binubuksan yung pinto.

"Wow ang ganda dito sa studio niyo kuya." Namamanghang sabi ni Mona.

"Thank you Mona." Nakangiti kong sabi.

"Mona tara ilibot kita dito sa loob ng studio." Aya ni Richard kay Mona.

Agad naman sumama si Mona sa kanya. Close na talaga silang dalawa.

"Koys." Bungad ni Doojie kasama sila Jun.

Beyond The Distance Where stories live. Discover now