Chapter 17

362 14 0
                                    

I'm back. 🤗

***

Mariam's Point of view

Hindi pa din ako makapaniwala na ako yung tinutukoy ni Rhemuel. Ang tagal ng 5years. Hmm. Yung puso ko gusto ng humiwalay sa katawang lupa ko. Dahil ba sa gulat? Or dahil sa kilig?

Akalain niyo yun may nagmamahal pala sakin ng palihim matagal na. Deserve ko ba mahalin ng ganun? Deserve ko ba sumaya? Deserve ko ba si Rhemuel?

Alam ko mabilis pero gusto ko na ba siya? Hmm. Hindi naman importante kung gaano katagal or gaano kabilis, ang mahalaga naman yung nararamdaman mo. Iba na kasi nararamdaman ko sa kanya. Mahal ko na ba siya?

Hmm. Nageemote ako tapos may biglang tumawag. Si Casey lang pala. Si Casey nagiisang bestfriend ko.

Incoming call...
Bestfriend 👭

"Hello?" Sagot ko.



"Hello best kamusta ka na dyan? Nasa China ka pala ngayon, nagpunta ko sa inyo kanina sabi ni tita nandyan nga daw kayo ni Mona." Sabi niya.

Oo nga pala nakalimutan kong sabihin kay Casey na magbabaksyon kami dito sa China. 🤦🏻‍♀️

"Oo nga pala best nakalimutam kong banggitin sayo. Sorry excited lang magbakasyon ulit." Sagot ko.

"Okay lang best, alam mo kasi kaya biglaan din pagpunta ko yung inaanak mo kasi hinahanap ka, punta daw kay nangnang. Umiiyak kaya sabi ko sige bisitahin natin si nangnang. Kaso wala nga daw kayo ni Mona sabi ni Tita." Paliwanag niya.


Yes tama iniisip niyo may asawa't anak po si Casey. Matanda siya sakin ng 3years. 23 siya nagasawa.

"Ang sweet naman ni baby Cedie hinahanap si nangnang, paguwi namin ako bibisita sa inyo." Sagot ko.

"Sige ba hindi ko nga alam kung paano ko papatahanin kanina, yun inaliw lang kanina ni tita Fatima kaya tumahan na." Sabi niya.

"Namimiss ko na din yan si Cedie. May pasalubong ako sa inaanak ko." Sabi ko naman.


"Sige. Pero bakit nga pala biglaan yung pagbabakasyon niyo ni Mona?" Tanung niya.


"May naginvite kasi samin dito, tapos sabi ko bakit hindi diba nakakamiss na din magbakasyon. Tapos eto sinama ko si Mona."


"Sino naman naginvite sa inyo? Hmm. Umamin ka nga Mariam may nanliligaw na ba sayo?."


"Friends best. Huh? Hmm. Bakit mo natanung?."



"Ramdam ko saka iba tono ng boses mo, masayang masaya. Umamin ka."

Wala talaga kong maitatago dito sa bestfriend ko.


"Hmm. Oo na nga sige aamin na ko."



"Talaga? Ano pa hinihintay mo, magkwento ka na.😊"



"Ganito kasi yun, diba kilala mo si Rhemuel?"


"Oo pero wala na tayong balita sa kanya diba huling kita natin sa kanya 5years ago pa. Ano meron sa kanya? Wa-wait wag mong sabihin na.."


"Yes best siya nga.🤭"


"Really? Pero paano nangyari?"



"Bigla siyang nagmssage sakin then, nireply-an ko tapos yun araw araw na kami nagkakausap, hanggang sa sabi ng isa niyang friend na baka daw gusto namin magbakasyon dito, sabi ko naman why not. Kaya nagpaalam ako agad kay mom."


Beyond The Distance Where stories live. Discover now