Mariam's Point of view
Nakabalik na kami ni Rhemz dito sa apartment. Pag dating namin kagigising lang ni Richard and Mona.
"Goodmorning." Nakangiti kong bati sa kanilang dalawa.
"Goodmorning ate." Bagong gising na bati ni Mona.
"Goodmorning cyst." Ganun din si Richard.
"Antok pa?" Nalangiti kong tanung.
"Mejo cyst. Oo nga pala saan ka galing?" Tanung ni Richard.
"Naglakad lakad nanood ng sunrise." Sagot ko.
"Sino kasama mo ate?" Tanung ni Mona.
"Actually dapat ako lang, pero maaga din nagising si Rhemz, kaya yun sabi ko gusto ko manood ng sunrise tapos sinamahan niya ko." Sagot ko.
Nagulat yung dalawa at nagtinginan, unti unting ngumingiti. Hmm. Problema ne'tong dalawa na 'to.
"Ganun ba." Nangingiti nilang sabi. At sabay pa talaga sila.
"Ano oras kayo mamamasyal?" Tanung ko.
"Hmm. Maya maya ate. Pahinga muna tapos ligo." Sabi ni Mona.
"Sama ka cyst?" Tanung ni Richard.
"Hindi na muna ayusin ko muna mga gamit namin ni Mona." Sagot ko.
"Sige cyst." Sabi ni Chard.
"Ligo muna ko ate at kuya." Sabi ni Mona.
"Sige Mona, after mo ako naman." Sabi naman ni Richard.
--
Richard's Point of view
Iniwan muna namin si Ivana sa apartment at ipapasyal ko muna si Mona. Tuwang tuwa ang bata habang nakasakay sa hoverboard. 🙂
"Kuya, ang saya." Masayang sabi ni Mona habang nakasakay sa hoverboard.
"Dahan dahan Mona." Nakangiti kong sabi.
Nakakatuwa lang panoorin si Mona. 😊
"Kuya?" Sigaw ni Mona habang papalapit sakin.
"Bakit Mona, may problema ba?" Nagaalala kong tanung.
"May tanung pala ko sayo." Tumabi siya sakin.
"Sige, tungkol saan ba?" Habang nakatingin ako sa kanya.
"Tungkol sa nararamdaman ni kuya Rhemz kay ate." Itinabi niya muna yung hoverboard.
"Sige ano yun?" Sabi ko sa kanya.
"Paano naging mahal ni kuya si ate diba ngayon lang naman sila nagkita?" Tanung niya sakin.
"Ganito kasi yan, 5years ago nagkasama na sila saglit lang yun, simula nun si ate mo hindi na mawala sa isip ni kuya." Pagpapaliwanag ko kay Mona.
"Ang tagal na pala 5years ago pa kuya?" Tanung niya ulit sakin.
"Yes pero kasi siguro 'di pa yun yung time para magtagpo sila, pero hindi ibig sabihin nawala din yung pagkagusto ni kuya sa ate mo, Mona. Alam mo ba ang tagal niyang hinintay 'tong pagkakataon na 'to. Kasi naniniwala siya na si ate mo na para sa kanya. At mahal niya ate mo, tuwang tuwa at excited siya nung nalaman niya na pinayagan kayo ng mom niyo magbakasyon dito." Seryoso kong sabi kay Mona. Para din maintindihan niya na mganda intensyon ni kuya sa ate niya.
Nakikinig lang sakin si Mona.
"Alam mo Mona, si ate mo lang laman ng puso niya simula noon. Hindi nawala yung pagmamahal hanggang ngayon, bawat araw mas lalong lumalalim yun. Masaya si kuya kapag nakikita niya si ate mo kahit sa picture lang." Dagdag ko.
YOU ARE READING
Beyond The Distance
FanfictionDistance is not for the fearful, it is for the bold. It's for those who are willing to spend a lot of time alone in exchange for a little time with the one they love. It's for those knowing a good thing when they see it, even if they don't see it ne...