Richard's Point of view
Saktong pagkalabas ko ng kwarto ko, siya ding paglabas ng kwento ni koys Rhemz. At yung loko nakangiti halatang kinikilig, anong nangyayari sa kanya, kanina nagsisisigaw akala niya daw panaginip yung paguusap nila ni Ivana. Pero guys kinikilig ako masaya ko para kay koys matagal niya kasi hinintay tong araw na 'to. Matagal na niyang gusto si Ivana. Kaya siguro hindi nagwowork mga dati niyang relationship kasi sila talaga ni Ivana nakatadhana. 🤭
Inlove si koys. Kahit itago niya pa samin malalaman at malalaman namin yan. Biglang napatingin sakin si kuya.
"Gising ka na pala chard!" Sabi niya habang nangingiti pa din.
Sabi ko sa inyo di niya kayang itago yang mga ganyan niya. 🤭😊
"Oo kuya di na ko nakatulog sa sigaw mo kanina 😑" Sabi ko na kunwari walang gana.
"Eto naman okay lang yun, atleast diba nasabi mo sakin na hindi panaginip yun." Sabi niya sakin habang kumukuha ng tubig.
"Nagreet mo na ba ng goodmorning koys?" Pachismoso kong tanung. 🤣
"Haha, galit galitan ka jan makikibalita ka din naman pala." Natatawa niyang sabi.
"Joke lang yun eto si koys di mabiro, bilis na sabihin mo na" Sabi ko na parang nagmamakaawa yung boses.
"Sige na nga, oo binati ko na siya ng goodmorning, tinawagan ko pa" Sabi niya na para bang kinikilig.
"Ay sus! May pagtawag. Ano ka boyfriend ha koys 🤣" Sabi ko sa kanya na parang nangaasar.
"Hmm. Gusto ko kasi marinig boses niya. Hindi boyfriend Chard, HUSBAND. FUTURE HUSBAND!" Sabi niya ng malakas 🤣
"Husband agad koys, boyfriend muna oy!" Natatawa kong sabi.
Paano ba naman hindi pa sila nagkikita or nagkakausap ng matagal Future husband na daw. Hahaha.
"Hmm dun na din papunta yun Chard. 😊" Habang kinikilig.
"Oo na sige na panalo ka na kuya Rhemz! Dito na muna ko maglalakad lakad, nakakatamad kung dito lang maghapon sa bahay. See you later koys!" Sabay alis.
"Ge ingat Chard." Sabi niya habang focus sa phone niya. 😅 hay nako kuya halata ka talaga.
--
Rhemuel's Point of view
Siguro maghapon ko lang tititigan phone ko, hintayin ko kung magmemessage siya or tatawag. Pero pag hindi ako nakatiis ako na magmemessage or tatawag sa kanya. 😊
Simula nung nagstart kami magusap, iba na pakiramdam ko, ang saya saya hindi ko mapaliwanag yung saya pero basta sobrang saya ko. Ganyan yata talaga kapag special sayo yung taong kausap mo.
Gusto ko na siya makita, parang gusto ko tuloy umuwi ng Pilipinas para makita siya. Hmm. Umuwi kaya ako. Tama papaalam ako kila Boss Xiao na uuwi muna ko ng Pilipinas. Pero anong sasabihin kong dahilan? Maya tanung ko kay Chard kung anong pedeng gawin. 😊
"Kuya Rhemz" Biglang sulpot ni RJ
Hindi lang pala si RJ pati na rin si Jhuvain at Winston.
"Mukhang malalim iniisip mo, hindi mo kami napansin na pumasok Rhemz" Sabi sakin ni Jun at biglang umupo sa sofa katabi ko.
"Hmm. Payagan kaya ako umuwi ng Pinas?" Sabi ko sa kanila na parang nagaalangan.
"Bakit biglang gusto mong umuwi koys?" Tanung ni Winston.
"Namimiss ko na sila mama Annie" Pagaalangan kong sagot.
"Sila mama Annie lang ba talaga namimiss mo? Or may gusto kang makita na nasa Pinas? 🤣" Pangaasar na sabi ni Jun.
Hay nakoo. Wala talaga kong maitatago sa mga mokong na 'to. 🤭
"Hmm oo na, hindi man lang ako makapagtago ng nararamdaman sa inyo ay! 😊" Nangingiti kong sabi.
"Haha sabi na, samin ka pag magtatago, alam na alam namin yang mga galawan mo koys." Asar ni Winston.
"Haha oo na nga, syempre gusto ko makita si Ivana. Gusto ko pa siyang makilala lalo." Sabi ko habang nakikinig sila.
"Tapos koys?" Tanung ni RJ.
"Tapos sasabihin ko na sa kanya lahat ng nararamdaman ko. Tapos after nun liligawan ko na siya" Sagot ko.
"And then?" Tanung ni Jun naman.
Hindi titigil mga 'to hangga't hindi nila naririnig yung gusto nilang sagot. 🤣
"And then, hindi ko na siya papakawalan pa." Sagot ko.
"Yun oh! Lodi ka talaga MR. Rhemuel Lunio." Pangaasar ni Jun.
Alam naman nila na si Ivana na talaga gusto kong makasama habang buhay. 😊
"Syempre kapag mahal mo hindi mo na yan papakawalan pa, tapos yung relationship niyo pang habang buhay na" Sabi ko.
"Yun sana kaya idol ka namin koys, nandito lang kami palagi para sayo. Kung saan ka sasaya dun ka, alam namin maliban sa family at samin, kasiyahan mo din si Ivana matagal na." Seryosong sabi ni Jun.
"Salamat mga bro." Nangingiti kong sabi kila RJ, Winston at Jun.
Alam nilang lahat may feeling na ko kay Ivana noon pa lang, hindi nawala yun hanggang ngayon, ang kinaibahan lang mas lalong lumalim nararamdaman ko sa kanya. Sigurado na ko sa pagkakataon na 'to na siya talaga yung babaeng gusto kong makasama habang buhay.
Matagal kong hinintay tong pagkakataon na'to, hinding hindi ko sasayangin tong pagkakataon na binigay mo sakin ☝🏻.
Aalagaan, mamahalin, papasayahin, liligawan ko siya araw araw. Palagi kong ipaparamdaman sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Hindi ako magsasawang sabihin sa kanya na mahal na mahal ko siya, na siya lang yung babaeng minahal ko ng ganito.
Handa kong maghintay sa kanya, hanggang sa maging ready na siya. Eto na yung araw na pinakahihintay ko. Wala ng atrasan, walang sukuan. Siya lang yung babaeng pangarap ko makasama habang buhay.
Malapit na mangyari yan mga readers! Hintay hintay lang 😊. Naniniwala talaga ko na si Ivana at ako ang nakatadhana. Hmm ramdam ko yan dati pa kaya nga hinintay ko tong pagkakataon na to. ❤
--
L O V E 💙
YOU ARE READING
Beyond The Distance
FanfictionDistance is not for the fearful, it is for the bold. It's for those who are willing to spend a lot of time alone in exchange for a little time with the one they love. It's for those knowing a good thing when they see it, even if they don't see it ne...