Mariam's Point of view
Omg! Bakit ganito yung nararamdaman ko? Tama ba yung narinig ko? Ako yung tinutukoy niya. Hmm. Bakit ganito na lang kabilis yung tibok ng puso ko, normal pa ba 'tong ganitong pakiramdam pag may nagtapat sayo na gusto ka niya?
Bakit parang may nararamdaman akong saya sa puso ko na hindi ko maipaliwanag? Kilig na ba tawag dun?
"Liligawan mo ko?" Gulat kong tanung sa kanya.
"Oo naman, kahit ayaw mo liligawan pa din kita." Nakangiti siya habang sinasabi yan sakin.
"Sure ka?" Tanung ko ulit.
"Oo naman kung sa tingin mo mabilis, hmm akala mo lang yun kasi 5years ko 'tong hinintay. Ngayong nandito na hindi ko na sasayangin yung pagkakataon." Nakatingin niya sakin sabi.
Yung puso ko bakit ganito, ang bilis ng tibok.
"Ah-eh, sige ikaw bahala." Yun na lang nasabi ko.
"Hehe. Ako talaga bahala. Liligawan kita, hihintayin ko magiging sagot mo kahit gaano pa yan katagal." Nakangiti siya habang sinasabi niya sakin yan.
Hindi ko alam sasabihin ko, gusto ko lang siya pakinggan sa mga sasabihin niya.
"Sorry Mariam ha." Tumayo siya at naglakad lakad.
"Sorry saan?" Sumunod ako sa kanya.
"Mukhang nagulat kita. Naiilang ka na ba ngayon?" Tanung niya sakin habang naglalakad lakad kami.
"Hmm. Aaminin ko nagulat ako pero hindi mo naman kailangan magsorry. Sinabi mo lang yung nararamdaman mo." Sabi ko sa kanya.
"Masaya ko kasi kasama kita ngayon Mariam." Magkaharap lang kaming nakatayo, habang nakatingin sa isa't isa.
"Hmm. Ako din masaya." Yun na lang ang nasabi ko.
"Thank you Mariam, hinayaan mong gawin ko 'to. Mamahalin kita kahit hindi mo ko mahalin. Okay na sakin na nasabi ko sayo na mahal kita." Nakatingin siya sakin habang nagsasalita.
Nararamdaman ko yung pagka sincere niya sa lahat ng sinasabi niya sakin.
"Wala yun Rhemuel. Thank you din." Sabi ko sa kanya.
"Thank you, saan?" Nagtataka niyang tanung.
"Thank you kasi kahit paano may nagmamahal pala sakin." Sabi ko sa kanya.
"Hindi mo kailangan magthank you Mariam. Eto kasi talaga nararamdaman ko para sayo." Seryoso siya habang sinasabi niya sakin yun.
"Hayaan mong mahalin kita. Ipaparamdam ko sayo kung gaano ka kaimportante sakin. Pwede bang mayakap ka kahit saglit?" Dagdag niya pa.
"Osige! Tara dito." Nakangiti kong sabi.
Lumapit siya at dahan dahan niya kong niyakap.
"Ang tagal ko 'tong hinintay." Sabi niya habang magkayakap kami.
Ang bilis ng tibok ng puso ko. Sana hindi niya maramdaman. Iba na yata 'tong nararamdaman ko.
--
📍Studio
"Balita cyst?" Tanung sakin ni Richard.
"Hmm. Alam mo lahat Chard diba?" Tanung ko.
"Ah-eh o-oo cyst." Pagaalangan niyang sagot.
"Hmm. Sinabi na niya sakin lahat kanina." Sabi ko.
"Galit ka ba cyst?" Tanung niya.
"Hindi Chard bakit naman ako magagalit. Maiksing oras pa lang kaming nagkakasama ni Rhemuel pero nakikita at nararamdaman kong napaka bait niya." Sagot ko.
"Hindi ka nagalit nung sinabi niya na mahal ka niya?" Tanung niya.
"Hindi. Alam mo ang weird lang Chard kasi nung sinabi niya sakin yun, bumilis tibok ng puso ko." Sabi ko.
"Umamin ka nga cyst, ano ba talaga nararamdaman mo para kay koys?" Tanung niya.
"Tara labas tayo Chard baka may makarinig." Lumabas kami at namili ng maiinom at umupo sa may bench at dun nagusap.
"Ang totoo kasi niyan, nung una pa lang may saya na kong naramdaman nung naguusap kami. Tapos basta pagkausap ko siya masaya ko." Sabi ko kay Chard.
"Hala cyst, love na yan." Sabi niya.
"Sa tingin mo love na yun?" Tanung ko.
"Para sakin cyst, love na yan. Masasabi ko lang sayo pakinggan mo puso mo at wag mo ideny, magpakatotoo ka sa nararamdaman mo." Sabi niya.
"Salamat Chard ha. Wag mo muna sabihin kay Rhemuel." Sabi ko.
"Oo naman cyst tayo lang muna nakakaalam niyan."
--
Rhemuel's Point of view.
Kasama ko ngayon si Mona. Nandito kami sa studio, umalis si Richard at Mariam.
"Kuya, ano?" Bungad na tanung sakin ni Mona.
"Yun umamin na ko sa ate mo. Sinabi ko sa kanya lahat." Sagot ko.
"Ano sabi niya?" Tanung ulit ni Mona.
"Nabigla siya natural yun, pero Mona simula ngayon liligawan ko na ate mo?" Sabi ko sa kanya habang magkatabi kaming nakaupo.
"Support kita kuya. 😊" Ngiting sabi ni Mona.
"Thanks Mona. Mamahalin ko ate mo ipaparamdam ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal, kahit araw araw pa. Maramdaman niya lang na totoo lahat ng sinabi ko sa kanya." Sabi ko.
"Ramdam ko na totoo yung nararamdaman mo para kay ate, kuya kaya susuportahan kita. 😊" Nakangiting sabi sakin ni Mona.
"Masaya ko kasi nasabi ko sa kanya na mahal ko siya. Matagal kong hinintay 'tong pagkakataon na 'to." Sabi ko.
"Masaya ko para sayo kuya. Kasi finally nasabi mo na kay ate. Masaya kami nila kuya Chard. Alam mo kuya kahit maiksi pa lang yung oras na magkakasama tayo ramdam ko na mabubuti puso niyo." Sabi ni Mona.
"Thank you Mona, masaya din ako kasi nakasama ko kayo. Pagpatuloy mo yan napaka bait mong bata." Sabi ko kay Mona.
"Thanks kuya. Proud ka sakin?" Nakangiti niyang sabi.
"Oo naman proud si kuya Rhemz sayo, 16 ka pa lang pero malawak na pagiisip mo. Good yan Mona." Sabi ko.
"Thank you kuya. Thank you kasi nakilala kita at may instant mga kuya ko." Sabi niya.
"Welcome Mona. Nandito lang kami mga kuya mo." Sabi ko.
Natutuwa ko sa bata na 'to napakabait at napakalawak magisip.
"Bukas may pupuntahan tayong lahat. Im sure magugustuhan niyo dun." Nakangiti kong sabi.
"Talaga kuya? Hmm excited na ko." Nakangiti din niyang sabi.
"Mona may tanung ako?" Sabi ko.
"Sige kuya ano ba yun?" Tanung niya.
"Hindi kaya magalit mommy niyo?" Tanung ko.
"Magalit saan kuya?" Taka niyang tanung.
"Kasi diba nililigawan ko na ate mo." Sabi ko.
"Hindi naman kuya. Pero basta liligawan mo din si mommy, mabait yun im sure magkakasundo kayo kuya." Nakangiti niyang sabi.
"Talaga. Sige lahat gagawin ko, para sa ate mo, Mona." Sabi ko.
"Good kuya. Go go go." Sabi ni Mona.
"Papatunayan ko sa kanila kung gaano ko kamahal si Mariam, na handa akong gawin lahat para sa ate mo. Kahit ano pa yan, handa kong gawin. Maipakita at mapatunayan ko lang na mahal na mahal ko si Mariam." Sabi ko.
Eto na yung simula. Gagawin ko talaga lahat. Mahal na mahal na mahal ko siya. Ipaparamdam ko sa kanya yun, mahirap ipaliwanag kung gaano ko siya kamahal kaya ipaparamdam ko na lang sa kanya.
--
Excited na ko sa mga susunod na mangyayari. 🤭🤭
YOU ARE READING
Beyond The Distance
FanficDistance is not for the fearful, it is for the bold. It's for those who are willing to spend a lot of time alone in exchange for a little time with the one they love. It's for those knowing a good thing when they see it, even if they don't see it ne...