Chapter 8

428 20 3
                                    

Mariam's Point of View

Isang araw na lang flight na namin ni Mona papuntang China. Excited na ko pero mas excited si Mona kasi kahapon pa niya naayos yung mga gamit na dadalhin niya, ako ngayon pa lang. Ngayon lang ako sinipag magayos ng mga gamit na dadalhin ko. Habang nagaayos ako ng gamit biglang pumasok si Mona sa kwarto.

"Ate?" Bungad niya.

"Bakit? Ang ingay mo kamo." Sabi ko habang nagaayos pa din ng mga gamit na dadalhin ko.

"Wala naman, excited na kasi ako. Pero may tanung ako." Sabi niya habang nakatingin sakin.

"Sige ano yun?" Tanung ko habang nagaayos pa din ng gamit.

"Bakit biglaan yung pagpunta natin ng China ate?" Tanung niya habang nakangiti.

"Ka-kasi hmm gusto ko lang gumala saka gusto kita ipasyal, may problema ba dun?" Sabi ko kay Mona.

"Wala naman ate, sige baba na muna ko 🤭" Sabay labas ng kwarto ko.

Bakit nauutal ako, totoo naman yung sinagot ko. Hmm. Ang daldal ko tapusin ko nga muna ginagawa ko kanina ko pa inaayos 'to hanggang ngayon hindi pa ko tapos. Kasi naman.

• F l a s h b a c k •

Nagaayos ako ng mga gamit na dadalhin ko ng biglang tumawag si Rhemz.

Incoming call..
Rhemuel

"Hello" Bati ko.

"Hi Mariam bukas na flight niyo no, sunduin namin kayo sa airport 😊" Sabi niya.

"Sige tawagan kita bukas." Sabi ko sa kanya.

"Okay sige, para di na kayo mag taxi. Saka 6pm dating niyo dito diba?" Tanung niya.

"Yes 6pm, nako panigurado mapapagod si Mona." Sabi ko habang nagaayos pa din ng gamit.

"Dito na lang kayo tumuloy sa isang apartment katabi ng apartment namin. Nilinis na namin, para bukas pagdating niyo makapag pahinga kayo agad." Sabi niya.

"Hala dapat di ka na nagabala kakahiya na susunduin niyo na nga kami sa airport e." Sabi ko.

"Wala yun no. Wag niyo na isipin yun basta dito na kayo tumuloy sa kabilang apartment." Sabi niya.

"Salamat Rhemz. 😊" Sabi ko habang nakangiti.

"Wala yun basta ikaw. Ano ng ginagawa mo niyan?" Tanung niya.

"Eto inaayos mga gamit na dadalhin ko, ako na lang di nakakapagayos si Mona kahapon pa nakaready mga gamit na dadalhin niya. 😁" Natatawa kong sabi.

"Aba excited si Mona" Sabi niya.

"Sinabi mo pa." Sabi ko naman.

"Sige na chineck lang kita, maya na lang ulit Mariam. Tawagan kita, tapusin mo muna ginagawa mo." Sabi niya.

"Okay sige sige Rhemz. Later na lang ulit." Sabi ko sabay baba ng phone.

Endcall..

• E n d o f f l a s h b a c k •

Diba kaya hanggang ngayon di pa ko tapos tumawag kasi si Rhemz. Bait niya no. 🤭 nakakahiya naman tanggihan maghohotel na lang sana kami ni Moana pero sige na nga. Konti lang matatapos na ko magayos para mababa ko na sa sala tong maleta ko nandun na kasi sa baba yung kay Mona, ganun siya kaexcited. 🤭

Ibababa na namin lahat sa sala, para bukas wala kaming makalimutan. Hindi na sasama si mom at Hash sa airport. Kaya dapat wala talaga kami makalimutan ni Moana.

Binuhat na ni Hash yung maleta ko para dalhin sa sala.

"Naayos niyo na ba lahat? Wala kayo nakalimutan?" Tanung ni mom.

"Wala na mom ayos na lahat. Yung ibang gamit sa backpack ko na lang." Sabi ko naman.

"Ikaw Mona?" Tanung ni mom kay Mona.

"Okay na din po mom, nakaready na din backpack ko." Sagot ni Mona.

"Good, hindi na namin kayo ihahatid ni Hash bukas, pagddrive na lang kayo ni kuya (family driver)" Sabi samin ni mom.

"Opo mom." Sabay naming sagot ni Mona.

Yan ready na lahat. Makakapaglunch pa kami ni Mona dito sa bahay kasama ni mom. 02:45pm pa naman yung flight namin. 02:00pm biyahe na kami papuntang airport. Tapos saktong 06:00pm nandun na kami sa China. Bilis lang ng biyahe.😊

"Saan tayo tutuloy dun ate?" Tanung ni Mona.

"Sa Hangzhou sa apartment ng friend ko Mona, dapat hotel kaya lang nakakahiya naman kasi nagoffer sila na dun na lang daw tayo tumuloy sa isang apartment dun." Sagot ko kay Mona.

"Sige ate. 😊" Sabi ni Mona.

"Okay lang sayo di na tayo maghohotel?" Tanung ko kay Mona.

"Okay lang naman ate." Sagot niya.

Yan gusto ko kay Mona walang arte sa katawan. Kaya mahal na mahal ko yang kapatid ko na yan.

--

Rhemuel's Point of view

Nilinis namin yung isang aprtment na katabi ng apartment namin, para dito na tumuloy muna sila Mariam. Atleast dito mababantayan namin sila, saka malapit lang.

Susunduin namin sila bukas sa airport ng 06:00pm. Tamang tama wala naman akong gagawin bukas sama ko si Richard, isasama ko sana si Boss Xiao kaya lang may naka sched siyang meeting, kaya kami na lang ni Richard susundo sa dalawa.

"Nakakapagod maglinis, pero masaya at excited na ko makita si Ivana saka si Mona." Sabi ni Richard.

Oo nga pala kasama ko maglinis ng apartment si Richard, Doojie and Jhuvain, yung ibang boys nasa studio may klase sila.

"Mas excited to." Sabay turo ni Jun sakin.

"Syempre naman, alam niyo yan." Nangingiti kong sabi.

"Oo naman koys dati pa. Eto na magkikita na kayo bukas ni Ivana." Sabi ni Doojie.

"Malamang to 5pm pa lang nasa airport na. 🤣 Sino kasama mo manundo?" Sabi ni Jun.

"Ako kasama niyan ni koys sa pagsundo." Sabi ni Chard.

"Sama ko din sana si Boss Xiao kaya lang naalala ko may naka sched na meeting yun bukas." Sabi ko.

"Ilang araw sila dito?" Tanung ni Doojie.

"Hindi ko pa alam malalaman natin yan bukas sa kanila." Nangingiti kong sabi.

"Ikaw na kinikilig" Pabirong sabi ni Jun.

"Ako na talaga 😊" Sabi ko.

Nilinis na namin yung tutuluyan nila. Pag dating nila bukas papakilala ko sila sa boys, sa staff, sa students and kay Boss Xiao. Sayang gustong sumama ni Boss Xiao pero may meeting kasi siya. Excited na ko sa pagdating nila. Ilang araw kaya sila dito? 🤔 hmm bukas ko yan malalaman pag dating nila. Excited na din si Richard.

Finally makikita ko na din si Mariam. Eto na yung simula ng lahat. Excited na ba kayo readers? Hmm. Hintay hintay lang. 😊

--

Beyond The Distance Where stories live. Discover now