Chapter 14

506 22 9
                                        

Mona's Point of view

Gusto ko makausap si kuya Rhemuel, about dun sa sinasabi ni kuya Richard. May nahahalata kasi ako kay ate ne'tong mga nakaraang araw. Kahit 'di niya sakin sabihin nakikita ko sa mga kilos niya. 🤔

Base sa kwento ni kuya Richard sakin, ibang iba si kua Rhemuel sa mga dating manliligaw ni ate. Biruin niyo 5years niyang hinintay 'tong pagkakataon na 'to. Nandito kami ni kuya Richard sa may park kakatapos lang namin kumain. Hinihintay namin si kuya Rhemuel, tinawagan kasi siya ni kuya Richard. Sinabi namin na wag niya isama si ate.

"Kuya? Hindi kaya magdeny sakin si kuya Rhemz?" Tanung ko kay kuya Richard habang nakaupo kami sa bench at hinihintay si kuya Rhemz.

"Bakit mo naman yan natanung Mona?" Sabi sakin ni kuya, habang nainom ng milktea.

"Kasi syempre kapatid ko si ate diba, baka mailang si kuya na sabihin sakin." Sabi ko naman kay kuya Richard.

"Hindi yan, oh yan na pala si kuya Rhemz." Sabi niya.

"Hello, kamusta pasyal Mona?" Tanung sakin ni kuya Rhemz.

"Okay naman kuya." Nakangiti kong sagot kay kuya.

"Bakit nga pala pinapunta niyo ko dito? At bakit dapat hindi kasama si Mariam?." Tanung niya habang nakatingin samin ni kuya Richard.

"May gusto lang akong itanung kuya." Sabi ko kay kuya Rhemz.

"Osige Mona ano ba yun?" Tanung niya.

"May kinuwento kasi sakin si kuya Richard about sa feepings mo for ate." Sagot ko sa kanya halata kay kuya na nagulat siya at bigla siyang napatingin kay kuya Richard, na ang sagot lang sa kanya '🤭'

"Ah-eh kasi ano Mona." Nauutal niyang sagot.

"So totoo nga kuya kasi nauutal ka dyan, don't worry okay lang sakin. Gusto kita para kay ate. Mabilis ba? Base kasi sa nakikita ko importante tapaga sayo si ate tapos dumagdag pa yung kwento ni kuya Richard." Nakangiti kong sagot.

"Ta-talaga Mona? Boto ka sakin para sa ate mo?" Gulat niyang tanung.

"Opo kuya. Saka ne'tong mga nakaraan yung nagsimula kayong makausap masaya si ate saka palaging nakangiti." Nakangiti kong sabi kay kuya.

"Diba koys sasabihin mo na lahat kay Ivana?." Tanung ni kuya Richard kay kuya Rhemz.

"Oo bukas ng umaga." Sagot naman ni kuya Rhemz.

"Tulungan ka namin, surprise mo siya." Suggest ni kuya Richard.

Mukhang magandang idea naisip ni kuya Richard. 🙂

"Oo nga kuya tutulungan ka namin." Sabi ko naman.

"Okay sige. Excited na ko." Nakangiti niyang sabi.

--

Rhemuel's Point of view

Alam na din ni Mona yung feelings ko para sa ate niya. Bukas sasahihin ko na lahat. Bakit ko pa papatagalin, susulitin ko na 'tong pagkakataon. Gusto ko lang nalaman niya yung nararamdaman ko.

Hindi ko sasayangin tiwala ni Mona sakin.

"Sinabi mo pala kay Mona yung tungkol dun Chard?" Tanung ko kay Richard nasa studio kami, si Mona at Mariam tulog daw sabi ni Richard. Hinayaan muna namin sila magpahinga.

"Oo koys, sinabi ko kay Mona, para alam niya diba para hindi naman magtaka yung bata." Sagot ni Chard. Kung sabagay may point si Richard dun. Pero ayos na din nalaman ko naman boto sakin si Mona. 😊

"Okay sige. Chard? Kinakabahan ako bukas. Baka hindi na ko pansinin ni Mariam pag sinabi ko sa kanya nararamdaman ko." Sabi ko kay Richard.

"Ang nega mo koys, hindi mo ba narinig sinabi ni Mona kanina?" Tanung niya.

"Alin?" Tanung ko din sa kanya.

"Yung sabi niya simula nung nagkausap kayo ni Ivana palaging nakangiti ate niya." Sabi ni Richard.

"Yun ba. Oo nga ano kayang ibig sabihin dun ni Mona." Nagtataka kong sabi kay Richard.

"Malamang masaya si Ivana pagkausap ka koys, ganun lang kasimple." Sabi ni Richard.

"Basta kahit anong mangyari sasabihin ko na lahat kay Mariam bukas, kailangan niya malaman yun. Maghihintay ako sa kanya kahit gaano pa yan katagal. Kung kinakailangan maghintay pa ko ng another 5years gagawin ko." Seryoso kong sabi kay Richard.

"Oo alam ko naman koys, kasi nga mahal mo si Ivana kaya ganyan. I'm sure masusuklian lahat ni Ivana yang pagmamahal mo. Kasi diba naniniwala ka at naniniwala kami na kayo talaga nakatadhana sa isa't isa." Sabi ni Richard.

"Oo Chard. Si Mariam lang talaga gusto kong pakasalan at makasama habangbuhay." Sabi ko kay Richard.

Totoo naman kasi siya lang yung babaeng minahal, minamajal at mamahalin ko ng ganito. Siya lang yung babaeng gusto kong iharap sa altar, siya lang yung babaeng gusto kong maging asawa at maging mommy ng mga anak ko, siya lang yung babaeng gusto kong makasama habangbuhay wala ng iba.

Mahal na mahal ko si Mariam, kaya kong ipagsigawan yun. Proud ako sa nararamdaman ko para sa kanya. Alam ko sa sarili ko na siya lang.

"Mangyayari yan sa tamang panahon koys, tiwala lang." Sabi ni Richard.

"Oo naman Chard naniniwala ako." Nakangiti kong sabi.

"I'm sure mamahalin ka din ni Ivana, ano ngang idea guy niya? Hindi mayabang 1point. Mabait 2points. Mamahalin family niya 3points. Ipagsisigawan siya 4points. Mamahalin siya ng buong buo 5points. Halos na sa'yo na lahat ng gusto niya koys." Nakangiting sabi ni Richard.

"Talaga ba Chard?" Natatawa kong tanung.

"Oo naman koys. Napaka buti kaya ng puso mo, samin pa nga lang diba, pinagkatiwalaan mo kami ng buong buo. At pinili mo kaming makasama dito." Sabi ni Chard.

"Kasi mga kapatid ko kayo mahal ko kay Chard kaya kasama kayo sa lahat ng 'to." Seryoso kong sabi.

Oo mahal na mahal ko yang mga kapatid ko na yan. Sila yung kasama ko sa hirap at saya, tinutulungan at pinapalakas nila loob ko pag  down na down ako, pero syempre iba yung kay Mariam. Kaya alam ng boys lahat about sa feelings ko for Mariam. Alam nila kung gaano ko kamahal si Mariam. Halos araw araw bukang-bibig ko pangalan ni Mariam. Napaka supportive nila sakin sobra. Sila pa unang kinikilig. 😊 ganyan sila. Kahit maloko yang mga yan mahal na mahal ko yan, magkakapatid kami dito.

"Koys goodluck bukas ha." Sabi ni Chard.

"Goodluck?" Pagtataka kong tanung.

"Sa gagawin mong pagamin kay Ivana. Manonood at makikinig lang kami ni Mona." Kinikilig niyang sabi.

"Yun ba osige. Salamat Chard." Sabi ko.

"Promise maaga din kami magigising pero mas mauuna lang kayo dun susunod kami ni Mona." Natatawa niyang sabi.

"Siguraduhin mo lang maaga ka magigising Chard." Natatawa kong sabi.

"Oo namam maaga nga koys." Sabi niya.

Bukas ko na sasabihin sa kanya. Excited na ba kayo sa magiging reaksyon ni Mariam pag nalaman niya. Ako din excited na kinakabahan. 😊

--

🥰🥰

Beyond The Distance Where stories live. Discover now