Chapter 18

446 8 4
                                        

Rhemuel's Point of view





Nagreready na kami ng mga gamit dahil magbabakasyon kami. Kumbaga yun yung pinaka dayoff namin kasama namin si Mona at Mariam.





Para bukas ready na ilalagay na lang sa sasakyan at para din wala ng makalimutan. Maaga din kasi kami aalis. 6pm magbibiyahe na kami.






Sobrang excited na ko kasi kasama namin sila Mariam at Mona. Dumating na din pala yung flowers na inorder ko. Ibibigay ko to bukas kay Mariam. Syempre diba natural lang magbigay ng flowers pag nililigawan or gusto mo yung girl.







Napaka saya ko sobra. Liligawan ko siya kahit gaano pa yan katagal. Handa akong maghintay sa sagot niya. 😊






"Koys! Nangingiti ka dyan? Excited ka na bukas? Wow may pa flowers koy. 🤭" Pangaasar ni Richard.







"Syempre Chard. Hehe. Alam mo naman diba." Sabi ko sa kanya.







"Oo kuya alam na alam ko na mahal mo talaga si Mariam. 😊" Kinikilig na sabi ni Richard.






"Naman. Mahal na mahal Chard. Teka saan ka nga pala galing bakit ngayon ka lang?" Pagtataka kong tanung.








"Sa kabili kila Mona. Hehehe. Excited na din si Mona. Saka nagiimpake si Mariam ng mga dadalhin nila para bukas." Sagot niya.






"Ganun ba. Hehehe." Natatawa kong sagot.






"Yes kausap ko si Mona. Si Mariam may kausap sa phone, bestfriend niya yata." Sabi ni Chard.





"Ganun ba. Chard may sasabihin ako." Seryoso kong sabi kay Richard.







"Ano yun koy?" Tanung niya.








"Pagbalik nila ng Pilipinas sumabay na din kaya ako sa kanila. Ano sa palagay mo?" Tanung ko sa kanya.






"Hmm. Pwede kuya. Pero kasi mas maganda kapag..." Pag bibitin niyang sabi.





"Kapag ano?" Sabi ko.







"Kapag pinauna mo na sila tapos ilang araw ikaw naman uuwi isurprise mo sila." Sabi ni Richard.







Hmm. Maganda din yung naisip ni Richard. Isurprise ko sila tipong akala nila nandito pa ko pero nandun na pala ako. 😊







"Maganda naisip mo Chard." Nangingiti kong sabi sa kanya.







"Diba. Hayaan mo muna na masabi ni Mariam na may manliligaw na siya at ikaw yun diba bago ka umuwi, bago mo siya isurprise." Sabi niya.







"Magandang idea yan Chard sige. Papaalam na din ako kay Boss Xiao." Sabi ko.










"Oo koy para hangga't maaga diba. Eto na yung time para sundin mo puso mo, para unahin mo naman sarili mo sa pagkakataon na 'to." Seryoso niya sabi habang magkatabi kaming nakaupo.






"Salamat Chard." Seryoso ko ding sabi kay Richard.








"Wag mo kaming alalahanin dito kami na bahala sa lahat. Importante ngayon sundin mo puso mo, unahin mo naman sarili mo. Okay lang kamo dito. Nandyan naman si Boss Xiao. Wag mong sayangin tong pagkakataon na 'to." Sabi niya.






Beyond The Distance Where stories live. Discover now