Chapter 11

476 29 10
                                    

Mariam's Point of view

Ang saya kasi ang bait nila lahat winelcome nila kami ni Mona. Pero nasaan na nga pala si Mona? Hindi ko na napansin na nawala siya, baka kasama ni Richard. Naaliw kasi ako kay Boss Xiao ang sarap niya kausap. Sayang umuwi na agad siya. Hmm. Nandito pa din kami sa studio, ang saya pala dito. kahit hindi ako nasayaw ang astig ng mga tugtugan. 😊

"Okay ka lang?" Tanung ni Rhemz, sabay upo sa katabi kong upuan.

"Oo okay lang, masaya. Ang sarap kausap ni Boss Xiao ang bait niya sobra 😊." Nakangiti kong sabi.

"Mabait talaga yun palagi kitang nakukwento sa kanya." Nakangiti din sabi ni Rhemz.

Palaging nakukwento? Hmm. Ano ibig niya sabihin dun. Hayaan na nga. Basta ang bait ni Boss Xiao. Natutuwa kong kausap siya. 🤭

"Nakakatuwa siya." Sabi ko.

"Hehe. Kamusta naman hindi ka pa ba pagod?" Tanung ni Rhemz.

"Hindi pa naman nageenjoy pa ko. Ang babait nila dito." Sabi ko.

"Mababait talaga yang mga yan, kapatid na turing ko sa kanila napaka importante nila sakin." Seryosong sabi ni Rhemz.

"Halata nga na mahal niyo isa't isa." Sabi ko.

"Oo naman. Nga pala kung hinahanap mo si Mona nandun kasama ni Richard. Hindi mapaghiway yung dalawa." Nakangiting sabi no Rhemz.

"Oo nga. Ganyan talaga si Mona pag magaan loob niya sa isang tao madali niyang nagiging close." Sabi ko.

"Halata nga sa kanya." Sabi ni Rhemz.

"Nagugutom kaya yung batang yun?" Pagaalala kong tanung.

"Hindi daw tinanung ko siya kaya ko nagpunta dun. Ikaw ba nagugutom ka? Tara kain muna tayo sa labas." Sabi ni Rhemz.

"Mejo, sige tara." Sabay tayo.

Lumabas na kami ng studio para maglakad lakad at maghanap ng makakainan. Di nagtagal may nakita kami namili lang ng noodles si Rhemz at dun na lang daw kami kumain sa may park.

Bakit eto na naman yung puso ko ang bilis na naman ng tibok. Ano ba nangyayari sayo, parang gusto niyang lumabas sa katawan ko sa sobrang bilis ng tibok. Parang iba na yata to. Mariam yan ka na naman.

"Dito tayo upo na eto pagkain mo Mariam." Sabi ni Rhemz sabay abot ng pagkain ko.

Magkaharap kaming dalawa. Hala sana lang di niya marinig yung kabog ng dibdib ko.

"Salamat. Ang ganda dito nakakarelax. 😊" Nakangiti kong sabi.

"Maganda talaga dito lalo na yung view ang ganda." Sabi niya na nakatingin sakin.

"Ah-ah oo nga ang ganda ng view." Nauutal kong sabi.

"Hehe. Ilang araw kayo dito Mariam?" Tanung ni Rhemz.

"1week Rhemz." Sabi ko.

"Gawin niyo ng 1month. jk." Nakangiti niyang sabi.

Rhemz wag kang ngumiti ng ganyan para talagang gusto ng lumabas ng puso sa sobrang lakas ng tibok.

"Hehe. Pede naman bumalik diba, lapit lang neto sa Pilipinas." Nakangiti kong sabi.

"Oo naman, kahit anong oras pedeng pede." Sabi ni Rhemz.

"Good hehe." Sabi ko.

"May tanung pa pala ko sayo Mariam." Sabi niya.

"Sige ano yun?" Sabi ko.

"May boyfriend ka na ba?" Tanung niya.

"Hmm wala, single ako. 🙂" Sabi ko.

"Talaga?" Nakangiti niyang sabi.

"Oo bakit, magaapply ka? Hehe jk." Sabi ko.

Hala Mariam bakit mo sinabi yun nako naman, buti nadugtungin mo ng jk. Hay nako naman.

"Hehe. Hmm kung pede why not." Sagot niya.

Muntik ko ng maibuga yung kinakain ko dahil sa sagot niya.

"Ha?" Gulat kong sabi.

"Kung pede lang naman. 😊" Sabi niya.

"Hmm seryso? Hmm. Pagiisipan ko." Sabi ko.

Hindi ko na alam kung ano isasagot, nabigla ako dun.

"Sige kapag nakapagisip ka na, sabihin mo sakin." Nakangiti niyang sabi.

"Bakit mo nga pala natanung?" Tanung ko.

"Gusto ko lang malaman, *yes may pagasa*" Sabi niya pero yung huli niyang sinabi hindi gaano kasi pabulong.

"Ganun ba. Babalik ko naman yung tanung. Ikaw ba may girlfriend ka?" Tanung ko.

"Ako? Wala, single din katulad mo." Nakangiti niyang sabi.

"Talaga? Bakit?" Tanung ko.

"Hmm. May hinihintay kasi ako, 5years ko na siyang hinihintay, hanggang ngayon pero ngayon binigyan ako ng pagkakataon mapalapit sa kanya, naniniwala ako na siya na yung babae na para sakin." Seryoso niyang sabi habang nakatingin sakin.

Hala bakit biglang kumirot ng konti yung puso ko. Ano ba, ayoko na sayo heart, hindi na kita maintindihan. Pero bakit may naramdaman akong sakit nung sinabi niyang may hinihintay siyang babae. Ano ba Mariam tumigil ka nga.

"Hindi ako titigil hangga't di siya nagiging akin, 5years hinintay ko para sa pagkakataon na 'to hindi ko sasayangin yung pagkakataon na yun." Seryoso niya pa ding sabi habang nakatingin sakin.

"Good yan pursue her Rhemz. Kaya mo yan." Nakangiti kong sabi,

Pero ramdam ko pilit yung ngiti ko na yun, ano nangyayari sayo Mariam bakit ka ganyan, maging masaya ka para sa bago mong kaibigan.

"Happy for you Rhemz. Go support kita." Dagdag ko.

"Bago kayo bumalik ng Pilipinas makikilala mo siya Mariam, actually kilala mo siya." Sabi niya.

Huh? Kilala ko? Sino naman? Nacurious ako bigla sa sinabi ni Rhemz.

"Kilala ko? Sino naman?" Nagtataka kong tanung.

"Basta makikilala mo din siya bago kayo makabalik ng Pilipinas." Nakangiti niyang sabi.

"Okay sige." Sabi ko na lang.

"Excited ka na ba na makilala siya?" Tanung niya.

Hmm. Excited nga ba ko? Or ayaw ko ng dumating yung time na ipakilala niya sakin yung girl.

"Oo naman no." Sabi ko.

"Good naman kung ganun. Mabait yun kasing bait mo siya." Sabi niya.

"Talaga? Im sure magkakasundo kami." Sabi ko habang pilit akong ngumingiti.

"Sure ako magkakasundo kayo, halos same lang kayo." Sabi ni Rhemz.

Same lang kami? Hmm. Hayaan mo na nga. Naguguluhan din ako sa puso kong to.

"Excited na ko mameet siya." Sabi ko.

After ng usap namin na yun tinuloy na namin yung pagkain ng noodles. Nabalot na ng katahimik yung kaninang tawanan.

Bakit? Ano ba tong bigla kong naramdaman. Anong ibig sabihin ne'to. Yung puso ko kumikirot dahil sa sinabi ni Rhemz. Naguguluhan na ko, wala lang ba yun? Or ayaw ko lang tanggapin na masaktan ako ng konti sa sinabi niya. Mariam, Mariam wala lang yan okay. Natural lang yan. siguro literal lang na sumakit yung dibdib mo yun lang okay wala ng iba.

--
S o m e o n e 🙈

Beyond The Distance Where stories live. Discover now