Chapter Four

894 37 8
                                    

"SAMANTHA konting bilis naman!"

I heard my Kuya yelling from the living room.

"Just a second!" Mabilis kong inayos ang ID ko at lumabas na ng kwarto.

Naabutan ko si Kuya sa sala na nakalukot na kaagad ang mukha.

"Good morning!" I greeted, smiling.

"Bakit ang tagal mo? Anong oras ka na ba natulog kagabi?"

"I ended up talking to Stell thru VC last night. Pero nakapag-review naman ako!" I defended.

Lumabas na kami ng bahay and went to the car. I was about to go inside when Manang Ester called me.

"Sam, anak! Hindi ka mag-aalmusal?"

"Hindi na po, Manang. Sa school nalang ako kakain." Lumapit ako kay Manang and whispered, "May period ata ngayon si Kuya, galit eh."

We both laughed at nang mapansin 'yon ni Kuya, he called me.

"Get in the car, Sam! Hindi ka hihintayin ng recit mo!" Shoot! Bigla ko naalala na may recit pala kami ngayon!

I quickly kissed Manang sa cheek and waved a goodbye.

Nang makarating kami sa school, I thanked Kuya and hurriedly got out of the car kasi mala-late na ako at malayo pa ang room ko!

"Wait, Sam!" Hindi pa ako nakakalayo nang tawagin ako ni Kuya.

"Your allowance." He then showed me his hand with my allowance.

Lumapit kaagad ako para kunin iyon.

"Thanks, Daddy!" Napatawa nalang ako sa reaction ni Kuya na napangiwi.

Takbo lakad ang ginagawa ko kasi mala-late na talaga ako.

Kaya naman pagkarating ko sa room, ang haggard ko na.

"What happened to you, Sam? Pang 6pm na yang look mo, ah." Kyla, my block mate at the same time my seatmate, noticed how haggard I am.

"Late ako nagising eh. Kaya nagmadali." Hindi pa nakakapagsalita si Kyla when Prof. Ramirez entred our room.

I could literally tell how we got tensed when Sir entered.

Like what Kuya said, hindi biro magpa-recit si Prof.

Seconds later, may pumasok din na estudyante.

It was Justin De Dios.

And since the only slot that was left ay yung sa katabi ko, duon siya naupo.

"Let's begin." Prof. Ramirez begun.

And so our 1 hour with Prof. Ramirez went like forever.


"Kyla," Justin called her.

Kakalabas palang ni Prof. at mukha kaming mga sabog dahil sa recit. Ang daming follow-up questions!

"Did you bring the books?" Justin asked. Hindi naman sa gusto kong makinig, pero napapagitnaan ako nang dalawa kaya naririnig ko sila.

"What books?" I can tell she's confused.

I saw Justin's eyebrow raised, also confused.

May kinuha siya sa bag niya. It was his phone. May kung anong kinalikot si Justin sa phone niya and seconds after, he showed a text.

Nanlaki ang mata ko when I accidentally read his text.

"Ah, Justin?" I raised my hand as if I'm reciting to get his attention.

(SS #1) Suddenly YoursWhere stories live. Discover now