NANG umalis ang magpinsan at matapos ko rin malaman na matagal na pala namin kilala si Justin, umakyat na ako sa kwarto ko at naglinis ng katawan.
Mabilis lang ako naglinis at humiga na. Ngunit hindi ako makatulog dahil iniisip ko yung nangyari 13 years ago.
"Bitawan niyo nga ako! Isusumbong ko kayo sa parents ko!" Nakarinig ako ng isang bata malapit duon sa isang hallway na wala masyadong tao.
Nandito kami ngayon sa bahay nila Kuya Josh, best friend ng kuya ko. Birthday niya kasi ngayon.
"Paano mo kami isusumbong? Wala naman dito parents mo eh! Hindi ka nila mahal!" Sabi nang batang may hawak duon sa ngayo'y umiiyak na na bata.
"Hoy bakit niyo siya binubully?!" Sigaw ko sa kanila. Pinapalibutan nilang apat yung kawawang bata na umiiyak.
"Huwag ka nga maki-alam dito, bata!" Sabi naman nung isa.
"Sabi ng Daddy ko bad daw makipag-away sa kapwa! Bakit niyo siya inaaway?" Lumapit na ako sa kanila at hinila yung bata.
"Ito kasing si Justin, eh! Aminin mo na kasing walang nagmamahal sa'yo! Wala nga dito parents mo, eh!"
"Hindi totoo 'yan! Mahal ako ni Mommy at Daddy!" Sigaw naman pabalik ni Justin.
"Paano niyo naman nasabi na walang nagmamahal sa kaniya? Marami kayang nagmamahal sa kaniya!" Sabi ko naman.
"Pati ikaw?" Tanong nung isang bata na may hawak kay Justin kanina.
"O-oo naman!" Pagyayabang ko pa.
"Sige nga patunayan mo!"
"Sabi ng mama ko, kapag hinalikan mo raw ang isang tao, ibig sabihin ay mahal mo siya. Sige nga halikan mo nga si Justin!"
"Oo nga! Patunayan mo nga na mahal mo si Justin!"
"P-para yun l-lang! O-oo naman!" Humarap ako duon kay Justin na hindi pa tumatahan.
"Bata ako bahala sa'yo ha?" Bulong ko kay Justin.
Tumango naman siya.
Natahimik yung apat na bully ni Justin ng halikan ko siya sa labi! Pero mabilis lang iyon at hinarap ko ang apat na bata.
"Hoy ano 'yan? Bakit umiiyak ka, Justin?" Napalingon kaming lahat nang marinig namin si Kuya Josh at kasama niya yung Kuya ko.
Nagsitakbuhan naman yung apat na bata.
"Ano ginawa mo, Sam? Bakit mo pina-iyak si Justin?" Tanong ni Kuya. Lumapit na rin si Kuya Josh kay Justin at pinapatahan.
"Isusumbog kita Sam kay Daddy! Nang-aaway ka!"
"Kuya hindi ko siya inaway!"
Grabe ang tagal na pala.
At first kiss ko pa si Justin!
Naalala ko na naman yung paghalik ni Justin kanina!
Bakit ang init dito sa kwarto?!
Bigla ako nauhaw kaya lumabas ako para sana kumuha ng tubig. Pagkarating ko sa kusina, nakasarado na ang mga ilaw pero nasa counter pa rin si Kuya.
"Beer na naman?" Tanong ko pagkalapit ko sa kaniya.
"Gusto mo?" Alok niya.
Weird. Kanina ayaw niya ako painomin.
Kinuha ko sa kamay niya ang beer at binuksan iyon.
Ang pangit ng lasa.
Linapag ko sa counter yung beer at tinawanan ako ni Kuya. Nahalata siguro kung paano nalukot ang mukha ko nang tikman ang beer.
"Alam mo ba na masakit sa parte ko na malamang nasaktan ka na naman? At wala na naman ako nagawa." Napabuntong-hininga ako. Kinuha ko ang isang kamay ni Kuya at hinawakan iyon ng mahigpit.
"And for the second time, mali ka na naman. Ilang beses ko ba sasabihin Kuya na having you by my side is already enough? Palagi mo sa akin pinapa-alala na hindi ako nag-iisa." I showed him a small smile. Pero bigla iyon nawala at napalitan ng lungkot nang makitang may pumatak na luha mula sa mga mata ni Kuya.
"Kuya naman," I wiped his tears. Pero useless din dahil tuluyan nang naiyak si Kuya.
"I'm so sorry, Sam. Hindi ko lang talaga maiwasang sisihin ang sarili ko lalo na't tayo nalang ang magkakampi rito. Ayaw ko na may mawala na naman sa akin." I hugged him. Hinayaan ko lang na ganoon ang posisyon namin.
"Mula noong umalis sa Papa, walang araw na hindi ko sinisisi ang sarili ko kapag nakikita kitang nasasaktan. Ramdam ko kung gaano ako ka walang kwenta noong panahong iyon. Na kahit sobra rin akong nasasaktan dahil sa pag-iwan ni Papa pero lahat yun tiniis ko. Tinatagan ko ang sarili ko para sa'yo.
Tapos ngayon nangyari na naman ulit. Pakiramdam ko nabigo na naman ako." Ramdam ko kung gaano kabigat ang iyak ni Kuya dahil sobrang lalim ng paghinga niya.
Hindi ko rin maiwasang ma-iyak. Lalo na't hindi ko naisip na nasasaktan rin si Kuya noong panahong iniwan kami ni Papa pero mas pinili niyang damayan ako.
"Inuulit ko Kuya, you did your best. Hindi ka nagkulang kaya 'wag mo sisihin ang sarili mo at huwag ka naman umiyak." Pinunasan ko ang luha ko bago ko inalis ang pagkakayakap ko kay Kuya.
"Kuya, pinapangako ko na magiging masaya ako hindi lang para sa akin, para rin sa'yo para hindi ka na masaktan." Nginitian ko siya and he did the same.
"Alam mo mas magiging masaya ako kung kasama si Justin sa mga dahilan kung bakit ka masaya." Lahat ng awa ko kanina, napalitan ng hiya.
Naalala ko na naman ang nangyari 13 years ago at kanina.
"B-bakit naman nasali si Justin! Kuya pansin ko pinagti-tripan niyo kami ni Justin!" Hinampas ko siya sa braso niya. Napangiwi naman siya sa sakit.
"Mabait kasi yun si Justin. Hindi tulad nung gagong Felip na 'yon." Pinanliitan ko siya ng mata dahil sa sinabi niya.
And for the second time, hinampas ko ulit siya.
"Huwag mo na kasi banggitin o isipin!" Nakita ko kasing umiba yung tingin niya nang banggitin si Felip. 'Yan tuloy, bad trip bigla.
Tumayo na kami at inakbayan ako. Sabay na kaming umakyat saka inalis ang pagkaka-akbay niya sa akin nang nasa harap na ako ng kwarto ko.
"Good night, Kuya."
"Good night."
Pumasok ako sa kwarto ng nakangiti. Pero bigla na naman ako nakaramdam ng init nang mabasa ko ang natanggap ko na text.
From: Justin
Sorry kanina...
Wala namang problema sa text pero nang mabasa ko ang pangalan ni Justin, saka ko na naman naalala yung halik!
YOU ARE READING
(SS #1) Suddenly Yours
Ficțiune adolescenți"Love can never be easy for it might be temporary." Samantha started a relationship with Felip. They were so in love with each other. But love does fade. Felip felt that, ready to let her go. Little did she know, someone was patiently waiting for he...