Chapter Eighteen

729 30 1
                                    

"Ah, no cuts, no buts, no coconuts?"

I was laughing so hard because of Ralph. Nanonood ako ngayon ng Wreck-it-Ralph and my moment got disturbed because someone called.

But I suddenly felt excited nang makita kung sino yung tumawag.

Pinatay ko ang TV and hurriedly went to my room.

I answered his call.

"Sam?"

"Hey.."

"Busy ka?" He asked. I had an instinct na mag-aaya siya palabas so I went in front of my closet.

"Hindi naman. Why?" I answered.

What should I wear today?

He paused for a second.

"Tagaytay tayo?"


"Ano naman gagawin natin sa Tagaytay?"

"Sky ranch." Napatigil ako sa paghahanap ng damit ko. Hindi agad ako nakapagsalita.

"Ayaw mo ba?" Napailing ako kahit hindi naman ako nakikita ni Justin.


"Syempre gusto. Wala naman ako ginagawa, eh."

"See you in 30 minutes?"


"Yeah. Sure."

I just wore a ripped jeans and a blue off-shoulder. I also wore my pair of Adidas white shoes and a white sling bag.

Light make-up lang din ang ginawa ko with my look and I'm ready to go.

Sa sala naman ako naghintay. Hawak ko lang ang phone ko in case na tumawag si Justin.

"Aalis ka?" Tanong ni Kuya na pababa ng hagdan. May hawak siyang mga libro at mukhang magrereview dito sa sala.

He sat beside me and placed the books on the table.

He's busy reviewing for he'll be taking entrance exam to law school.

Hindi ko nalang siya ginulo and just waited for Justin.

Maya-maya nagtext na siya sa akin na nasa labas na siya kaya nagpaalam na ako kay Kuya.

"Ingat kayo."

"Bye." I kissed his cheek bago lumabas.


I opened the door sa passenger seat, only to see Drake, smiling awkwardly.


"Hi, Sam!" Napatingin din ako sa likod kung saan nandoon si Kyla.

"Akala ko tayo lang?" I faced Justin and asked.

"Grabe naman, Sam. Hindi naman halata na ayaw mo kami kasama? Huwag kang mag-aalala dahil bibigyan ka namin ng time with De Dios." Napatawa naman si Drake sa sinabi ni Kyla kaya malakas kong sinara ang pinto sa passenger seat.

Sumakay na ako sa sasakyan and Justin drove.


Almost two hours na kami nakarating sa Tagaytay because of traffic. Kaya pumila kaagad kami to buy tickets para makapasok na.


First thing we did was to take a LOT of pictures.

Tinukso pa nga ako ni Kyla dahil nagpapicture ako sa kaniya gamit ang phone ko at nakita niyang nakalagay doon yung picture namin ni Justin sa snapshot. Yung nakahalik siya sa akin.


(SS #1) Suddenly YoursWhere stories live. Discover now