IT'S been week since the last time the four of us hangout kaya naman napagdesisyonan namin to go to Rainforest, a park in Pasig.
And since malapit lang naman, nagcommute nalang kami. Hindi rin naman kasi available ang sasakyan ni Drake and Justin at wala rin kaming sasakyan ni Kyla.
Gusto sana ni Kuya na ihatid kami but then I told him na magcocommute nalang kami baka kasi ma-late pa siya sa review niya.
Kakatapos lang din naman kasi ng finals namin so we deserve a break.
"Oh, no pets allowed daw Drake. Hindi ka pwedeng pumasok." Biro ni Justin na agad naman binatukan ni Drake.
"Gago ka, De Dios." Napa-iling nalang kami ni Kyla sa kakulitan nung dalawa.
We first rode the mini-train para makita naman ang lawak ng park. Ayaw oa nga nung dalawang lalaki dahil pambata raw pero napilit naman namin ni Kyla.
Nagkatabi kami ni Kyla habang nasa likod naman yung dalawa, nakasimangot.
"Uy ang cute ng monkey dun oh! Doon tayo after nito!" Turo ni Kyla doon sa mini-zoo.
Pagkababa namin, hinanap namin kung saan ang mini-zoo, nang makita iyon ay pumasok na kami.
Yung dalawang lalaki ay nagbabangayan dahil kamukha raw ni ano si ganito-ganyan.
"Para kayong bata, nakakahiya." Komento ni Kyla sa dalawa.
"Wow sino kaya yung mas bata rito? Uy ang cute ng monkey dun oh!" Pangagaya ni Drake kay Kyla na kaagad naman nitong sinabunutan.
Lumapit sa akin si Justin at bumulong.
"Iwan na natin sila rito." Tumango ako sa kalokohan ni Justin at lumayo nga kami. Binilisan namin ang lakad hanggang sa makarating doon sa may mga ostrich.
Hinawakan ni Justin ang kamay ko and I just smiled to him.
"Why is this ostrich hitting me?" Justin curiously asked.
Lumapit kasi sa kaniya ang isang ostrich tapos hinahaplos ang ulo nito sa may dibdib ni Justin.
Napatawa ako when realization hit me.
"Dude, the ostrich is literally attracted to you!" Napatawa ako when the ostrich keep on rubbing its head.
"What?"
"Male or female ostrich can be attracted to humans lalo na kung sanay itong inaalagaan ng tao." I answered which made him bod at hinaplos nalang din yung ulo ng ostrich.
"Gaga ka, Sam! Gusto mo lang ma-solo si Justin!" Nagulat kami ni Justin when we heard Kyla.
Naabutan pala kami nung dalawa.
"Next stop na tayo. Ang daming Drake dito, nakakasawa." Suggest ni Kyla.
Sunod naman namin sa flower field. At doon naganap ang picture taking naming apat lalo na't ang gaganda ng mga bulaklak. Doon ako nagpa-picture sa mga sunflowers samantalang sa mga lavenders naman si Kyla.
Halos solo pictures namin ni Kyla ang laman ng phone ko tapos yung iba kami na ni Justin tapos si Kyla naman and Drake.
Nagpahinga muna kami saglit duon sa bench na may malapit na food stall.
"Tubig?" Alok ni Justin. Kinuka ko naman iyon at uminom.
"Tingin niyo uulan?" Drake suddenly asked kaya napatingin kaming lahat sa langit.
"Bilisan na natin para hindi tayo abutan ng ulan." Sabi naman ni Kyla.
Nagsitayuan na kaming apat at dumiretso na sa Butterfly house.
We enjoyed the calm vibes there. Ang gaganda ng mga butterfly na nagliliparan dito. Iba-iba yung kulay at patterns na halos hindi ko pa nakikita.
Hindi na kami nagtagal duon dahil nag-aya na si Drake sa Amaze Garden.
Nagpaunahan kaming apat na makapunta sa castle ng Alice in Wonderland sa gitna ng maze.
Nakasunod lang ako kay Justin. Kami ang nauna kaya umakyat kaagad kami sa maliit na castle. Natanaw namin yung dalawa na hirap mahanap ang daan.
Hindi pa nakakarating yung dalawa ng biglang umulan ng malakas.
At dahil hindi namin kabisado ni Justin iyong daan, natagalan kami makaalis duon sa maze unlike Kyla and Drake na hindi oa gaanong nakakalayo noong umulan.
Basang-basa tuloy kaming apat.
We called it a day at umuwi na. Pinagtitinginan pa nga kami dahil siguro basang-basa kaming apat.
Pagkauwi ko ay naligo kaagad ako at nagpahinga. Bandang alas-tres ng hapon ng magising ako mula sa pagkakatulog dahil tumawag si Josh.
Ang weird lang dahil never akong tinawagan ni Josh.
"Hello?"
"Sam? Naabala ba kita?" He asked.
"Hindi naman. Bakit?"
"Can you come to our house? May sakit kasi si Justin at siya lang mag-isa sa bahay." Nang marinig iyon ay dali-dali akong napabangon at naghanap ng susuotin.
"Don't worry, pinagpaalam na kita sa Kuya. Hindi kasi ako makakauwi kaagad kasi alam mo namang may review kami, eh."
"It's okay. I understand. I'll take care of Justin." He thanked me and ended the call.
After kong mag-ayos, bumaba na ako. I asked Manang for medicine na ipapainom kay Justin at binigay naman niya.
And since wala nga akong sasakyan, nagcommute nalang ako papunta sa bahay nila Josh.
"Justin?" Naka-ilang doorbell na ako pero hindi pa rin binubuksan ni Justin. Nag-aalala ako baka kung ano na nangyari sa kaniya lalo na at wala siyang kasama.
Finally, after a minute, binuksan na ni Justin ang pinto.
Lumapit kaagad ako sa kaniya when I saw his situation. Naka pajamas siya at sobrang namumutla. I touched his forehead to check his temperature at nagpanic ako dahil sobrang init niya!
Umuubo rin si Justin kaya inalalayan ko muna siya papunta sa kwarto niya.
It was my first time to enter his room at tama nga si Drake, puro pokemon ang laman ng kwarto niya.
"Diyan ka muna, okay? I'll just make you something to eat." He just nodded at bumaba na ako and went to kitchen.
But to dismay, walang pagkain sa ref. Wala rin akong makitang kahit konting ingredients na pwede ko lutuin.
So I grabbed my wallet and went to the market. Hindi na ako nagpaalam kasi tulog si Justin.
Binilisan ko lang ang pamimili ko ng mga sangkap na gagamitin ko for the porridge.
Buti nalang assistant chef ako ni Manang kaya marunong ako magluto!
Nagluto ako ng porridge at inihanda ang gamot ni Justin. After I prepared everything, umakyat na ako to bring the food and medicine to Justin.
Pagkarating ko sa kwarto niya, I can't help but to stare at him.
God, I don't even know how to take care of a sick person.
YOU ARE READING
(SS #1) Suddenly Yours
Fiksi Remaja"Love can never be easy for it might be temporary." Samantha started a relationship with Felip. They were so in love with each other. But love does fade. Felip felt that, ready to let her go. Little did she know, someone was patiently waiting for he...