Chapter Six

809 35 1
                                    

TUMAGAL ng halos dalawang oras ang pag-uusap namin ni Felip. After the call, nagreview kaagad ako for the quiz tomorrow.

Bandang alas-dos ng umaga ay lalabas sana ako para kumuha ng tubig. Ngunit pagbukas ko ng pinto, bumungad saakin ang isang tray na may nakapatong na food cover.

Binuksan ko iyon at nakita ang laman na pagkain.

Inutusan siguro ni Kuya si Manang na dalhin 'to sa akin.

Kinuha ko ang tray at dinala sa kusina. Pagkarating ko roon, nadatnan ko si Kuya na nakaupo sa may counter, may iniinom na beer.

At dahil inis ako sa kaniya, hindi ko siya pinansin. I'm just here to drink water.

"About Felip," Napa-irap nalang ako nang magsimula siyang magsalita.

"Ano nga ulit course ni Felip?"

I don't know why but I answered him.

"Mass Comm."

"What in the world is a Mass Comm student doing at Tourism building?" Napaharap na ako kay Kuya. He's still drinking a beer without looking at me. Nakatingin lang siya sa malayo.

"Baka naman may pinuntahan lang? Binigyan mo naman kaagad ng malisya." He's still not looking at me, as if may ina-analize siya sa kaniyang isipan.

"Every time na pumupunta ako sa CEU, palagi saakin naku-kwento ni Josh na labas-masok ng Tourism building si Felip. I even saw him last time with a girl na papaalis ng campus. And guess what? Nakita ko ulit silang dalawa na magkasama sa McDo," He said, pertaining to the girl I saw with Felip kahapon.

"Magkahawak kamay pa nga, eh."


This time napaharap na siya saakin. Kinabahan ako kaagad nang bigla niyang pinanggigilan ang lata ng beer. Pero mas kinabahan ako sa sinabi ni niya. Ang talas na rin ng tingin ni Kuya sa akin.


"B-baka naman magkaibigan lang sila.." Alam kong nahuli ako ni Kuya na napa-isip bigla.

Magkaibigan lang nga ba?

O baka naman kasama niya sa club?

Hindi ko alam.

Minsan ko na rin siyang nakita with the same girl pero hindi ko lang iyon pinapansin.

"Okay pa ba kayo ng Felip na 'yan? Samantha may usapan tayo. Kapag nahihirapan ka na, hihiwalayan mo na ang lalaking 'yon." Napatayo na si Kuya at lumapit sa akin. Hindi pa rin naaalis ang matatalas niyang titig sa akin.

"Huwag mo kaming pangunahan, please. Kakausapin ko siya."

"At kailan pa? Akala mo ba hindi ko nahahalata na bihira nalang kayo magkausap ni Felip? Araw-araw kong naririnig ang mga reklamo mo kay Stell tungkol kay Felip. Samantha, hindi na yun tama, hiwalayan mo na!" Napaatras ako sa gulat nang biglang tumaas ang boses ni Kuya.

Maya-maya ay lumabas si Manang Ester. Naabutan niya kung pano mukhang galit na galit si Kuya.

May namumuo ng luha sa mga mata ko pero hanggat kaya ko, hindi ko sila hinahayaang bumagsak.

"Hanggang kailan ka ba ganyan, Kuya? 'Wag kang mag-alala. Kakausapin ko si Felip bukas na bukas at ipapamukha ko sa'yo na mahal namin ang isa't-isa." Hindi ko na hinayaan si Kuya na magsalita pa.

Manang even called my name pero hindi ko siya liningon.

Narinig ko nalang na pinapagalitan ni Manang si Kuya.

(SS #1) Suddenly YoursWhere stories live. Discover now